Betty's Pov;
Nagising akong may balot ang katawan ko ng kumot pero wala sa tabi ko si sven. Masyado namang maaga para lumabas siya ng kwarto.
Sven? baby?
Hindi naman ako sinasagot. Kaya nag pasya akong tumayo nagbihis at hanapin si sven. Wala rin siya sa may veranda ng kwarto.
hindi naman siya nag text sakin na aalis lang siya saglit. Hindi ko na kinatok sina kian, Ako na lang hahanap kay sven.
Asan ba yun? alas kwatro pa lang ng umaga, saan naman kaya pupunta yun. Pagtatanong ko sa sarili ko.
Naglakad lakad ako sa dalampasigan. Baka sakaling naglalaro lang sa tubig si sven. Kaya dinere-diretso ko ang dalampasigan.
Hanggang sa, naabot ko ang dulo ng dalampasigan. Madilim puro puno pa.
Sven?
Nakakainis na kasi di ki man lang siya makita. Nagpasya na lang ako bumalik sa kwarto namin. Baka magpa tulong narin ako kina ana na hanapin si sven.
Nang makabalik naman ako, agad ako tumakbo sa kwarto nina kian at ana. Pero laking gulat ko wala si kian at ana.
Sinubukan kong silipin ang kwarto nina pero tulog naman sila.
Saan naman kaya pupunta yung tatlong yun?
Bumalik ako ng kwarto, gusto ko na lang matulog. Napapagod na ko maghanap ng taong ayaw msgpakita.
Ugh!!!! bahala siya sa buhay niya!
Narinig ko namang tumunog ang phone ko kaya, tumayo ako at kinuha to sa side table.
Ana:
oh nagtext din.
"punta ka naman dito sa may garden"
garden? Napaisip ako kung anong meron bakit may pa garden si ana.
Oh asan sila? pagtatanong naman ni fred.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa may garden. Ang alam ko kasi malapit sa may entrance yun. Yung open field dun na may green house.
ilang minuto kang naabot ko din ang garden.
"butterfly garden" Pangalan nung garden. Namangha naman ako pagpasok ko, ang daming paru-paro. Ang daming mga rare ng halaman at bulaklak.
nakita ko naman si ana na nakatayo sa gilid. Kaya naman nilapitan ko siya, kaso tinulak niya ko sa may bandang madilim.
Ahhhhh. Sigaw ko ng may humawak sakin.
kian? Pero hindi siya sumasagot. Parang si ana kanina. Ang weird nila ngayon ano bang meron?
Guys? di na ko natutuwa. Ayoko ng mga ganito.
shhhhhh. Pag suway sakin nung nakahawak sakin.
Naka alalay lamang siya sakin dahil ang dilim ng pathway.
Hanggang sa may nakita na kong liwanag na mula sa kandila. Napansin ko naman ang sahig ay punong puno ng petals ng sunflower may halong white roses at red roses.sven? tawag ko ng makita ko siyang nakatayo.
Ano bang meron? Ewan ko pero parang kinikilig ako na naiihi.
hindi ko alam magiging reaksyon ko. pero sobrang ganda at romantic ng lugar.
baby? goodmorning. Pagbati sakin ni sven at sabay halik sa noo ko.