"It's a new day , its a new dawn for meee i feelin' goooo ooood"
Hoy ate dalian mo nga maligo, male-late ako sa ginagawa mo e. Pakanta kanta ka pa diyan.
Maghintay ka kaya.
Ateee, daliaan mo naman.
Tinapos ko na agad ang paliligo, kahit kailan talaga tong si angelo e.
Paglabas ko ng pinto ng banyo nakakatitig lang siya sa akin. Nakatapis lang kasi ako ng tuwalya sanay naman ako na ganito dahil alam ko namang mabait si angelo.
Ateeee.
Ohhh , ano makasigaw e no!
Bakit mukha kang lumpiang hubad diyan sa tuwalya mo ?
Siraulooo! Ka talaga maligo ka na nga.
Hahahahaha--- ate nakakadiri yang itsura mo, paano na pag nagka asawa ka na?
Oh ano naman kung magka asawa ako ?
Wala siyang kakapitan sayo! Wala kang d*d* e HAHAHAHA Ayun t'wang tuwa siya sa panglalait sakin.
Maligo ka na ngang buwisit ka !
Pagkatapos ng pang aasar niya sakin ay umakyat na ako sa kwarto atsaka nagbihis ng pang school.
Ateeeee!!
Lumabas ako ng kwarto para tignan si angelo kung bakit ako tinatawag. Malapit lang ng konti ang ang CR kaya madali mong maririnig ang sigaw ng tao sa loob ng CR.
Ano ba? Kanina ka pa sigaw ng sigaw diyan !
Yung phone mo kanina pa nag ri-ring , may tumatawag ata!
Oh hindi mo sinagot ?
Sinagot ko, nagalit nga e.
Huh ? E sino daw ba yun? Ano bang sabi ?
Sabi niya , yari daw ako sakanya pag nalaman niyang lalaki mo ko .