Chapter 10

413 10 0
                                    

Uhhmm. . sakit ng ulo ko! Sabay hawak sa noo ko, may konting dugo ito.

Sumandal ako sa malaking bato, medyo naliliyo pa ang pakiramdam ko at malabo pa ang paningin ko.

Sinubukan kong umalis sa mga batuhang ito. Sinubukan kong gumapang papunta sa pangpang ng dagat. Maghahanap sana ako ng tulong ng maalala kong may mga buntot nga pala ako.

Hinanap ko ang puting perlas. Ang huli kong pagkakatanda ay hinubad ko ito dahil tumakas ako sa mga kampon na aking ina. Pero di ko alam kung saan ko nahulog ang perlas.

Pare, paano ? Lumulubog na ang araw. Bukas na lamang ulit

Sige pare, agahan na lang natin bukas para mas madami tayong huling isda.

Sige una na ako

Nakita kong naglalakad ang isang mangingisda papunta kung saan ako naka dapa. Pag nakita ako ng taong ito baka patayin ako.

Saan ko ba kasi nailagay yung perlas.
Bulong ko sa sarili ko!

Gumapang ako palayo sa kinaroroonan ko. Dahil makikita ako ng tao! Sa takot ko ay gumulong ako papunta sa batuhan.

Sino yan?! ---- may tao ba riyan?
Sigaw ng mangingisda, buti na lamang at naka alis na ako dun.

Mabilis kong hinanap ang perlas dahil baka matagpuan ako ng tao na may buntot ng sirena!

May tao ba riyan huh!! Sumagot ka ! Hindi ako natatakot sayo.

Kinuha niya ang sagwan at akmang ihahampas sa kung sino mang lumabas sa gawi ko. Dumidilim na rin ang paligid , lumulubog na ang araw at hindi ko parin nakikita ang perlas.

May kumaluskos sa aking likurin ! At nagsalita ito.

Prinsipe? Si leryo ito.

Ikaw lang pala anong ginagawa mo dito?

Nahulog mo ang perlas kanina nung lumangoy ka palayo sa mga alagad ng reyna.

Asan na ang perlas ? Nakuha mo ba?

Opo mahal na prinsipe.

Iniabot niya sakin ang perlas tsaka ito isinuot lumabas ulit ang nakakasilaw na liwanag mula sa perlas at buntot ko. Pag dilat ko naging paa na ito. Tsaka naman lumangoy palayo si leryo.

Sven MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon