Chapter 13

375 7 1
                                    

HOY! Ateee? Gumising ka nga ? Kanina ka pa hinahanap ni mama e saan ka ba galing huh ?

Hindi sumasagot si ate, naka talukbong lang ng kumot. Nayayamot na ako dahil akyat baba ako ng akyat baba dahil ayaw nitong gumising.

MUKHANG ALAM KO NA KUNG ANO MAGPAPA GISING SAKANYA.

ATE! Alam mo ba ? Si fred? Kakadating lang dito sa resort, namimiss daw kasi ni mama kaya pinatawagan sakin ..

E BAKIT MO NAMAN TINAWAGAN ? ULAGA KA DIN E.

Edi nagising ka din. Arte mo e , halika na kasi.

Baliw tulog ako, dun ka na nga.

Alam mo may saltik ka talaga? Bakit ba may kapatid akong ganito.

Basta tulog ako bumaba ka na nga.

Ayoko ng bumaba ate, nanakit na yung mga binti ko e pangatlong beses ko ng panik panaog dito e.

Napahiga tuloy ako sa kama sa tabi ni ate. Niyakap ko si ate, ganito ako sakanya kahit noon pa man. Kahit mag kaiba kami ng tatay hindi nawawala sa akin na ate ko siya at kapatid niya ako.

Alam ko yang yakap mo angelo, wag kang mag paawa sakin. Wala ko sa mood huh

Ateeee namn kasi baba na tayo. Ano bang nangyari sayo ?

Nangyari ?

Oo nangyari ? Bakit ka nagkulong dito. Hindi ka ba natatakot sa kwarto na ito ?

At bakit naman ako matatakot huh ?

Tignan mo huh. Sabay turo sa may pader. At sa mga pigurin

Oh anong meron ?, tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa ulo niya.

Hindi mo ba nakikita ang mga nakapinta? Parang mga buhay sila.

Sven MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon