Friday na last day nanaman ng pasok sa school pero tamad na tamad ako. Alam niyo naman hindi parin nagpaparamdam si kuyang sven ..
Jusko hanggang kailan ba'to? hanggang kailan sakin ilalayo ni tita kim si sven? eto namang si angelo katok ng katok, hindi makapunta ng school na hindi ako kasabay.
Ano ba?!! mauuna ka na nga.
bakit ayaw mo na ko kasabay.
Angelo naman eeeee.. Sa monday na lang tayo magsabay sige na.
At pinabayaan ko na lang siyang umalis sa labas ng pinto ko. Sakto naman na paghiga ko ulit ay may nag message.
Excited ako dahil baka si sven na yung nag chat sakin. kaya wala pang segundo ay binuksan ko yung message.
kaso hindi naman si sven. Si ana lang pala.
saan ka na?
seen 7:03andito pa ako sa bahay, tinatamad akong pumasok e. sa monday na lang kaya?
seen 7:05huh bakit? may sakit ka ba ?
seen 7:10wala sige papasok na ko hintayin mo na lang ako sa room.
seen 7:11hindi ko na hinintay na mag reply pa si ana. naligo at nag asikaso na ako para makapasok na agad. At syempre maglalakad lang naman ako papasok.
betty ? nak?
po ma?
hatid ka na daw ni tito daniel mo. nakabihis ka na ba?
Sigaw nito sa labas kwarto ko. Ngayon ko pa lang narsramdaman yung para may tatay ka na talaga. Sa tagal ng patay ng tatay ko.
opo ma. pababa na po wait lang po..
napakaripas naman ako sa pagkilos. At tumakbo pababa ng kwarto.
nasa kotse na si tito daniel mo.
sige ma una na po ako.
hindi ka na ba kakain man lang?
hindi na ma sa school na lang po bye po.
Atsaka tumakbo papuntang kotse dahil male-late na ko. Si mr. francisco pa naman ang prof. namin galit sa late yun .
Bakit tinanghali ka ata ng gising?
e kasi po medyo kumirot ang paa ko. pagsisinungaling ko rito. kahit dahil kay sven talaga.
e gusto mo ba dalhin kita sa ospital?
hindi na po tito. okay na po ako.
sigurado ka huh..
opo..
Ilang minuto lang din ay nasa school na ko, ganun siya kalapit sa bahay namin nagsayang lang kami ng gas hehe.
hija eto baon mo oh tsaka nga pala kakausapin ko yung admin mo sa monday.
huh bakit po?