Pinatawag ko naman si kian kay ana, dahil may gusto akong malaman mula dito. Hindi ko alam kung bakit niya tinago sakin.
Balak ko na ring sabihin kay ana ang sekreto ni sven. Para mas aware siya sa nangyayari. Ayoko naman kasing habang nagiging close sila ni sven. E hindi niya alam na sireno ito.
Hinahanap mo daw ako? bungad sa akin ni kian.
Napaupo naman ako sa kama ko, medyo nahihilo at nanghihina ako. Talo ko pa yung naka droga sa hilo ko.
Oh! sabi kasing wag munang gumalaw. pag saway sa akin ni ana.
Inalalayan naman ako ng mama ko, Hindi ko parin talaga alam ni mama ang nangyayari. Hindi ko pa naeexplain sakanya.
Ayos lang ako ano ba kayo.
E nak, kasi naman. bakit ba kasi dumating pa sa ganitong sitwasyon at na ospital ka pa?
Napayuko na lamang ako sa mga tanong ni mama. Hindi ko alam kung pati ba sakanya ay sasabihin ko na.
Teka! asan si sven? okay na ba siya?
kumalma ka te! okay na si sven nilipat na sa kabilang kwarto.
Buti naman. Nawalan ako ng tinik sa dibdib dahil alam kong okay na siya.
E yung? kwintas niya? i mean yung necklace? tinanggal ba?
hindi ko lang alam. sagot ni kian
E teka bat ba mas importante sayo yung necklace ni sven huh? tanong naman ni mama.
gusto ko makita si sven.
Tatayo na sana ako, kaso bigla naman kumirot itong paa ko. Dahil sa lalim ng bubog sa paa ko, kaya tinahi yung talampakan ko.
Sabi kasing wag munang gumalaw e!
Tita, wait lang ikukuha ko na lang po si betty ng wheelchair.
Habang hinihintay naman si ana, etong si kian. Hindi mapakali sa kakatanong sa akin kung bakit ko siya tinawag.
Hindi mo parin ba sasabihin betty?
Mamaya na nga kasi. Gusto ko muna makita si sven.
Hindi ka na talaga mapipilit?
Sinampal ko naman si kian ng kutsara. Nag iinit ulo ko sa kakulitan ng isang to.
Bakit mo ko sinampal?
dagdagan ko pa yan pag di ka nanahimik. pananakot ko kay kian.
So? kala mo matatakot mo ko ? sabay ngisi sa akin.
nakikita mo'tong swero ko? itutusok ko 'to sa sintido mo. tamo !
Sabi ko nga e. uupo na ko.
Good dog.
raaaaaaaaawr ...
napatingin naman kami ni mama kay kian at sabay tawa.
kahit kailan talaga, mentally retarded.Halika, alalayan kita. pag alo sa akin ni ana.
Tsaka naman ako binuhat ni kian.
buti na lang naka hawak ako sa handle ng kama , kundi plakda nanaman ako.Galit ka?? Tanong ko kay kian.