CHAPTER 2:

6.5K 145 0
                                    

Hinagilap ni Mang Sakong ang kanyang kasuotan at mabilis na kinuha ang kanyang itak. Galit na galit itong lumabas ng kanilang kubo, nagngingitnit! 

"Bwisit ka! Nandun na eh! Naudlot pa ng dahil sa'yo! Isturbo!" Nagtatangis ang bagang nitong tiningnan kung ano ang dumapo sa bubong ng kanilang tahanan.

Nanindig bigla ang kanyang mga balahibo nang dahil sa napakalamig na ihip ng hangin na umihip sa kanyang katawan. 

Nilibot niya ang buong kapaligiran ngunit wala siyang makitang kung anong bagay na maaaring iyon ang dumapo o nahulog sa kanilang bubungan.

"Bwisit! Bwisit!" pinagtataga ni Manong Sakong ang puno ng saging sa sobrang galit. Wala naman siyang nakita sa kanilang kapaligiran. Bumalik na lang ito sa kanilang kubo.

"Anong nakita mo, Pa? Ano yong dumapo sa bubungan? Anong klaseng ibon 'yon?" Ang sunod-sunod na tanong ni Jane sa asawa.

"Wala!" Ang pasinghal na sagot ni Manong Sakong. Bumalik ito sa kanilang higaan at natulog na lang. 

Hindi nagkamali si Jane. May kung anong malaking ibon ang dumapo sa bubungan ngunit bakit walang nakita si Manong Sakong? Niyakap niya ang asawa pero tinanggal nito ang kanyang kamay. Nagbuntunghininga na lamang siya, alam niyang nabitin ang asawa kaya ito ay may pagtatampo sa kanya.

"Pa, ituloy na lang natin..." paglalambing ni Jane.

"Itulog mo na lang 'yan!" wala na siyang nagawa kundi matulog na lang din.

SA BAHAY NG MGA AMORSOLO:

Nagising si Thess ng maghahatinggabi na, sampung-taong gulang pa lang ito at kakalipat na naman nila sa bagong lugar. Hindi niya maintindihan ang lahat, hindi sila nagtatagal sa isang lugar dahil sa may kung anu-anong binibentang sa kanila. Hinanap niya ang kanyang ama't-ina ngunit di niya ito makita, nagbabadya ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Mommy! Daddy!" Nagsisigaw na ito sa loob ng kwarto ng kanyang mga magulang ngunit wala talaga ang mga ito. Umiyak na ng husto si Thess, wala ang kanyang mga magulang at nag-iisa siya sa buong bahay. Sumuksok ito sa isang sulok ng kwarto habang nag-iiyak. After how many minutes of crying ay bigla itong napatigil dahil sa kanyang narinig, mga pagaspas ng pakpak ng malalaking ibon. Takot na takot si Thess sa mga panahong yaon. Bukas ang bintana ng silid ng kanyang mga magulang at sa kanyang kuryusidad ay sumilip siya rito. Takot man ngunit kanya pa rin itong ginawa. 

Nakita niya ang pagdapo ng dalawang malalaking ibon sa kanilang hardin. Nahagip ito ng sinag na dulot ng buwan. Pinagmasdan niya itong maigi na waring sinusuri kung anong klaseng ibon ito ngunit sa kanyang pagkabigla ay nagbagong anyo ang mga ito dahil upang mapasigaw siya sa natuklasan. 

"Mommy! Daddy!" Ang malakas niyang sigaw saka nag-iiyak.

Na-batobalani ang mag-asawang Ella at Koko Amorsolo ng marinig ang matinis na boses ni Thess na kanilang anak. Kakalapag pa lamang nila galing sa pangingibang-bayan. Hindi sila ordinaryong mamamayan, sila'y ampon ng kadiliman na pilit namumuhay sa isang normal na pamamaraan; ngunit hindi nila matakasan ang lahing kanilang pinagmulan.

Nagkatinginan ang mag-asawang Ella at Koko ng makita ang anak na si Thess na nakatanaw sa kanila mula sa bintana ng kanilang silid.

"Ella, oras na segurong malaman ng anak natin ang buong katotohanan." Si Koko sa asawa nito. Inilihim nila ang lahat kay Thess dahil ayaw nilang isipin ng anak nila ang kaibahan niya sa mga kaedad niya. They want her to live a normal life, iyon ang pangarap nila kahit alam nilang imposible dahil pareho silang aswang at ang dugong nananalaytay sa kaugatan ni Thess ay dugong aswang din. Magiging ganap na aswang ang anak sa pagtapak nito sa kanyang ika-18 na kaarawan. Nais man nilang putulin ang pagiging aswang nila ay wala silang magagawa.

"Matatanggap kaya niya tayo, Koko?" Ang nag-aalinlangang tanong ni Ella sa asawa.

"Sa kanyang nakita ngayon ay hindi ko alam paano ipapaliwanag ang lahat. Ayaw ko ng magsinungaling, Ella. Karapatan niyang malaman ang lahat."

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon