"Uy! Kapitan, kamusta? Marami ka bang nakitang Aswang kagabi? O ikaw ang inaswang?" si Mark ang pinaka-pilyong binata sa kanilang baranggay. Binatang di mo kakakitaan ng kahit isang katiting na respeto sa katawan palibhasa'y laki sa layaw at di na kinaya ng mga magulang ang pagputol sa sungay nito.
"Anong pinagkakaabalan mo ngayon, Mark? Nakakabuti ba yan sa pamayanan?" ang nagtitimping tanong ni Manong Sakong. Hinarap niya ito.
"Wala ka na doon, Kapitan! Wala kang pakialam sa personal kong buhay." lumapit din ang binatilyo sa kanya. Matatalim na tingin ang ipinukol niya dito.
Napakuyom ng mga palad si Manong Sakong, "That's my point. Walang pakialam sa buhay ng buhay. Kung ayaw mong makibagay o sumunod sa nakakataas sa'yo, problema mo na'yon. Huwag na huwag ka lang mami-merwisyo ng kapwa mo dahil batas ang makakalaban mo."
"Abay------" akma siyang suntukin ni Mark ngunit di man lang siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan dahilan upang di ito itinuloy ng binata.
"Huwag na huwag mong magamit yang kamao mo kung ayaw mong bumalik ng doble 'yan sa'yo." ang banta ni Manong Sakong saka nilisan na ito upang makaiwas siya sa maaaring lumalim pa na gulo.
Naiwan naman si Mark na nagngingitngit... "Hambog na Kapitan! May araw ka rin sa akin!" ang sambit nito nang makalayo na si Manong Sakong.
Papasok na sana si Mark nang may tumigil na Taxi sa harap ng kanilang tahanan. He stopped and looked... Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita. Isang magandang dalaga ang lumabas sa Taxi wearing a Leaf Short Sleeve and Black Blouse at may sunglasses na nasa ulo.
Nakaawang ang kanyang bibig habang pinagmamasdan itong kumuha ng kanyang mga gamit, 'Isang Anghel na bumagsak sa lupa.' ang lihim nitong paghanga. Lalapitan na sana niya ito ngunit patungo din pala ito sa kinaroroonan niya at hinintay na lang niya itong makalapit.
"Hi, Miss! Anong maipaglilingkod ko?" ang salubong niya rito.
"Ah, saan ba 'yong Castro's Boarding House?" ang mahinhin na tanong ng babae.
'Kapag sinuswerte ka nga naman.' lihim na pagbubunyi ng kalooban ni Mark.
"Yan oh! Sa Second Floor ang pinapaupahang bahay, pero sabi ni Mama naka-Reserve na daw iyan eh."
"Ah, Salamat. Kami ang nagpa-reserve. Nandiyan ba si Aling Martha?"
"Ah, Oo. Nasa loob si Mama." hinawakan ni Mark ang kamay nito ngunit iwinaksi iyon ng dalaga.
"Please no touching." ang mala-maldita nitong sambit sa lalaki.
'Mukhang exciting 'to ah! Pa-hard to get.' sa isip-isip ni Mark.
"Oh, sorry! Ako nga pala si Mark."
'Presko naman ng lalaking 'to.' puna ng dalaga. Ayaw niyang bigyan ito ng pansin lalo na't nakikinita niya ang ugali nito. Kailangan niyang umiwas sa mga ganitong lalaki. At hindi ito ang pakay niya sa lugar na iyon, dapat umiwas siya...
"Kailangan kong makausap si Aling Martha. Gusto ko ng magpahinga." Irap niya sa lalaki at nagmartsa papasok sa bakuran ng mga Castro.
'Huh! Mapapasa-kamay din kita. Nobody can resists my charm! Wala pang umaayaw kay Mark! Wala!' ang nakatiim-bagang na sambit ni Mark habang tinititigan ang babaeng pumapasok sa solar ng kanilang tahanan.
Ibinigay ni Ella ang Address ng boarding house na ipinareserba niya sa Brgy. San Pedro. Mamayang takipsilim pa ang sunod niya kay Thess, mas mabuti na 'yong medyo madilim upang di siya mapansin ng mga mamamayan doon, maingat sila sa bawat galaw na gagawin nila. Ilang araw na lang at kaarawan na ni Thess, mabubuo na ang kapangyarihan nito at sa gabi ding iyon ay isasakatuparan nila ang kanilang pangarap.
"Ikaw ba ang anak ni Mrs. Sandoval?" ang tanong sa kanya ni Aling Martha nang sinabi niyang sila ang ookupa sa Second floor.
"Oo, Ma'am. Pwede na ba akong umakyat?" paghingi niya ng permiso.
"Ah. Oo, Iha. Sandali lang ha? Kukunin ko lang ang susi at ipapasamahan kita sa anak ko." biglang naalarma si Thess sa naituran nito. Malakas ang kutob niya na ang Mark na iyon ang ipapasama sa kanya kaya mabilis siyang tumanggi.
"Ay, huwag na po! Kaya ko namang mag-isa, at gusto ko pong magpahinga napagod po ako sa biyahe eh." her alibi.
"Nakakahiya naman. Sige, ihahatid na lang kita sa hagdan." nakahinga siya ng malalim. Mukhang hindi magiging tahimik ang mga susunod niyang araw dito ah, ang sa isip-isip niya.
Tanghaling tapat siya dumating kaya napakasakit ng sikat ng araw na tumama sa kanyang katawan. Balut-balot siyang mula sa Airport ngunit napatanggal siya ng kanyang jacket ng bumaba siya sa taxi, baka maging center of attraction pa siya kung di niya ito hinubad. Pinihit niya ang doorknob at pumasok sa inupahan nila matitirhan. Inikot ang kanyang paningin sa loob wari'y sinusuri ang kabuuan nito. Ngunit may kung anong humagip sa kanyang paningin kaya napapikit siya, nakakasilaw. "Shit!" napamura siya. Nasisilaw siya sa isang krus na nakabitin sa dingding na nakasalubong mismo sa bawat papasok sa bahay na ito.
"Ahhh! Paano ba ito? Bakit hindi ito nairequest ni Mommy? Bakit di niya pinalinis ang buong kabahayan bago pa niya kinuha ito!" bumalik siya at bumababa. Gusto niyang mawala tirahan nila ang imaheng iyon, pero paano? Ano'ng idadahilan niya?
"Aling Martha! Tao po!" kumatok siya sa bahay ng may-ari.
"Oh, iha! May problema ba? Sandali, di ko pala naitanong ang pangala mo, anak."
Ngumiti si Thess, "The---,Ah--Eh, Angel po." muntikan na niyang masambit ang kanyang totoong pangalan buti na lang naalala niya ang kabilin-bilinan ng ina.
"Napaka-gandang pangalan." papuri ng matanda. "Oo nga pala. May kailangan ka?" kapagkuwa'y tanong ni Aling Martha.
"Eh, hihingi po sana ako ng pabor kung pwede lang."
"Aba, Oo naman. Kahit kailan huwag kang mahiya sa amin."
"Salamat po. Pwede po bang ipatanggal 'yong mga decorations sa bahay sa taas?"
"Ay, pasensiya na ha. Di ko na kasi pinatanggal 'yong mga iyon kasi sabi ko baka matutuwa ang mangungupahan sa mga nakabiting krus at kung ano pang dekorasyon doon."
'Mga Krus? Ibig sabihin marami?'ang tanong niya sa kanyang isipan. "Ay, oo nga po. Magaganda pero pasensiya na ha. Di kasi gusto ni Mommy na may kung anong nakabitin sa aming tahanan. Kaya pwede po bang ipatanggal ang mga iyon? Pwede po lahat-lahat?" ang pakiusap ng dalaga sa maybahay.
"O sige. MARK! MARK!" ang tawag ni Aling Martha sa anak.
'Paksyet! Nakaiwas na ako kanina eh. Ito na naman!' ang pakamot-kamot ng ulong reklamo ni Thess. Wala siyang magagawa, kailangan niya ang lalaki ngayon upang linisin ang magiging pugad nila ng kanyang ina.
"Hey, Mommy! Why you are calling, calling me?" ang presko nitong tanong sa ina.
"Anak, dalhin mo si Estrella linisin niyo ang tahanan nina Angel. Ipatanggal mo kay Estrella lahat ng dekorasyon, maliwanag?"
"Oh! So, Angel is your name. Tamang-tama nga sa iyong mukha, napaka-anghel, napakaamo." ang papuri ni Mark habang tinititigan ang dalaga.
'Haiwan! Parang manyakis!' ang nagngingitngit na sambit ng isipan ni Thess.
"Marco! Gawin niyo na ang pinapagawa ko! Pagod yang bisita natin 'wag na 'wag mong bastusin!" singhal ni Aling Martha sa anak.
"Oh c'mon, Mommy! Huwag mo naman akong ipahiya sa mala-anghel na dilag sa harapan ko." si Mark.
"Umakyat ka na sa taas!" utos niya sa anak. "Iha, doon ka muna sa hardin. May munting kubo na pahingahan doon. Doon ka muna habang inaayos pa ang tirahan niyo at pasensiya na ulit ha." baling ng Ginang sa dalaga.
"Sige po. Salamat, Aling Martha." sinunod ni Thess ang utos ng matanda. Doon sa kubo pinagpahinga niya ang kanyang isipan.
Habang sa taas ng bahay ay sumilay ang kapilyuhan sa utak ni Mark. Habang busy sa pagtatrabaho ang kanilang kasambahay na si Aling Estrella ay iba naman ang kanyang ginagawa. Naglagay siya ng maliit na butas sa palikuran ng tirahan nina Thess. Kabisadong-kabisado ni Mark ang kanilang tahanan kaya alam-alam niya ang lahat upang magamit niya sa oras ng kanyang pangangailangan.
Matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. 'Maaangkin din kita.' ang naglalaway nitong sambit.