Si Thess na lang ang natitirang kasiyahan ni Ella and she can't afford to lose her. Pinangako niya sa kanyang sarili na po-protektahan niya ang anak hanggang sa kanyang kamatayan. Ipaglalaban hangga't kaya ng kanyang katawan. Sa nangyari ngayon sa kanila ay hindi lingid sa kanyang kaalaman ang masugid na pagbabantay at pag-iingat ng mga taga-Baranggay. At ang dapat niyang gawin ay mag-ingat upang di sila paghinalaan ngunit paano niya ipagtatanto ang naamoy ng Kapitana sa loob ng kanilang tahanan? Wala siya sa mood na makaharap ang sinuman ngunit kailangan...
"Magandang araw, Kapitana! Napadalaw ka?" nagpanggap siyang natutuwa sa pagdalaw ng Kapitana pero sa loob-loob niya nagsisilakbo sa galit ang kanyang puso. Oo, walang kinalaman ang Kapitana sa nangyari sa kanila ngunit nawala na ang tiwala niya dito, lalo pa't nakita niyang parang nanunuri ang mga mata nito sa loob ng kanilang tahanan.
"Gusto ko lang sanang ipaalam sa inyo ang kasalukuyang nangyayari sa ating Baranggay. Hindi kasi kayo nakadalo sa Pagpupulong kanina eh."
"Ah, pasensiya na Kapitana. Masama kasi ang pakiramdam ko. Thess, akyat ka sa taas." ang alibi niya saka inutusan si Thess sa taas at naintindihan naman ito ng bata.
"Ang talino ng anak mo noh? Parang di siya Sampung taong gulang kapag magsalita."
"Salamat. Maliit pa lang kasi sinanay ko ng makipag-usap kanino man. Marami ngang alam na lenggwahe 'yan eh." pagmamalaki ni Ella.
"Talaga? Ang dami niyo na palang napuntahang lugar?" kapagkuwa'y tanong ni Jhanel.
"Oo eh."
"Bakit?" may naamoy si Ella sa Kapitana. Pakiramdam niya'y naghahanap ito ng impormasyon. Kailangang mag-ingat siya sa mga isasagot niya or else mapipilitan siyang gawing hapunan ang Kapitanang ito.
"Sa trabaho ng asawa ko." her simple answer.
"Ah, ano pa lang trabaho ng asawa mo?" napipikon na si Ella...
"Ano nga palang sadya mo, Kapitana?" pag-iiba niya.
"Ah, Oo nga pala. May gumagalang kampon ng kadiliman sa Baranggay ngayon, muntikan ng maging biktima ang buntis na si Jane at kagabi ginawang ulam ng mga ito ang puso ng Albularya." Jhanel informed her. Naglaway si Ella nang maalala ang pinagbubuntis ni Jane.
'Alam ko at 'pag di ka tumigil diyan susunod ka sa Albularyang 'yon.' ang sagot ni Ella sa kanyang isipan na naiirita na sa Kapitana.
"Aswang?" ang kunwaring pagkagulat niya at tumawa pa siya upang ipakita na di siya naniniwala.
"Oo, Aswang. Yan ang paniniwala ng lahat, na Aswang ang pumatay sa Albularya. At mapapatunayan iyan ng mag-asawang Jane at Sakong."
"Di ako naniniwala sa mga ganyang bagay Kapitana, pasensiya na."
"Pero binabalaan ko kayong mag-ingat dahil di natin alam ang panahon ngayon, di natin alam na ang kaharap pala natin ay ang Aswang na mismo." napapitlag si Ella sa nabanggit ng Kapitana. Inuubos na ng babaeng ito ang kanyang pasensiya.
"At sa panahon ngayon Kapitana di natin alam na bigla na lang dumarating ang ating katapusan."
Nanindig ang mga balahibo ni Jhanel, bigla siyang kinilabutan. Wala siyang kaalam-alam sa Background ng pamilyang ito, ang kaibigan ng kanyang kaibigan ang nag-rekomenda sa pamilyang ito na mangupahan sa bahay ng kanilang kapitbahay.
Tumayo siya at nagpaalam, may kung anong instinct ang nag-uutos na mabilisang lisanin ang lugar na iyon.
"Sige, kailangan ko ng umalis. Marami pa akong trabaho sa Brgy. Hall. Ingat kayo!" naghabulan ang mga paa ng Kapitanang lumabas sa tahanan ng mga Amorsolo. Ni hindi na niya hinintay ang maging tugon ni Ella.
Nakatiimbagang lamang na nakatitig si Ella sa kakaalis na Kapitana. She's worried, seguradong nanganganib na ang kanilang buhay sa lugar na ito.
Napuno ng agam-agam ang isipan ng Kapitana, maraming katanungan ang nais niyang mabigyan ng kasagutan tungkol sa pamilya Amorsolo. Napuno siya ng malaking pagdududa sa katauhan ng mga ito.
"Mamayang gabi, magmamatyag ako." ang kanyang sambit sa sarili. Bilang Punong Baranggay ay nakaatang sa kanyang mga balikat ang kaligtasan ng kanyang nasasakupan at nararapat lamang na may gawin siya upang sila'y protektahan at papanagutin ang sinumang gumugulo sa kanilang matahimik na pamumuhay.
SA LAMAY NI QUEENIE ALBULARYA:
Halos di nililisan ni Manong Sakong ang kabaong ng kanyang kapatid. Sobra siyang nasaktan, sobra niyang sinisi ang sarili sa sinapit ni Queenie.
"Pa, kain ka muna. Buong araw ka ng walang kain, makakasama sa'yo 'yan." ang alo ni Jane sa kanya.
"Mas mabuting magkasakit ako bilang parusa sa naging kasalanan ko!" ang paghihinagpis nito.
"Yan ba ang gusto mo? Nangyari na ang lahat, wala na tayong magagawa upang itama pa ang lahat. Seguradong mapapatawad ka ng Ate, Pa. Mahal na mahal ka ng Ate. At hindi siya matutuwa 'pag narinig ka niyang magsalita ng ganyan." niyakap ni Jane ang asawa.
"Hindi mo ba kami mahal ng magiging anak natin? Paano na lang kung magkasakit ka? Sinong mangangalaga sa amin? Sinong magtatanggol sa amin kung sakaling babalik ang mga demonyong iyon?" ang malumanay na sambit ni Jane. Niyakap siya ni Manong Sakong ng mahigpit, damang-dama ni Jane ang paghihinagpis ng asawa. Mas siya ang nasasaktan sa nangyayari.
"Sakong. Jane." si Kapitana.
"Kapitana..." ang namamalat na sambit ni Manong Sakong.
"Nakikiramay kami, sa inyo."
"Salamat, Kapitan." si Jane.
"Ah, Jane. Pwede bang makausap si Sakong ng sarilinan?" pagpapaalam ni Kapitana Jhanel.
"Sige, Kapitana. Mukhang may mahalaga kayong pag-uusapan."
"Oo, Jane. Tungkol ito sa mga nangyayari sa Baranggay natin." niyakag ni Jhanel si Sakong patungo sa isang parte ng bahay na pinaglalamayan na may katahimikan.
"Ano 'yon, Kapitana?" si Manong Sakong.
"May suspek na ako kung sino ang mga aswang..." pag-uumpisa ni Jhanel na ikinalaki ng mga matang singkit ni Manong Sakong.
"Suspek? Paano niyo nalaman?"
"Suspetsa pa lang naman pero mamayang gabi magbabantay kami sa labas ng kanilang tahanan."
"Kapitana, walang aswang na magpapakita kung alam nilang may nagmamatyag."
"Minamaliit mo ba ang kakayahan namin? We already had a plan na hindi kami mapansin. Ang gusto ko lang ngayong tanungin sa'yo ay kung sasama ka?"
"Walang kaseguruhan ang gagawin niyo, Kapitana. Walang aswang na madaling makilala. Sino nga pala ang pinagdududahan niyo?" ang tanong ni Manong Sakong kay Jhanel.
Oo, aminado si Jhanel na may point si Manong Sakong. Puro haka-haka, duda lamang ang kanyang naramradaman... Ngunit paano kung totoo ang kanyang hinala? Ipagpapalit ba niya ang kaligtasan ng kanyang nasasakupan sa di pagsunod sa kanyang nararamdaman? Damang-dama ng kanyang puso at sinisigaw ng kanyang damdamin na may lihim ngang tinatago ang pamilyang iyon at desidido siyang malaman iyon, kahit pa man walang suporta kaninuman...