Nabagabag ng husto ang kanyang puso't isipan. Malaman ang mga salitang lumabas sa bunganga ng Kapitana. Malakas ang kanyang kutob na may nais tuklasin sa kanilang tahanan ang Kapitana. She must be ready... Ito ang huling gabing ititigil nila sa lugar na ito, pagkatapos ng kanilang paghihiganti ay lilisan na sila upang sa ibang Bayan manirahan ng tahimik kasama ang nag-iisang anak na si Thess.
Inihanda niya ang bangkay ng asawa, pinagtulungan nila ni Thess na isakay ito sa kanilang Pajero na naka-Park sa Garahe sa likod ng tahanang naupahan nila... Maingat nilang isinagawa iyon, Ella checked the surroundings baka may mga matang nakatingin at makakita sa kanilang pinaggagawa.
"Saan tayo pupunta, Mommy?" ang malungkot na tanong ni Thess sa kanya. Nababanaag niya sa mata ng anak ang pagod. Na kahit siya man ay nararamdaman iyon, pagod na pagod na sila sa pagtatago at palipat-lipat ng tirahan...
"Maghahanap ng pook na magiging malaya tayo, anak."
"Meron pa bang tahimik na lugar sa panahon ngayon, Mommy?" napapahanga si Ella sa kanyang anak, she's too young pero 'pag nagsalita ito ay daig pa ang matatanda.
"Hahanapin natin, anak." she replied with a sigh.
Wala na silang takas sa kapangyarihan ng kadiliman. Kahit anong pilit nilang magpaka-normal ay nadidismaya lamang sila dahil pagdating ng gabi ay nagiging pagmamay-ari sila ng kasamaan...
SAMANTALA:
Hindi napilit ni Jhanel na sumama sa kanya si Manong Sakong, ang rason nito, walang kaseguruhan ang kanyang gagawin dahil puro nga lang ito pagdududa... But she was determined to do her plan... Mag-aabang siya sa tahanan ng mga Amorsolo upang mapatunayan na totoo ang kanyang haka-haka... Bahala kung mag-isa siyang isagawa iyon... Napag-utusan na niya ang kanyang mga tanod na mag-ronda sa buong Baranggay, she told them her plan ngunit di na niya pinilit ang mga ito na sumama sa kanya bagkus ginawa ng mga ito ang pag-ikot sa buong baranggay...
PAGTATAKIPSILIM:
Jhanel find a place kung saan ay makikita niya ang tahanan ng mga Amorsolo. Nagtago siya sa isang masukal na damuhan, nagbigay siya ng Instruction sa isa sa kanyang mga tanod na pagkatapos ng isang oras ay sundan siya sa bahay ng mga Amorsolo.
She's full of weapons upang pangalagaan ang kanyang sarili kung saka-sakali man ding tama ang kanyang hinala. Nagdala siya ng isang boteng maliit na may lamang Holy water, isang pirasong patpat na kawayang pinatulis at ang malaking itak na nakasukbit sa kanyang beywang...
"Letsugas!" Pagmumura nito nang makaramdam siya ng kaba sa kanyang pinaggagawa. Sobrang tahimik ng paligid, walang nagbabadyang may mangyayari. Napakaganda ng liwanag ng buwan na sinamahan ng nagkikislapang mga bituin.
"Diyos ko, gabayan mo kami. Ilayo mo kami sa kapahamakan, manaig sana ang kabutihan sa kasamaan." ang taimtim niyang panalangin habang nakakubli.
Mahigit kalahating oras na siyang nakakubli ngunit walang kung ano galaw siyang naramdaman sa tahanan ng mga Amorsolo. Naiinip na siya, kaliwa't-kanan na ang pagpapatay niya ng lamok na walang kapagurang dumadapo sa kanyang balat upang pagsawaang sipsipin ang kanyang dugo. "Mga hinahupak na'to sobra pa sa aswang."
SA LOOB NG TAHANAN NG MGA AMORSOLO:
"Thess, anak. Nalalapit na ang oras." Pagpapa-alala ni Ella kay Thess sa nalalapit na pagsapit ng oras ng kanilang pagbabagong-anyo.
"Kanina pa ako handa, Mommy." ang sabik na sabik na wika ni Thess. Tumayo ito at nag-stretch pa ng kanyang katawan na wari'y na wa-warm-up upang paghandaan ang isang laban.
They have changed, sabay ailang nagbagong anyong mag-ina... "Ito na ang katuparan ng lahat, Mahal ko." ang puno ng galit na sambit ni Ella at wala sa loob niya ang mapatanaw sa bintana at pagmasdan ang kabilugan ng buwan sa kalangitan. But to her surprised, may nakita siyang anino mula sa di kalayuan.
Imbes na lumipad sila ni Thess ay maingat silang lumabas sa likod ng tahanan. They have to find out kung sino ang nagmamatyag sa kanila.
Inutusan niya si Thess na ikutan ang lugar na iyon habang siya ay tahimik na nakabantay upang makita ang kung sino mang nakatago sa masukal na damuhan.
"Ahhhhhhhhh!!!" Ngumiti si Ella when she heard that voice.
"Ang baliw na Kapitanan." she uttered saka tinungo ang kinalalagyan ng Kapitana.
"Ang galing talaga ng anak ko." Tahimik niyang papuri kay Thess.
"Mommy, look who's here." Hawak-hawak ni Thess ang Kapitana.
"Tama nga ang kutob ko! Kayo ang kampon ng kadiliman!" pagsisigaw ni Jhanel.
"Hahahaha! Alam mo naman pala eh, bakit kailangan mo pang ipahamak ang sarili mo?" Si Ella.
"Ba't kailangan niyong pumatay para kayo ay mabuhay! Ba't di nalang kayo mamuhay ng normal na walang nadadamay na iba!"
"Ikaw ang lang ang madadamay, Kapitana. Tinulak mo kaming idamay ka!"
"Wala akong ginawa sa inyo upang idamay niyo!"
"Wala? Sa tingin mo anong ginagawa mo dito?"
"Nais ko lang pangalagaan ang aking nasasakupan."
"Well, pareho pala tayo ng layunin. Nais ko ring pangalagaan ang aking pamilya kaya pasensiyahan na lang tayo, Kapitana." Wala ng ibang magagawa si Ella kundi ang patahimikin ang Kapitana. She already knew their secret at hindi na sila safe if they'll let her go. Ella had break their promise to Koko for their safety...
"Mommy!!!" pigil ni Thess sa ina ng akma na nitong ibaon ang kanyang mga daliri sa dibdib ng Kapitana...
"Sorry, anak. I have to break our promise to your father." she told Thess.
"It's not that Mommy. I understand why you have to do that. I stopped you upang ako na mismo ang magpatahimik sa Kapitanang iyan..." si Thess.
Halos mamatay na sa kaba ang Kapitana. Nanginginig na siya sa takot. There's no way to escape. She had to cry out loud. 'Bakit hanggang ngayon wala pa ang mga tanod ko? Lord, please. Sila na lang ang pag-asa ko.' Ang panalangin niya sa gitna ng panginginig at iyak.
Hinarap siya ni Thess...
"TULONG!!!!!! Tulungan niyo ako!!!!" nagpupumiglas si Jhanel sa mga kamay ni Thess. Binigay niya ang buo niyang lakas upang labanan ang batang Aswang. Nakawala siya sa mga kamay nito, kinuha ang nakasukbit na itak sa kanyang beywang at itinaga sa Aswang pero di ito naabot. Naalala niya ang holy water sa kanyang bulsa, kinuha niya iyon ng mabilisan habang ang itak ay nakatutok kay Thess na nakatingin sa kanya. Binuksan at akmang itapon sa bata ngunit maagap si Ella, sinugod niya agad ang Kapitana. Natapon ang holy water pati ang itak ay nabitawan ni Jhanel. Nanggagalaiti sa galit si Thess na lumapit dito at hinawakan ang leeg ng Kapitana. "Hindi ko papayagan na may mga tao pang mananakit sa amin! Tama na ang pagkawala ng aking ama!" Bumaon sa leeg ni Jhanel ang mahahabang kuko ni Thess dahilan upang pumuslit ang dugo sa bawat butas na binaunan ng kuko ng bata.
"Hu---wag!" ang tanging nasambit ng malat na boses ni Jhanel.
"Anak! May mga ilaw na papalapit! Hayaan mo na 'yan! Seguradong di na mabubuhay 'yan!"