Chapter 19:

4.4K 100 2
                                    

Taong Kasalukuyan:

"Mahabaging Diyos!" Biglang nausal ni Jane habang siya'y nakaupo sa Veranda na may binabasa.

"Ma, anong nangyari? Bakit parang takot na takot ka?" Ang tanong ni Sakong ng makita ang asawa na parang kinilabutan. Kagagaling lang niya sa Brgy. Hall, pagkatapos ng ilang taon ay nahalal siya bilang Punong Baranggay ng San Pedro.

"Nakakapangilabot kasi 'yong isang Verse dito sa Book of Prophet Ezekiel, Pa. Gusto kong masuka." Ang sagot ni Jane na pailing-iling. She used to read Holy Bible in the afternoon, pagkatapos niya sa mga gawaing bahay at habang naghihintay sa pagdating ni Nick galing paaralan...

"Ano ba kasing nakasulat diyan at parang diring-diri ka?" Pagtataka ng asawa at naupo ito sa tabi niya. Pinatong ang kanyang baba sa balikat ng asawa.

"Ayon sa nakasulat dito sa Ezekiel 5:10 "Kaya't kakanin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo, at kakanin ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan

sa iyo; at ang buong nalabi sa iyo ay aking pangangalatin sa lahat ng dako."" Binasa ni Jane ang laman ng Ezekiel 5:10... Hindi naman nanibago si Sakong sa kanyang narinig dahil minsan na rin siyang naging Samaritan of God ng panahong binata pa siya...

"Hindi ba't 'yan 'yong nasambit na isa sa parusa ng Panginoon sa kanyang Piling lahi?"

"Oo, Pa. At halos lahat ng Prophecy ng mga Propeta ng Diyos ay nagkatotoo patungkol sa kaparusahan. Kagaya na lang doon sa pagkawala ng Promise Land na Israel sa Mapa ng Mundo..."

"Pero bakit nga ba ang mga Hudyo ang piling lahi at sila ang di naniniwala sa pagdating ng Panginoon..."

"Seguro dahil wala silang pinaniniwalaan kundi ang kanilang sarili lamang..."

"Kaya seguro sila gustong lipulin ni Adolf Hitler noon... di ba't mahigit 6 Milyong Hudyo ang nalagas sa panahon ng Holocaust?"

"Yon ang sabi sa Kasaysayan.."

"Pero bakit pinarusahan ng Diyos ang kanyang Piling lahi?" Ang mga Jews ang tinaguriang piling lahi. Sila ang pinili ng Diyos na magpalaganap ng kanyang mga salita ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga Hudyo.

"Hindi kagustuhan ng Panginoong sila'y parusahan dahil 'yon sa sarili nila at ang pagiging sakim nila."

"Sandali nga Ma, ba't umabot na tayo sa ganyang usapan?" paglilihis ni Manong Sakong.

"Maganda din naman na kahit minsan eh balikan natin ang kasaysayan ng ating tagapagligtas hindi 'yong kung ano ang laging laman ng isip mo. Isa pa, Pa. Naisip ko, di kaya diyan nagmula ang mga aswang?" Si Jane.

"Ano? Nagmula saan?"

"Yon nga sa binasa kong Prophecy ni Prophet Ezekiel."

"Di natin alam, huwag na nga nating pag-usapan 'yan. Babaliktad 'yong sikmura ko at maaalala ko lang si Ate sasakit lang ang loob ko."

"Pero paano kung hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mag-inang 'yon, Pa? At babalikan tayo?"

"Jane! Ano ba! Sabi kong tama na eh! Matagal ng panahon 'yon, Ma. Kung gusto nila tayong paghigantian saan matagal na silang nakabalik. Tahimik na ang buhay natin kaya tanggin mo na ang takot diyan sa puso mo. Ito't babalik ako sa Brgy. Hall para sa Pulong ng mga Tanod upang mas mapanatili ang katiwasayan ng ating Baranggay. Jane, ipanatag mo na ang loob mo. Wala ng aswang sa mundo. Iba na ang nilalapa ng mga tao ngayon, ibang klase nang aswang ang matatagpuan sa panahon ngayon. Gusto mong makakita ng isa? Mamayang gabi, ipapakita ko sa'yo kung paano sila manlapa." Ang mahabang litanya ni Manong Sakong.

Matagal na nga ang pangyayaring iyon ngunit iyon ang di makalimutang karanasan ng pamilya ni Jane at ng kanilang mga kababaryo.

SA MIDDLE EAST:

Magwa-walong taon na ang nakalipas ng si Koko ay nagpaalam ngunit mapait ang alaala na naiwan sa kanila. Tinupad ng mag-inang Thess at Ella ang mga bilin ni Koko noong sila'y nasa Middle East na, na hinding-hindi na sila mamimiktima ng tao. Habang lumalaki si Thess ay mas hinahanap ng kanyang katawan ang dugo at puso na kanyang natikman. Inaasam at pinapangarap niyang matikman ulit. Binusog nila ng kanyang ina ang bawat gabi na dumaraan sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagkain at pagsipsip ng dugo ng mga hayop. Ibang-iba sa lasa ng dugo ng tao...

Nagpakalayo-layo sa bansang Pilipinas upang maghintay ng tamang panahon ng paghihiganti. Oo nga't nasa malayo sila ngunit puro pasakit ang sa kanila'y dala. Tiniis nila ang lahat, naghirap sa paghahanap ng pagkain, gusto man nilang isuka ang pumapasok sa kanilang bibig ngunit pinilit nila itong lunukin. Oo, aswang sila ngunit kaya din nilang patunayan na kaya nilang maging normal. Iisa lang ang kanilang gustong maabot sa kanilang buhay, ang paghigantian ang pagkamatay ng kanilang minamahal. At pagkatapos noon, pwede na daw silang lumisan sa mundo upang malagas na ang kanilang lahi.

Habang sila'y nasa Middle East ay nag-aral si Thess sa isang International School at doon ipinakita niya ang kanyang kagalingan, ang kanyang kaibahan sa kanyang mga kaklase. Nag-Excel siya sa Academic bagay na ipinagmamalaki ni Ella ngunit di pa rin nawawala sa kanya ang panghihinayang. Panghihinayang na sana'y normal na lang silang nilalang.

Nalalapit na ang ika-18 Birthday ni Thess. Ito ang panahong hinihintay ni Ella, ang panahong magiging ganap na makapangyarihan si Thess. Ito ang kapangyarihang hinihintay nila sa paghihiganti, walang lalakas pa sa kapangyarihang taglay ng isang aswang na may dalawang bertud sa kanyang katawan...

Ella had prepared everything para sa pagbabalik nila sa bansa...

"NALALAPIT NA ANG INYONG KATAPUSAN, Bwahahaha!" Ang mala-demonyang halakhak ni Ella.

Sabik na sabik na siyang makapaghiganti! Ilang taon din ang kanyang pagtitimpi! Ilang taon din siyang humikbi dahil kahit kailan di niya matanggap ang masaklap na nangyari sa kanyang pinakamamahal na Koko.

"Babalikan din kita, Mahal kong Koko." bigla siyang napaluha ng maalala na naman ang kabiyak...

NOTE: Holocaust was the systematic, bureaucratic, state-sponsored persecution and murder of approximately six million Jews by the Nazi regime and its collaborators.

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon