Chapter 30:

3.9K 100 2
                                    

Hatinggabi na ngunit di pa rin sumuko si Sakong sa paghahanap kay Nick. Tinawagan niya ang Hospital para i-Check si Jane at laking pasasalamat niya na ligtas na ang asawa ngunit kailangan paring from time to time na i-monitor ng mga doctor ang kalagayan nito dahil di pa rin ito nagigising. She's safe but unconscious.

Hindi niya kayang humarap kay Jane hanggat di niya mahanap si Nickolas at seguradong siya ang babalingan nito ng sisi. They love Nick more than anything else.

MALAMIG ang ihip ng hangin, nagbabadyang bumuhos ang ulan. "SAHHH KAHHHGGUUUBBAAATTTAAANNN..." Napatigil sa paglalakad si Sakong ng may marinig siyang bulong sa hangin, bulong nga ba o hallucination lang niya? "Diyos ko! Ano 'tong naririnig ko?" kinakabahan siya ng husto. Wala na siyang oras para alamin pa kung ano o sino ang bumulong na iyon.

Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngunit binilisan niya ang pagtakbo patungo sa kagubatan na may di kalayuan sa kanilang tahanan... "Diyos ko! Bantayan niyo ang anak ko." nakakuyom sa kanyang mga palad ang kwintas ng anak na kinuha niya sa leeg ng babaeng sunog. Pinatawag siya kanina upang pagdesisyunin kung anong dapat gawin sa bangkay. Kasabay niyang nagdesisyon ay ang pamilya ng nasirang Kapitanang Jhanel na halos gustong-gusto ng mga ito na pasakitan pa ang bangkay na iyon... Buti na lang napigilan ito ng mga awtoridad, nasa pangangalaga ngayon ng Provincial Medicoligal Team ang bangkay na iyon for further studies na gagawin dahil may napansin ang mga ito na kakaiba sa bangkay. And Kapitan Sakong requested na dapat masabuyan ng bendita ang bangkay bago pa man maghatinggabi dahil malakas ang kutob ni Sakong na kampon ng kadiliman ang nilalang na iyon dahil sa tusok ng kawayan sa katawan nito at ang pagkasunog niya. But all wondering, kung sino ang may kagagawan noon. 

*******

Kinain na ng kadiliman ang buong pagkatao ni Thess. At mas lalo siyang naging mabangis. Gutom na gutom siya sa pagkaing magpapabusog sa kanya. Naglalaway, malalapot na laway ang sa bibig niya'y walang tigil sa pag-agos habang pinagmamasdan ang masarap na pagkaing nakahain sa kanyang kaarawan.

Nanginginig na sa sobrang takot si Nick sa kanyang nasasaksihan, ang kanina lang na isang nilalang na may pakpak ay biglang nagpabago-bago ng anyo. Hindi siya makagalaw sa sobrang panginginig. 

Lumalapit ito sa kanya, gusto siyang lapain. "TATAAAAAAAAYYYYYYY!!! NANAAAAAAYYYYYY!!!" Ang makapugtong hiningang paghingi niya ng saklolo sa mga magulang na umalingawngaw sa buong kagubatan.

Biglang nanlamig si Sakong ng marinig ang boses ng anak, malapit lang ito sa kanyang kinaroroonan. Habol-hiningang tinakbo niya ito't hinanap, Nick's in danger. "Anak ko! Oh, God! Hayaan mong ako na lang ang aako sa lahat ng parusa mo kung ako man din ay nagkasala 'wag lang ang aking mag-ina." ang taimtim niyang panalangin. Nakita niya ang kinaroroonan ni Nick at nahintakutan siya sa delikadong kalagayan ng anak. Isang malaking Oso ang nasa harap nito at handa siyang lapain. Hindi niya ito mapapayagan! Para siyang isang Superhero na sa isang iglap lang ay yakap-yakap na ang kanyang anak na kasabay niyang natumba sa lupa at siya ang sumalo sa mga pangil ng Oso na sana ay para kay Nick. "Nick, anak! Kunin mo ang kwintas na ito! Dahli!!!!" sinikap ni Sakong na mabigay ang kwintas sa anak kahit namimilipit siya sa hapdi ng sugat sa kanyang likuran.

Habang si Thess naman ay parang isang bolang tumilapon ng lumapat ang kanyang mga pangil sa likuran ni Sakong. May malakas pwersang tumulak sa kanya sa mga oras na iyon.

Umatungal ng malakas ang Osong si Thess sa sobrang galit. Nagbabaga ang kanyang mga mata't bigla itong bumalik sa kanyang anyong babaeng aswang at handang harapin ang lalaking naging dahilan ng pagkasira ng kanyang pamilya. 

"Magiging akin ang Puso mong hayop ka!" nagtatangis ang kanyang mga bagang at lalong humaba ang kanyang mga pangil. Habang si Sakong ay tinago sa kanyang likuran si Nick upang maprotektahan ito sa maaaring paglusob ng aswang sa kanya.

"Ba't di pa kayo nangawala sa mundong ito! Wala kayong lugar sa mundo ng mga tao! At Walang makakatalo sa kapangyarihan ng kabutihan, iyan ang tandaan mo!" hindi maipaliwanag ni Sakong ang kabang kanyang nararamdaman. Kakayanin niyang labanan ito pero paano ang anak niya? His most concern was Nick. Paano niya ilalayo ang anak kung sugatan siya at demonyo ang kaharap niya? 

Oo, suot-suot niya ang Kwintas na bigay sa kanya ng kanilang ama ni Queenie pero maasahan ba niya ito? At ganun din si Nick, walang kaseguruhan ang kaligtasan nito kung Kwintas ding suot nito ang aasahan niya. They don't know what that necklace could do to save them. Basta na lang kasi itong ibinigay ni Queenie sa kanila without telling them kung ano ang kahalagahan nito o magagawa nito upang maipagtabuyan ang mga kampon ng kadiliman. Oo nakuha niya ang kwintas ni Nick sa babaeng nasunog katabi ni Jane, pero hindi niya alam kung ang kwintas nga ba ang may kagagawan ng pagkasunog ng babaeng iyon.

Inipon ni Sakong ang kanyang lakas, kailangan niyang lumaban para sa kaligtasan ni Nick. "Anak, humanda ka." ang pabulong niyang utos kay Nick. Maingat ding tumayo si Nick habang humihikbi. "Pagkabilang ko ng tatlo, takbo kaagad doon sa may mayayabong na damuhan. Naintidihan mo."

"Oo, Tay." si Nick.

"Isa, Dalawa, TATLO!!!!!" 

Thess was too quick upang magpalit anyo mula sa isang babaeng aswang into a biggest Asian Reticulated Python ever nang makita niyang tumakbo ang mag-ama patungo sa mayayabong at matataas na damuhan.

"HUWAAAAGGGG!!!" umalingawngaw ang sigaw ni Sakong ng makitang nasa harap ng anak ang pinakamalaking sawa at handa itong lamunin. Isang dipa lamang ang agwat nila ni Nick kaya kitang-kita niyang ang loob ng lalamunan ng ahas at ang mahaba nito dila na handang ipulupot sa kanila ni Nick. Mabilisan niyang binunot ang kanyang Samurai at sa kaliwang kamay naman ang isang pinatulis na kawayan. Paika-ika man ay siya ang humarap ditong muli at nilagay si Nick sa kanyang likuran.

"PATAY NA KUNG PATAY!" he shouted at itinapon ang matulis na kawayan sa nakabukang bunganga ng ahas. Sinugod siya nito at pinuluputan ang kanyang katawan. 

"TATAAAYYYYYY!!!!" ang nag-iiyak na si Nick!

"Anak, umalis ka na dali!!!!" utos niya kay Nick. Pinipilipit na siya ng ahas, nagpupumiglas siya ng husto hanggang sa nakahanap siya ng timing at ibinaon ang kanyang Samurai sa mata ng ahas. "Aaaaaaaaahhhh!!!" ungol nito. Gumanti ang ahas sa kanya, binalibag siya nito at ihinampas sa isang puno. Halos di na gumagalaw si Sakong sa kanyang natamo sa ahas. 

Nawala sa paningin ni Thess ang bata. "Mahahanap din kita." she thought. Nagbalik anyo ito sa kanyang pagiging babaeng aswang at nilapitan ang nakahandusay na katawan ni Sakong.

"Alam ko buhay ka pang demonyo ka! Pero hindi pa kita tatapusin ngayon, ipapakita ko muna sa'yo kung paano masaktan! Kung paano ang mawalan ng isang mahal sa buhay!" ang paghihinagpis ni Thess at sinipa niya ng ubod ng lakas si Sakong. Mahinang-mahinang ungol ang kanyang narinig kay Sakong, ibig sabihin ay buhay pa ito. Itinali niya ito sa isang puno at umalis upang hanapin ang bata, ipapakita niya kay Sakong kung paano niya lapain ang anak nito sa kanyang harapan.

Wala ng lakas si Sakong upang makawala man lang sa pagkagapos sa kanya, "Diyos ko! Huwag mong pabayaan ang pamilya ko! Nickolas, anak! Magtago ka ng husto! Diyos ko, maawa kayo sa amin. Ipakita mo ang kaluwalhatian mo sa lupa, manaig sana ang kabutihan laban sa kasamaan. Oh, Diyos ko! Ituro mo sa aking mga tanod ang aming kinaroroonan!" ang taimtim na dalangin ni Sakong. Panalangin na lamang ang tangi niyang sandata ngayong nakagapos siya at wala ng lakas. Napuno ng pag-aalala ang kanyang puso, nanginginig at punong-puno ng takot.

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon