MURDER CASE, iyan ang unang ipinalabas ng mga pulis tungkol sa pagkakatagpo ng bangkay na iyon sa talahiban. Wala pa silang maibigay na maayos na report dahil na rin sa maraming anggulo ang tinitingnan, una ay kung bakit sa talahiban ito at may nakalatag pang banig at hubo't-hubad. Pangalawa ay ang resulta sa medicolegal report nito na nawawala ang puso ng lalaki at ang malalalim na kalmot sa likod nito.
Sa paglabas ng autopsy report ay nabatid din na nagkaroon ng sexual intercourse ang lalaki bago pa ito nabawian ng buhay dahil nakita sa ari nitong may natuyong likido.
Ang suspetsa ng kapulisan babae ang may kagagawan. Hindi pa nakalabas ang Final Rwport dahil sa nagsilabasang iba-ibang finger print na naroon, na ikinapagtaka nila. Naroon na ang finger print ng lalaki at marami pa... Hindi lang iisa kundi marami at pinaniniwalaan ng pulis na hindi lang iisa ang pumatay sa lalaki kundi isang grupo. Tama amg hinala nila, babae ang isa sa kanila ngunit ang ipinagtaka pa nila ng husto ay ang napakalalim na kuko na bumaon sa likod nito, pati ang puso ay nawawala at halos ubos ang dugo nito.
"Sardz, di kaya mabangis na hayop ang pumatay doon?"
"Anong pinagsasabi mo, Sardz? Mabangis na hayop makikipagtalik sa lalaki? Ano 'yon?"
"Tsk! Tsk! Napaka-kumplikado ng kasong ito. Walang records ang mga finger prints na nakuha natin kaya wala tayo matutukoy sa kaso."
Ang aswang ay may kakaibang kapangyarihan. Kaya nitong itago o baguhin ang kanyang sarili kahit na anong gusto nito. Sa kaso ni Thess, nagbago ang kanyang anyo kasabay noon ay nagbago ang kanyang mga kamay, ang daliri. At nang magbago ulit ito ng anyo pabalik sa tao ay umiba din ulit ito. Hindi nananatili sa normal ang bawat parte ng kanyang katawan.
Ilang araw ng nanghihina si Aling Martha, hinding-hindi siya makapaniwala sa sinapit ng kanyang anak. Oo nga't tinuturing nila itong Itim na Tupa sa kanilang pamilya ngunit hindi nila inaasahan na sasapitin nito ang kamatayan.
Lumaganap sa buong pook ang nangyari, iba't-ibang spekulasyon sa dahilan ng pagkamatay ni Mark. Merong pinatay ito ng nakalaban niyang basag-ulo, pinagplanuhan kasama ang mga kagrupo. May nagsasabi ding mabangis na hayop ang may kagagawan ngunit karamihan ay naniniwalang isang aswang ang may kagagawan dahil na rin sa history ng kanilang baranggay na minsan ng dinapuan ng mga aswang. Binalot ng pangangamba ang sambayanan. Manaka-naka na lang ang gumagala kapag sumasapit na ang dilim. Totoo man o sa hindi ang aswang ay mas mabuti ng nag-iingat. Naglagay ng curfew si Manong Sakong at mahigpit niya itong ipinatupad. Ang hindi sumunod ay makiki.ta mo na lang sa Detention Cell ng Baranggay pagkakinaumagahan.
"Thess, anong meron sa baba?" pag-aalala ni Ella.
"Ma-may pa-tay daw sa ba-ba, Mommy." ang nauutal na sambit ni Thess. Hindi maintindihan ni Ella ang ipinapakita ng anak. She's worried. May duda siyang may kinalaman ito sa nangyari sa baba.
"Ihanda mo ang sarili mo sa maaaring mangyari." kinabahan siya sa kanyang kutob. Nagkakagulo sa baba at ang ikinakatakot ni Ella ay baka may nakakita kay Thess at sa hindi malamang panahon ay susulungin sila ng mga tao. She double-checked the door kung maayos ba ang pagkaka-lock nito.
"Thess! Magtapat ka, may kinalaman ka sa nangyari sa baba?" Tahimik lang si Thess at humalukipkip ito sa sulok.
"Anak, sabihin mo sa akin ang lahat para maintindihan ko at maprotektahan kita."
"Mommy..." niyakap ni Thess ng mahigpit ang ina. She's not supposed to feel that way, naging matigas na ang puso nila ng ina after what happened to her father. Nasanay na siya sa pagkitil ng buhay ng mga ito ngunit ngayon lang kay Mark siya naging apektado ng todo. Wala siyang ipinagtapat kay Ella kaya mas lalo siyang nalugmok.
"Anak." pagmamakaawa ni Ella.
"Yes, Mommy. Kay Mark ang pusong kinain mo. Anak siya ni Aling Martha, Mommy, hindi ko napigil ang sarili ko."
"Ang kawawa kong anak."
"And I've given him my all, Mom." Thess' revealation na ikinagulat ng husto ni Ella.
"Anong ibig mong sabihin, Thess?"
"Naipagkanulo ko ang sarili ko sa lalaking iyon, Mommy! At hindi ako nagsisisi, Mommy. Naging masaya ako, pero itinulak ako ng pagka-aswang ko, hindi ko na-kontrol ang sarili ko, Mommy! Nadarang ako, di ko napansin ang oras at huli na ng makita kong bumabaon na ang daliri ko sa likod ni Mark at---, at inakit ako ng dugong dumadalaoy sa sugat na iyon, Mommy!" ang mahabang wika ni Thess. Nasapo ni Ella ang kanyang noo. She didn't expect this to happen. Buong akala niya'y di mangyayari ito sa anak dahil sa buong pagsasama nila ay alam niya kung ano ang natatanging gusto nitong mangyari, hindi niya naisip ang pangangailangan ng anak bilang tao.
Mas kailangan siya ng anak niya ngayon, kailangan niyang intindihin ito. Nalalapit na ang kaarawan ni Thess, hindi nito natupad ang kanyang pangako na ang tanging magiging biktima niya ay ang pamilya ng pumatay sa ama at iyon ay magaganap sa araw ng kanyang kapanganakan. Hindi maaasahan ni Ella si Thess sa ngayon kaya siya na mismo ang pupunta sa bahay ng mag-asawa mamayang takipsilim.
Mas naging maigting ang pagbabantay ni Manong Sakong sa kanyang pamilya. Ni ayaw niyang mawala ang mga ito sa kanyang mga mata. Kahit sa pag-aaral ni Nickolas ay inihahatid na niya ito hangga't makapasok sa silid-aralan nito at sa hapon sinusundo din niya maseguro lamang ang kaligtasan ng anak.
"Pa, paano kung talagang aswang nga ang pumatay sa anak ng mga Castro?"
"Iyan nga ang ikinakatakot ko, Ma. Sana lang hindi ang aswang na nakalaban natin noon. Dahil kung ang mga iyon man ay seguradong tayo ang kanilang binabalikan." ang pag-aalala ni Sakong.
"Mananaig ang kabutihan laban sa kasamaan, Pa. Yan ang lagi mong tatandaan." niyakap ni Jane ang asawa.
"Hindi ko makakaya 'pag nawala kayo sa akin, Ma. Kayo ang buhay ko. I can't afford to lose you and Nick."
"Saan mo nakuha 'yon, Pa?"ang nakangiting tanong ni Jane nang hinarap si Sakong.
"Ang alin?"
"Yong English mo! Aba at may nalalaman ka ng English ngayon ah." pagbibiro ni Jane.
"Napulot ko lang iyon diyan sa tabi-tabi." hinila ni Sakong si Jane palapit sa kanya at walang pahintulot na siniil niya ng halik ang asawa. Hindi naman naging maramot si Jane kaya ginantihan din niya ito. "Mahal na mahal kita, Jane." ang mahinang sambit ni Sakong sa pagitan ng paghahalik nito sa asawa. Parang may sariling buhay ang mga labi ni Sakong na unti-unting gumagapang mula sa labi, pisngi hanggang sa leeg ni Jane.
"Oopppsss! STOP!" pigil ni Jane kay Sakong nang naramdaman nitong iba ang nais maganap ng asawa.
"Jane naman eh! Bakit ba? Binibitin mo naman ako eh!"
"Sorry, Mahal. Pero di pwede, nagpaparamdan na may darating na bisita ngayong buwan."
"Letseng buhay 'to oh! Nagpaparamdam lang naman ah, pwede pa 'yan!"
"Ano ba, Pa! Alam mo namang ayaw na ayaw ko ng ganyan sa panahong ganito ang aking nararamdaman."
"Paano ako?"
"Anong paano ka? Ang lagay ba'y ikaw lang ang liligaya? Masasaktan lang ako eh."
"Uffffffffff!!! Makapag-araro na nga lang sa bukid may mahihita pa ako!" araw ng sabado kaya di nagreport si Sakong sa Brgy. Hall. Galing na rin siya kanina sa pamilya Castro.
"Papa naman eh! Intindihin mo naman ako! Isa pa ang init-init ngayon sa bukid."
"Mas mainit dito alam mo ba 'yon? Matitiis ko ang init sa bukid kaysa init na -----, letsugas!" ang naiinis na wika nito. Niyakap siya ni Jane mula sa likuran.
"Mahal na mahal kita, Pa. Mahal na mahal 'yan ang lagi mong tatandaan. Marami mang aswang ang sa buhay natin ang dumaan, kahit buwan-buwan pang dadalaw ang bisita ay pagmamahalan natin ay di magigiba." ang mala-tula na nailabas ng labi ni Jane na ikinakilig ni Sakong. "Ganito na lang, nakikita mo ba ang pulang panyo na ito?" May ipinakita na panyo si Jane sa asawa.
"Oo, para saan 'yan?" tanong ni Sakong.
"Isasabit ko ito sa bintana, kapag naging puti 'yan mamaya ibig sabihin na di dumating ang bisitang magiting. Baka false alarm lang ito." napakunot ng noo si Sakong.
"Ano?"
"Papa naman eh. Ang ibig kong sabihin kapag naging puti ang pulang panyo na 'yan mamaya nagpapahiwatig lang na pwede pa." napangising aso si Sakong sa sabi ni Jane.
"Maparaan ka talaga, Ma. Aasahan ko ang puting panyo mamaya." kinuha na nito ang kanyang sumbrero at umalis nang tumungo sa bukid.
Habang nag-aararo si Sakong ay walang tigil ang sulyap nito sa kanilang bahay na makikita mula sa kanilang mumunting bukirin. Nakikita niya ang pulang panyong isinabit ni Jane sa bintana. "Puputi ka rin! Puputi ka rin!" ang pakanta-kantang si Manong Sakong habang nag-aararo.
Hampas at pagaspaspas ng tubig ang nagpatigil kay Manong Sakong sa seryoso niyang pag-aararo. Oras na rin na dapat magpahinga siya ng kaunti bago mag-araro ulit. Itinali niya ang kanyang kalabaw sa damuhan at tinungo ang ilog na nasa malapit lamang sa kanyang sakahan. Napalaki ang kanyang mga mata nang makita kung ano ang nasa ilog. Isang babaeng nakahubo na tuwang-tuwang naliligo. Nahiya si Manong Sakong na titigan ito kaya tumalikod na lamang siya upang lumisan dahil mas lalo pa niyang nararamdaman ang pagtayo ng kawayan kapag naiinitan. 'Bwesit! Kay pait naman nito, bakit parang tinutukso ako araw na ito?' ang sa isip-isip niya.
SA ILOG:
Palpak ang plano ni Ella. Gusto niyang i-seduce si Sakong na lumapit sa kanya at doon niya ito sa ilog pagsasawaan, paghihigantihan. Ngunit sadyang malaki ang pagmamahal nito sa asawa kaya di siya nito pinansin. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ito ay lapitan ngunit laking pagka-dismaya niya ng may parang pwersang tumulak sa kanya palayo sa lalaki.
Wala siyang nagawa kay Sakong kaya pinabayaan niya muna ito at pumunta upang matyagan ang kasangkot sa pagkamatay ni Koko.
Tagatak na ang pawis sa katawan ni Sakong, ginulo ng babae sa ilog ang kanyang isipan. Ilang ikot na lang at matatapos na ang kanyang inaararo nang mapadako ang tingin niya sa panyo. "YES! Sabi ko na eh! Puputi ka rin!" kumaripas ng takbo si Sakong, nakalimutan niyang itali ang kanyang kalabaw sa sobrang pagka-excite.
"Ay letsugas!" pagmumura niya ng maalala ang kalabaw kaya dumoble pa ang bilis ng kanyang takbo pabalik sa kalabaw nito. Inayos, ipinastol niya ito upang di mawala o di kaya mapasa-ibang pastulan.
Pasipol-sipol pa siyang tumatakbo pauwi.
"NAAAAAANAAAAAYYYYY!!!!!" bigla siyang kinabahan ng husto sa kanyang narinig na umalingawngaw na sigaw. Pamilyar ang boses, parang boses ni Nick. Halos magkanda-dapa na siya sa bilis ng kanyang pagtatakbo. Halos lamunin siya ng lupa sa sumalubong sa kanya, dalawang taong naliligo ng dugo ang nakahandusay sa Poso sa likod ng tahanan nila.
"HINDIIIIIIIII!!!"