Halos magkandarapa si Queenie sa paghahanda sa mga panangga sa Aswang. Aaminin niya, nakalimutan niyang hindi maaaring pabayaan ng isang aswang ang napuputol na bahagi ng kanilang katawan. Kailangan nila ito upang buhay nila'y tumagal pa sa sanlibutan.
Inutusan niya si Manong Sakong na maghanda ng patpat na kawayan na matutulis ang dulo upang gawin nilang panangga kung sakaling sugurin sila ng Aswang. Ligtas na si Jane, maayos na ang pakiramdam nito. Kinuwentasan siya ni Queenie ng isang uri ng anting-anting, pambihirang anting-anting. Hindi makakalapit ang mga aswang hangga't suot nito ang anting-anting. Alam niyang hindi titigilan ng mga ito ang laman ng tiyan ni Jane at hindi niya iyon mapapayagan.
AMORSOLO RESIDENCE:
Walang tigil sa paghihinagpis si Thess habang si Ella naman ay naghanda na sa kanyang pagbabalik sa bahay nina Jane upang makuha ang pakpak ng asawa.
"Mommy, saan ang punta mo?" si humihikbing tanong ni Thess.
"Kukunin ko ang magbabalik sa lakas ng ama mo, Thess. Bantayan mo ang ama mo, 'wag mong iwan hangga't di ako nakakabalik." ang nagpupunas ng luhang bilin ni Ella.
"Pero, Mommy! Baka ano'ng mangyari sa'yo! Wag ka ng umalis."
"Hindi maaari! Hindi ko hahayaang maghirap ang ama mo ng ganyan na wala akong ginagawa." ang huli nitong sambit saka kumaripas ng takbo at biglang nagbago ito ng anyo at suma-himpapawid.
"E---lllllaaaaa!!!" ang halos maputol hiningang tawag ni Koko dito ngunit huli na....
"Daddy..." mahigpit na niyakap ni Thess ang nahihirapang ama.
"Ma--hal na ma---hal ki--ta, a---nak.."
"Mahal na mahal din kita, Daddy... Sabihin mo sa akin kung sino ang may kagagawan nito. Please, Daddy..."
"Ang i-i-sang al-bu-lar-ya at pa-mil-yang na-ka-ti-ra sa du-lo ng ba-rang-gay na i-to..." ang pabato-batong paglalahad ni Koko sa anak. Pagod na ito sa kanyang kalagayan. Gusto na niyang magpahinga, magpahinga ng tuluyan. Mas lalong mahihirapan ang kanyang pamilya kung mananatili siyang sugatan lalo na't imposible pang makuha ang karugtong ng kanyang pakpak. He has to give-up...
Pero kailangan niya ng mapagsalinan ng bertud na taglay ng kanyang katawan at iisa lang ang dapat na makakuha nito, ang kanyang anak. May sariling bertud si Thess ngunit magiging mabisa lang ito sa pagdating niya sa tamang edad kapag binigay niya ang nasa kanya, magtataglay na ng kapangrihan ng aswang si Thess sa kanyang murang edad...
"Ipinapangako ko sa'yo, Daddy! Ako ang maniningil sa ginawa nila sayo!" ang nakatiim-bagang na sambit ng batang si Thess.
"Na-pa-ka-bata mo pa a-nak para mag-isip ng gan-yan..."
"Dahil ba bata ako wala na akong magagawa? Nagkakamali ka, Daddy! Malakas ako!" ang matapang na sambit ni Thess kaya't nabuo na ang desisyon ni Koko. LILISANIN NA NIYA ANG MAGULONG MUNDO...
SAMANTALA:
Malakas na ang apoy sa sinigaang tumpok ng mga dahon ng punongkahoy sa likod ng bahay nina Jane. Handa na si Queenie upang sunugin ang pakpak. Habang si Manong Sakong naman ay parang isang kawal na nakahanda ng kanyang sandata na nasa tabi ni Queenie. Inaasahan na nila ang pagbabalik ng aswang upang iligtas ang pakpak sa apoy na naglalagablab. Malakas ang kaba sa dibdib ni Manong Sakong nang may marinig siyang gumalaw sa di kalayuang bahagi ng kanilang tahanan... Sa bahaging may kasukalan, hinanda ang kanyang kawayang pinatulis at itinutok sa direksiyon kung saan may naramdaman siyang may nakatago.
"Ihanda mo ang sarili mo, Sakong! Mapapalaban tayo!" ang banta ni Queenie sa kanya na ito man ay may hawak-hawak na itak sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwa ay hawak pa rin ang pakpak na handa ng itapon sa lumalagablab na apoy...
"Kanina pa ako handa!"
"Seguraduhin mo lang! Nandiyan lang sa paligid ang aswang... Ngayon na!!!!" itinapon na ni Queenie ang pakpak sa apoy....
SI ELLA...
Kanina pa siya nagmamasid sa kapaligiran at naghahanap ng pagkakataon upang makuha ang pakpak... Gusto na niyang sugurin ito ngunit sa kanyang kinaroroonan nakatutok ang asawa ni Jane.
'Matalino ang Albularya.' sa isip-isip niya.
Nag-ipon siya ng napakaraming lakas, at naghanda sa kanyang pagbabagong anyo. Nagpakatao siya habang nagmamasid, plano niyang takbuhin ang pakpak saka magbagong anyo at ito ay ilipad...
She did her plan nang makita niya itinaas ng Albularya ang pakpak at ihahagis sa apoy ay para siyang bulalakaw sa bilis na sinugod iyon... Hindi niya alintana ang nakatutok na kawayan sa kanyang kinaroroonan...
Napanganga si Manong Sakong sa takot, nabatobalani sa kanyang kinatatayuan. Napakalaking ibon ang biglang lumabas sa masukal na damuhan. Sobrang bilis ang aswang! Hindi niya naihagis ang kawayan dahil napuwing siya ng alikabok na dala ng hanging dulot ng pakpak ng aswang!
"Queenieeeee!!!!!" ang nangangatog na sigaw ni Manong Sakong nang makitang sinunggaban ng aswang si Queenie. Natumba ito at tumilapon palayo.
"Ang pakpak! Kunin mo ang pakpak! Bilis!" ang ubod lakas na sigaw ni Queenie.
"Paano????"
"Walanghiya! Ang kawayan mo! Ihagis mo sa kanya ng matusok!!!"
Biglang nagising ang takot na diwa ni Manong Sakong, malakas niyang inihagis ang kawayan ngunit di ito tumama sa Aswang bagkus pumaimbabaw na ito sa paglipad....
"NAKITA MO NA! 'Yan kasi pakape-kape ka pa kung sana kanina pa natin nasunog 'yon!" ang pagsisisi ni Manong Sakong kay Queenie.
"Wala ka talagang kwentang kapatid! Dapat i-check mo muna kung maayos ba ang lagay ko! Hindi 'yong sisisihin mo agad ako!" ang galit na wika ni Queenie na inaalalayan ang kanyang beywang habang bumabangon sa kanyang pagkabagsak sa lupa.
Medyo ma kalayuan sa kabahayan ang kinatatayuan ng tahanan nina Jane kaya hindi maririnig ng mga kapitbahay kung may nangyayari sa kanila. Hindi naman pwedeng iwanan ni Manong Sakong ang dalawang babae upang makahingi ng saklolo sa taga-Baranggay...
"Paano ba naman kasi!..."
"Tama na nga 'yan! Ikaw nga diyan walang nagawa! Tumunganga ka lang! Pasok na sa loob dali! Bukas hihingi tayo ng saklolo sa Baranggay Hall at ipapaalam sa lahat ang mga nangyari upang sila'y makapag-ingat na rin."
AMORSOLO RESIDENCE:
Puno ng kagalakan ang puso ni Ella.Matagumpay niyang nabawi ang putol na pakpak ng asawa. Nagbubukang-liwayway na kaya't lalo pa niyang binilisan ang paglipad...
"Dadddddyyyyyy!!!" umaalingawngaw na sigaw ni Thess ang sumalubong sa paglapag ni Ella sa kanilang hardin. Binayo ng kaba ang kanyang dibdib.
"Mahal ko! Ano na kaya nangyayari sa Mahal ko?"