Nagluluksa ang mag-inang Ella at Thess. Hindi-hindi nila matatanggap ang pagpanaw ng kanilang minamahal sa buhay.
"Isinusumpa ko, Mommy! Magbabayad ang may gawa nito kay Daddy! Magbabayad sila!" ang galit na sambit ng bata.
"Ako ang maniningil, Anak."
"Hindi, Mommy. Nangako ako kay Daddy kaya tutuparin ko 'yon. Tulungan mo na lang ako kung saan ko matatagpuan ang mga iyon."
"Sige, anak. Ituturo ko sa'yo mamayang gabi."
"Ano'ng gagawin natin sa bang--kay ni Daddy, Mommy?" nagsipatakan ng muli ang mga luha ni Thess.
"Sisingilin natin lahat ngayong gabi pagkatapos aalis tayo sa lugar na ito. Babalik tayo sa lugar ng ama mo, upang ilibing ang bangkay niya kasama ng kanyang pamilya."
Malapit na ang oras ng pag-oorasyon, 6:00 P.M. Taimtim na nagdadasal si Jane sa harap ng altar habang nasa likod niya sa Manong Sakong kasama niya. Buong puso silang nananalangin sa kaligtasan ng kanilang anak at pati na rin sa lahat na maaaring mapahamak sa pamimiktima ng Aswang.
"Di ba babalik si Ate Queenie, bakit hanggang ngayon wala pa siya?" ang tanong ni Jane kay Manong Sakong pagkatapos nilang magdasal.
"Ewan ko sa babaeng iyon, baka nagka-Selective Amnesia na naman." si Manong Sakong. Ito ang madalas niyang isagot kay Jane 'pag hinahanap nito si Queenie kung napadalaw ba ito sa kanila...
"Nandiyan ka na naman eh. Pwede bang ilagay mo naman sa lugar 'yang pagka-kalog mo?"
"Sana nga di na dumating para mabuo na natin ang tainga ng baby natin."
"Ayun! At naiisip mo pa 'yan sa sitwasyon natin ngayon? Hindi ba pwedeng ipasintabi mo na muna 'yang nararamdaman mo? Maaari ba?" medyo uminit ang ulo ni Jane sa mga naituran ng asawa. Napaka-agresibo ng asawa niya pagdating sa gawain ng mag-asawa at di naman niya ito matatanggihan dahil na rin sa tungkulin din niya iyon bilang kabiyak ni Manong Sakong ngunit may pinagdadaanan sila ngayon at kailangan nilang maging maingat sa kapaligiran... Baka tama nga si Queenie na maaring balikan sila ng Aswang dahil sa laman ng kanyang tiyan na para sa mga ito ay isang ulam na katakam-takam...
"Mapapatay ko talaga 'yang mga Aswang na 'yan eh! Ginulo nila ang matahimik nating pamumuhay! Lintik!" sinuntok ni Manong Sakong ang kanilang dingding na gawa sa Nipa at nabutas ito, lumusot ang kanyang kamay.
"O, ayan! Binutas mo pa, binigyan mo ng daan upang tayo'y masilipan ng mga Aswang. Ba't di mo na lang kaya sunduin ang kapatid mo nang may pakinabang ka naman at makalimutan mo 'yang libog mo sa iyong katawan."
"Ang sweet naman ng asawa ko!" ang turan ni Manong Sakong saka tumalikod na nagtatampo sa kanya.
"Darating din 'yon kahit di mo sunduin."
***
AMORSOLO RESIDENCE:
Nakatulog si Thess sa kanyang kwarto sa sobrang pagluluksa. Pinaakyat siya ng kanyang ina upang makapagpahinga man lamang. Masyado itong nasaktan sa mga naganap.
Nagising si Thess nang magtatakipsilim na dahil sa sobrang init na nararamdaman ng kanyang katawan. Hindi siya mapalagay, parang sinusunog ang buo niyang katawan sa init. Nagdesisyon siyang maligo upang mabawasan ito ngunit walang epekto ang pagdaloy ng tubig sa kanyang katawan. Mas lalo siyang naiinitan.
Habang patuloy sa pag-ikot ang orasan mas lalong umiinit ang kanyang katawan, di na niya ito kinaya. "MOMMMMYYYY!!!!" ang malakas na sigaw ni Thess. Wala ng saplot ang kanyang katawan dahil sa pag-aakala nitong malamigan man lang ang kanyang katawan.
Nagtatakbo si Ella patungo sa silid ng anak, "Thess! Ano'ng nangyayari? Ba't ganyan ka? Nasaan ang mga saplot mo?" ang nag-aalalang tanong ni Ella saka nilapitan ang anak at kinumotan at niyakap na kasalukuyang nasa sahig dahil nagpagulong-gulong ito sa sobrang init.
"Mommy! Ang init!!!! Mommy!!" nag-iiyak na sigaw ni Thess sa kandungan ng ina.
"Ganyan talaga Anak kapag unang beses. Masasanay ka din."
"Mommy! Mommy!" ang walang tigil na pag-iyak ni Thess. Pati si Ella ay napaluha na rin. Mas sobra siyang nasasaktan sa nangyayari sa kanyang anak.
"Sana matapos na ang paghihirap nating ito, Anak. Pangako ko, pagkatapos nating maningil ay magpapakalayo-layo na tayo. Hinding-hindi na tayo mamimiktima ng tao."
LUMAGANAP ANG KADILIMAN... At unti-unting nagbago ang kaanyuan ni Thess, a very cute 10 years old girl transformed into an animal look-alike, hairy with 2 wings... Ang dating maayos na mahabang buhok nito ay naging buhaghag at nakatayo. "MOMMMMMYYYY!!!!!" Thess shouted out loud nang makita ang nalaking pagbabago sa kanyang sarili, she's very afraid of her own reflection, nakita kasi niya ang kanyang anino at ang kanyang kamay na napuno ng balahibo.
"Anak, ikaw ang pinaka-cute na aswang na nakita ko." papuri sa kanya ng ina na lumuluha but deep inside, awang-awa si Ella sa anak. She's too young para maging aswang.
***
Kakalabas lang ni Queenie sa isang tahanan, patungo na sana siya sa bahay nina Manong Sakong ngunit sa di inaasahan nakasalubong niya ang isang ka-barangay na nangangailangan sa kanyang tulong dahil sa anak nito na dinapuan ng sakit.
Hapong-hapo siya sa paglalakad, kaba ang bumalot sa kanyang puso. Laganap na ang kadiliman...
"Letseng buhay 'to!" pagmumura niya nang makaramdam siya ng paninindig ng kanyang mga balahibo. "Wala kayong mapapala sa ginto kong katawan!" ang pahapyaw niyang sigaw. "Diyos ko, sana man lang maisipan akong sunduin ng mokong kong kapatid." ang kanyang mahinang dasal.
Ibang-ibang na ang kanyang nararamdaman, parang may mga matang nakabantay sa kanyang paligid kaya mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang mga yapak. Sumasakit na ang kanyang mga paa sa sobrang pagmamadali, malayo-layo pa ang bahay ng kanyang kapatid...
May biglang pumagaspas, "HUWAAAAAAAGGGG!!!" ang biglang umalingawngaw na sigaw ni Queenie.