Chapter 28:

3.7K 105 1
                                    

Walang napala si Ella sa pagmamatyag niya kay Sakong and when she started her plan ay di siya makalapit dito because for some reason may kakaibang proteksiyon ang lalaking hanggang buto niyang kinasusuklaman. She'd never forgot how Sakong cut her husband's precious wing na naging dahilan upang sa mundo ito ay lumisan.

Iniwanan niya ang bukid kung nasaan si Sakong at itinuon ang kanyang oras sa pagbabantay sa maybahay ni Sakong. Maghahapon na rin kaya maingat siyang nakatago sa lilim ng isang mayabong na puno sa likod ng tahanan ng mga ito. Nakita niya si Jane na kinuha ang panyong pula at pinalitan ng panyong puti sa bintana. She watched her every step hanggang sa lumabas ito at tumungo sa Poso na pakanta-kanta...

"Aray! Aray! Naku whoooooaahh! Kaysakit naman ng ginawa mo. Arayyyy..." ang very emotional na pag-aawit ni Jane na lumiliyad-liyad pa.

Hindi niya kayang pagmasdang ito'y masaya habang sila ng kanyang anak ay nagdurusa. Binantayan niya ito at naghanap siya ng pagkakataon upang ito ay malapitan. 

Binomba nito ang poso habang walang tigil sa kaka-kanta. Alanganin pa ang oras, mag-aalas singko pa lang ng hapon, wala siyang kapangyarihan kapag may sumisinag pa ang araw ngunit nanggagalaiti na siyang lapitan ang babae. Nagtatangis ang kanyang bagang na ito ay kanyang nilapitan. 

"Hello! How's life?" ang pasimple niyang tanong dito at halata ang pagkagulat sa mukha ni Jane.

"Si-sino ka?" pagtatakang tanong nito.

"Hahahaha! Nakalimutan mo na ako? Hindi pa nga nagsa-sampung taon ah! Huwag mong sabihin na nagka-memory gap ka na?" ang nanunuya nitong tanong.

Pinagmasdan siyang mabuti ni Jane. Napaurong si Jane at mukhang kinilabutan.

Tumanda na nga sila ngunit walang pinagbago sa mukha nito. Umakmang patakbo sa loob ng bahay si Jane ngunit maagap si Ella't nahila niya ito. Wala siyang taglay na kapangyarihan sa mga oras na iyon kaya normal na lakas lamang ang kanyang taglay katulad sa mga tao. Hinila niya ang buhok ni Jane at nagpupumiglas din ito. Gumaganti, nakikipaglaban!

Pinipilit ni Ella maglabas ng kapangyariyan o magbagong anyo man lamang ngunit walang nangyayari. Sinampal-sampal niya si Jane. "Kayo ang may kasalanan kung bakit naging miserable ang aming buhay! Ikaw at ang asawa mo!" 

"Kayo ang may kasalanan ng lahat! Kayo! Mga demonyo kayo! Kampon ng kadiliman!" hindi nagpatalo si Jane. Nang makakita ito ng pagkakataon ay agad niyang sinipa sa sikmura si Ella dahilan upang tumilapon ito. Basang-basa na sila dahil sa tubig na pampaligo sana ni Jane na nagkatapon-tapon na.

Nagbabaga ang mata ni Ella sa galit. Bumangon ito at nilapitan ulit ang hapong-hapong si Jane. Hindi din kasi ito tumakas dahil na rin gusto niyang matapos na ang lahat sa pagitan nila ng hayop na nasa kanyang harapan.

"Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi kayo nagtagumpay sa pagkuha ng anak ko kung nangyari pa iyon ako mismo ang puputol diyan sa ulo mo! Pero ngayon na pinapatos mo ako, ikaw ang nagsimula ng laban ngunit ako ang mananalo sa hulihan!" ang matapang nitong sagot. Mata sa mata! Nagbabagang tinginan hanggang sa nagsagupaan at pareho silang natumpa sa sementadong parte ng Poso.

"NANAAAAAAAAYYYYY!!!" 

"Diyos ko! Nick! Umalis ka! Lumayo ka dito! Lumayo ka, Anak!" nanginginig ang katawan ni Jane sa pag-aalala kay Nick, hindi niya alam ang pwedeng gawin ng babaeng ito sa kanyang harapan. Alam niyang may kakaiba itong tinatagong lakas kaya mas lalo siyang natakot para sa anak.

"Bwahahahaha!" ang mala-demonyong tawa ni Ella. "Yan na pala ang napurnadang ulam ni Mahal kong Koko? Alam mo bata! Ikaw ang dahilan kung bakit ang asawa ko ay nawala!" binalingan ni Ella si Nick at balak itong lapitan ngunit kagaya sa kay Sakong may kung anong pwersa ang nakaharang sa kanya upang lapitan ito. Hinila ni Jane ang hanggang pwet niyang buhok, pinaikot-ikot hanggang sa sabay ulit silang natumba at ulo ni Ella ay nabagok. Ngunit walang epekto iyon kay Ella, mas lalong umigting ang kanyang pagnanais na si Jane ay mawala. Mabilisan siyang bumangon at pinagtatadyakan si Jane, ubod ng lakas. Nagdurugo na ang bunganga ni Jane sa sobrang sakit. "NIHHHHHCKkKKK!!! TAKBOOOOO! HILIGTAS MOH HANG SAHRILI MOH!" ang habol hiningang sigaw ni Jane sa nag-iiyak na anak.

"Bwahahaahaha! Walang makakaligtas! WALA!" itinuloy ni Ella ang pananakit ka Jane. Nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa. Gusto niyang ipadama dito ang sakit na dinaramdam nila ng kanyang anak. Ngunit bigla na lang may kung anong bagay ang tumusok sa kanyang likuran. Natumba si Ella. May bumulusok na matulis na kawayan sa kanyang likuran. 

"Si-nong gu-ma-wa ni-to? Sino????" ang galit na galit niyang tanong. Sinubukan niyang tumayo ngunit nanunuot na ang hapdi at sakit na kanyang nararamdaman. Nangingisay-ngisay si Ella sa hindi maipaliwanag na sakit na dulot ng isang tusok ng kawayan sa kanyang katawan. Sinubukan niya itong tanggalin ngunit hindi niya kinaya, unti-unting nauubos ang kanyang dugo. May lumapit sa kanya at biglang may inilagay sa leeg niya, isang kwintas. Na naging dahilan ng biglang pagkasunog ng kanyang leeg. Ubod lakas siyang tumayo upang habulin ang naglagay niyon sa kanyang leeg ngunit nanghihina na siya. Pakiramdam niya'y sinisipsip ng kwintas ang kanyang lakas hanggang sa tuluyan na siyang bumulagta sa tabi ng duguang si Jane.

"JANE!!! MAHAL KO!!" halos mamatay si Sakong sa sobra-sobrang lakas ng pintig ng kanyang puso. Mabilis siyang nakalapit sa dalawang nakabulagta sa semento sa may Poso. "MAHAL KO! JANE! GUMISING KA!" pagtatangis niya when he found na si Jane nga ang isa sa kanila. He checked her vital signs at laking pasasalamat niya na may pintig pa ang puso ng asawa. Binuhat niya ito ngunit napansin niya ang katabi nito. Isang matandang babae. Hindi niya kilala. Ngunit bakit dalawa sila ni Jane ang nakabulagta? He don't have a time to find an answer to his questions. 

"TULONGGGGGG!!!!" he seeked for a help. Malayo-layo pa kasi ang kapitbahay nila kaya walang nakakapansin kung anong nagaganap sa tahanan nila. Kung hindi lang sana niya binalikan ang kanyang kalabaw ay di niya aabutan si Jane na ganito. 

Mabilis na rumesponde ang kanyang mga kapitbahay at dinala nila si Jane sa pinakamalapit na Pagamutan at nag-utos din si Sakong na balikan ang kanyang tahanan upang imbistigahan ang babaeng kanyang iniwan sa Poso.

Paroo't-parito si Sakong sa labas ng Emergency room. Hindi siya mapalagay kung ano na ang kalagayan ng asawa.

"SI NICKY!!!" parang binuhusan ng malamig na tubig si Sakong nang maalala ang anak. "Diyos ko! Ang anak ko!" Nagpaalam si Sakong sa Nurse Station na aalis muna upang hanapin ang kanyang anak.

Walang tigil ang pagpatak ng luha ni Sakong habang minamaneho ang kanyang motorsiklo. Halos paliparin na niya ito pabalik sa kanilang tahanan. Puno ng pag-aalala ang kanyang puso. 

"Diyos ko! Bakit namin dinaranas 'to?" wala siyang karapatang tanungin ang Diyos ngunit di niya ito naiwasan.

"Tatanggapin ko lahat ng parusa mo pero maawa kayo, bantayan niyo ang anak ko, please Lord! Please!" ang buong puso niyang hiling sa Diyos.

Kumpol-kumpol na mga tao ang kanyang nadatnan sa labas ng kanyang tahanan. Mga nakikiusyoso sa nangyari. 

"Kanor! Dante! Pedring! Lando! Kanor! Nakita niyo ba ang anak ko?" ang agad na tanong ni Sakong sa mga tanod na naroon.

"Hindi Kap, eh!" ang kurong sagot ng mga ito at mas lalong lumakas ang kanyang kaba.

"Kap! Pagmasdan mong mabuti ang patay na babae sa Poso kung di mo ba nakikilala." si Lando.

"Wag muna Lando. Mas mahalagang makita ko ang anak ko." 

"Pero Kap. Importanteng makita mo!" Lando insisted. Na-curious siya kay Lando. Hindi niya ito napagmasdan ng maayos kanina dahil kailangan niyang iligtas ang kanyang asawa.

"MAHABAGING DIYOS!" nanlaki ang mga mata ni Sakong sa kanyang natuklasan..

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon