Chapter 20:

4.5K 107 9
                                    

Pagkatapos ng mahabang taong pagtitiis, dumating na ang panahong kaytagal hinintay ng mag-inang Ella at Thess. They chose to stay in a Muslim Country dahil wala silang makikitang traces ng Krus na kinakatakutan nila, isa kasi ito sa ginagamit na panangga ng mga tao upang sila ay di makalapit sa mga ito lalong-lalo na ang mga bendetadong Krus.

"Mommy, handa na ako." si Thess. She had grown up bilang isang napakagandang dilag na pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan sa bansang kanilang kinaroroonan at ang kanyang kagandahan ay magagamit niya sa kanyang paghihiganti. Malaki ang kanyang ipinagbago, mula sa isang batang musmos na naulila ng kanyang ama hanggang sa ito'y namukadkad at naging napakagandang dilag.

"Oo, anak. Nalalapit na ang ika-18 mong kaarawan. Kailangan nating naroon, doon natin ang hihintayin ang araw na iyon. Upang sa pagdating ng takdang oras lubusan mong nang maaangkin ang kapangyarihan ng isang tunay na aswang. At magiging ganap na ang iyong bertud. Ikaw na ang magiging makapangyarihang Aswang, Anak." She's watching afar, nakatiim ang mga bagang. Nanlilisik sa galit ang mga mata at hawak-hawak sa kanyang kanang kamay ang isang baso na halos mabasag na sa higpit ng kanyang pagkahawak.

"Mommy, hindi ko hinahangad ang kapangyarihan. Iisa lang ang ninanais ng aking puso, Mommy. Ang maipaghiganti si Daddy." Naupo si Thess sa tabi ng ina sa Veranda...

"Napapagod ka na ba sa kakainon ng dugo ng Camel? O ng Karuf?" mapaklang ngumiti si Ella sa anak at sinuklay-suklay ang buhok nito sa pamamagitan ng kanyang mga daliri.

"Nasanay na ako, Mommy. At least nakaya natin di ba?" niyakap siya ni Thess at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng ina. Ngunit may lihim na luhang pumatak sa mga mata ng dalaga.

"Oo nga, Anak. Pagkatapos nating maghiganti, hindi ko na alam saan ang ating patungo." walang ibang hangad si Ella kundi ang maipaghiganti ang asawa. Marami siyang pangarap kay Thess ngunit paano nila ito maaabot kung ang buong mundo ay di sila tanggap?

"Huwag kang mag-alala, Mommy. Magiging masaya tayo." ang determinadong sambit ni Thess at tagong pinunasan ang kanyang luha sa pamamagitan ng kweldo ng kanyang damit...

Kinaya niya ang pagma-maliit sa kanya ng ibang lahi, ng kanyang mga kaklase dahil sinubukan niyang maging isang normal na tao katulad nila ngunit lagi siyang nagiging paksa ng usap-usapan sa kanilang paaralan. Hindi dahil sa nalaman ng mga ito ang kanyang pagiging aswang ngunit hindi daw siya bagay sa paaralang yaon dahil ang akala ng mga ito ay anak din siya ng isang Pilipinang katulong. She don't gave them a damn! She focused on her studies, pilit na tinanggap ang pangungutya. Matagal na niyang sinabi sa ina na titigil na lang siya sa pag-aaral ngunit ayaw ni Ella sapagkat pangarap niya kay Thess ang magkaroon ng normal na buhay. Ngunit sadyang napakailap sa kanila ng kapalaran dahil na rin seguro sa kanilang mga kasalanan. Hindi lang kamay nila ang nadungisan hanggang ang kanilang kaluluwa ay di na makawala sa kapangyarihan ng kadiliman.

Sa bawat gabing dumaraan sa buhay nila ay halos gusto na nilang mawala sa mundo. Mahirap ang gabi-gabing pakikipaglaban sa tukso ng kadiliman, sa tukso ng malinamnam na puso at masarap na dugo ng tao.

Sa bawat gabi ay halos maikot ng mag-ina ang kanilang tahanan sa paggulong upang labanan ang kanilang sarili sa paglabas ng bahay at bigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili. Buti na lang at minsang may naligaw na isang Camel sa kanilang bakuran at iyon ay kanilang tinikman... At iyon na ang nagiging ulam nila sa bawat gabing dumaraan...

Handa na ang lahat sa kanilang pagbabalik at nakahanay na ang kanilang planong paghihiganti...

SA BAHAY NINA MANONG SAKONG:

"Nay! Tay!" ang malakas na sigaw ni Nickolas isang umaga nang lumabas ito ng kanilang tahanan upang pumasok ng paaralan.

"Oh, anong nangyari Anak?" ang humahangos na tanong ni Jane. Magwa-walong taong gulang na ang anak nila ni Manong Sakong. 

Ipinagmamalaki nila ito, isang mabuting anak ang naging bunga ng paghihirap nilang mag-asawa. Ang anak na pinaka-aasam nilang bubuo sa kanilang pamilya.

"Nay, tingnan niyo oh!" may itinuro ito sa taas ng sampalok na nasa harap ng kanilang tahanan.

"Ano 'yan? Mukhang damit?" lumaki amg mga mata ni Jane sa pagtataka.

"Pa!!!! Pa!!!!" tawag ni Jane sa asawa na kasalukuyang nagbibihis upang pumasok sa Brgy. Hall.

"Oh bakit? Ano'ng nangyari sa inyong mag-ina? Kaaga-aga nagsisigaw kayo." ang tanong ni Manong Sakong habang nagsusuot ng kanyang karsonsilyo.

"Tingnan mo 'yong nasa taas ng Sampalok, Pa." turo ni Jane.

"Damit? Kaninong damit 'yan?" pagtataka din ni Manong Sakong saka lumabas ito at tinungo ang baba ng sampalok at tinitigang maigi ang nakasabit na damit.

"Ewan. Baka nilipad lang ng hangin at sumabit diyan." si Jane.

"Nilipad?" ang may tonong pagtatakang tanong ni Manong Sakong.

"Nay, walang malakas na hangin kagabi. Ni hindi nga umulan eh." ang singit ng anak nilang si Nickolas.

Nagkatinginan ang mag-asawang Jane at Sakong sa itinuran ng anak. Tama nga naman ito, walang malakas na hangin kagabi, walang kung anong ulan. At lalong wala silang kakaibang naramdaman. Biglang may sumundot na kaba sa dibdib ni Manong Sakong.

"Imposible, walong taon na ang nakakaraan..." ang mahinang sambit ni Manong Sakong sabay hawak sa kwintas sa kanyang leeg. Katulad sa ihinabilin ng kapatid nitong si Queenie Albularya, hindi niya ito tinatanggal sa kanyang katawan maliban lamang kung magkasalo sila ni Jane sa kaligayahan dahil sagabal iyon sa kanyang performance. (At talagang may naisisingit pa rin! Lolz!)

"Bakit, Pa? Anong iniisip mo?" hinarap siya ni Jane nang mapansin ang biglang pagtahimik ng asawa.

"Wala, Ma. Wala. Nilipad lang ng hangin 'yan at sumabit sa itaas ng sampalok." ang pagbabalewala ni Manong Sakong ngunit sa kanyang kaloob-looban ay kanyang nararamdaman ang pangambang may nagbabadya na namang karahasan...

'Huwag naman sana Diyos ko, tahamik na ang Baranggay na ito.' tahimik na usal ni Manong Sakong.

"Nay! Tay! Alis na ako!" ang paalam ni Nickolas sa mga magulang.

"Sandali, Anak!" pinigil siya ni Manong Sakong at tiningnan ang kanyang leeg.

"Bakit, 'Tay?" tanong ng bata.

"Ma, saan ang kwintas na gawa ni Ate para kay Nick?"

"Nasa loob, Pa. Eh ayaw isuot ng anak mo eh kaya tinanggal niya." 

"Bakit mo pinayagan? Alam mo naman ang kabilin-bilinan ni Ate di ba? Nakalimutan mo na ba 'yon?" biglang tumaas ang boses ni Manong Sakong. 

"Pa, matagal na panahon na'yon. Pwede bang kalimutan na lang natin? Kita mo, ang laki-laki na ng anak natin matagal na niyang di sinusuot ang kwintas na'yon pero napakalusog niya at bibong-bibo pa." 

"Ah basta! Ipasuot mong muli sa kanya ang kwintas na'yon kung hindi, wag mo siyang palabasin sa bahay. Please, Jane. Iniisip ko lang ang kaligtasan nito." nangunot ang noo ni Jane sa biglang pagbabago ng asawa, bigla tuloy siyang kinabahan.

'May nangyayari kayang di ko alam?' ang tanong ni Jane. At para hindi na magalit ang asawa ay sinunod nito ang kanyang utos. Ayaw mang isuot ni Nick ang kwintas ngunit walang nagawa ang bata....

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon