Chapter 32:

4.5K 115 12
                                    

Tumatangis din pala ang isang Aswang, iyan ay ang aswang na si Thess. Malakas nga ang kanyang kapangyarihang taglay ngayon ngunit bakit di niya mapigilan ang kanyang emosyon? Nagpapatunay lang ba ito na may kabutihan sa kanyang puso? She keeps on surviving dahil sa hangaring makapaghiganti sa pagkapaslang ng kanyang ama at ganun din sa kanyang inang nilisan na rin siya. All she wanted is REVENGE pero bakit may kakaibang tumutulak sa kanyang kalooban?

"Wala pang nawawala sa pamilya mo pero napakasakit na di ba? Paano pa kaya kung tuluyan na silang mawala?" Thess greeted her teeth while holding the collar of Sakong's Polo Shirt. Binalingan na lamang niya ang lalaki baka kung saan na naman umabot ang kakaibang emosyong nagpupumiglas sa kanyang pagkatao. Her eagerness to kill Sakong's family lessen dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon...

"Kasalanan ng mga magulang mo ang nangyari sa kanila! Ba't di na lang kasi kayo mabuhay ng patas sa mundong ito!" ang sumbat ni Sakong.

"At sa tingin mo may puwang kami sa mundong ito?"

"Yon naman pala eh! Bakit pa kailangan niyong makipagsiksikan dito? Magpahinga na kayo! Iwan niyo na ang mundo namin!" 

"Iiwan ko ang mundo kung makapaghiganti na ako! NAIINTINDIHAN MO?" dapat nang magdali ni Thess baka abutan siya ng pagbubukang-liwayway at di niya maituloy ang tagumpay sa paghihiganti na nasa kanyang ng mga kamay.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay, inihanda at itinapat sa bandang puso ni Manong Sakong. "Bibilang ako ng tatlo! Kung di ka lalabas Nickolas ay magiging ulam ko ang puso ng ama mo!! Kaya't mag-isip ka't lumabas na sa iyong lungga!"

Nanginginig na ng husto si Nickolas sa kanyang kinalalagyan. Naririnig niya ang boses ni Thess, dinig na dinig niya ang lahat. Ano ang dapat niyang gawin? He's too young to made a decision, he's too young to know what's right versus wrong, all he wanted was to save his father! Oo, nanginginig man siya sa takot but he must face the concequences, he's ready to face the danger. Narinig niya ang pagsigaw ng ama na huwag siyang lumabas ngunit alam niyang demonyo ang kanilang kalaban at di mapagkakatiwalaan so he will take the risks.

"Nickolas!!!!" napatigil si Nick sa akma niyang pagtayo nang may tumawag sa kanyang pangalan. He's not familiar with the voice kaya kinabahan siya lalo baka ito'y pagpapanggap ulit ng aswang. Nag-sign of the cross si Nick at tahimik na nanalangin na bigyan siya ng ibayong lakas at tapang upang harapin ang pagsubok na kanilang sinusuong sa ngayon. "Si-Sino ka?" ang garalgal niyang tanong ng hinara niya ito. He was shocked sa bumungad sa kanya, a lady wearing a white gown ang tumawag sa kanya. He frowned. "Sino ka?" ang pag-uulit niyang tanong.

"Hindi na importante sa ngayon kung sino ako! Bilisan mo! Kailangan ka ng iyong ama. Nakakasalalay sa iyo ang kaligtasan ng lahat. Sa iyong kamay nakaatang ang katahimikan." ang turan nito na mas lalong ikinapagtaka ni Nickolas.

"Sa aking mga kamay? Pero paano? Wala akong lakas, ako'y isang normal na bata lamang." ang pag-aalinlangan ni Nick.

"Wala sa edad ang kakayahang magligtas, Nickolas. Yan ang lagi mong tandaan. Bilisan mo na! At baka bangkay mo ng makita ang iyong ama." Nahintakutan ng sobra si Nick sa narinig, tama nga ito, kapag hindi siya lumabas ng mas maaga ay mawala ang kanyang ama. Kahit puno ng pag-aalinlangan ang kanyang puso ay lumabas siya pero ang dami niyang katanungang ibinabato sa sumusunod sa kanyang babaeng nakaputi.

"Anong gagawin ko upang malabanan ang aswang?" he asked sa gitna ng kanyang paghingal sa takot.

"Ang Kwintas!" 

"Ito?" hinawakan ni Nickolas ang kwintas at nagtatakang ipinakita ito sa babae. "Paano mo nalaman ang tungkol dito?" dagdag katanungan niya.

"Dahil ako ang may bigay niyan." 

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon