Mahirap ang mabuhay sa kadiliman lalo na't ang mga katulad nila'y kalaban ng kabutihan at wala silang lugar sa mundong ibabaw. Hindi maaaring malaman ng iba ang lihim na kanilang dinadala... Nagpapalipat-lipat sila ng tahanan upang ang sekreto nila'y maprotektahan kahit kay Thess ay itinago nila ito ngunit ang pagkakataon na mismo ang nagsasabing dapat alam ng anak ang kanilang sekreto upang maging mas maingat ito sa pakikitungo sa ibang tao.
Nakatalukbong ng kumot si Thess sa kanyang kwarto at nag-iiyak nang pumanhik ang mag-asawang Ella at Koko. Nalilito ito sa pagkatao ng kanyang mga magulang, bakit naging ibon ang mga ito at nagbalik sa pagkatao? She has many questions to ask ngunit hindi niya alam where to start.
"Thess, anak." Ang masuyong tawag ni Ella dito saka niyakap ng bahagya ang humihikbing bata. Bigla itong lumabas sa kumot at hinarap ang mga magulang.
"Mom! Dad! Anong meron? Bakit naging ganun?" Ang sunod-sunod na tanong niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawa na wari'y nagtutulakan kung sino'ng mauunang magsalita.
"Anak, kasi... " nag-aalinlangang sambit ni Koko. "Masyado ka pang bata para malaman ang lahat..." tumaas ang kilay ni Ella sa naituran ng asawa. They planned to tell her the truth pero bakit biglang nag-iba ang isip ng kanyang asawa.
"Koko. Akala ko ba sasabihin na natin sa kanya ang lahat." Ang nakatiimbagang na bulong ni Ella sa asawa.
"Let me handle this, mag-usap na lang ulit tayo mamaya." Ang sagot nito kay Ella.
"Sige, ikaw ang bahala." Pagsang-ayon ni Ella.
"Hindi na ako bata, Daddy! I can understand everything! Pwede bang ipaliwanag niyo sa akin ang lahat! Bakit kayo naging ibon? Tapos naging tao? Daddy!" Ang galit nang sambit ni Thess. Napapagod na rin siya sa palipat-lipat nilang mag-anak. Every place na pupuntahan nila ay tinatrato silang kakaiba. Kahit sa Canada ang huling lugar kung saan nanirahan ay may naririnig siyang bulong-bulungan tungkol sa kanyang mga magulang but she disregared all of it, dahil mas kilala niya ang mga magulang kaysa ibang tao. But this time, dalawang mata niya mismo ang nakita.
"I'll tell you everything sa tamang panahon, Thess. All I can say this time is iba tayo sa karamihan. Kaya ingatan mong walang makakaalam sa kung ano man ang nakita mo dahil manganganib ang buhay ko, buhay ng Mommy mo, pati na rin ang buhay mo, anak. At ayaw naming mangyari iyon dahil mahal na mahal ka namin." Ang mahabang pagpapaliwanag ng Amang si Koko.
"But Dad! I want to know now! I want to know what are we!" She insisted...
"W-what we--- are?" Ang muntik nang mabilaukang turan ni Ella.
Humugot ng napakalalim na hininga si Koko bilang paghahanda sa paglalahad niya ng katotohanan kay Thess.
"Tinatawag tayo ng mga tao na.... Aswang."
Matatanggap kaya ni Thess kung ano sila?