Chapter 23:

3.9K 99 3
                                    

{Author's Note: Some words are not suitable for very young readers. Let your PARENTS read first before YOU. Thank You.}

Ibang-iba ang nararamdaman ni Manong Sakong nitong mga nakaraang araw. Dagdag pa ang pagkainis niya sa pang-aasar ng kanyang nasasakupan sa bigla-bigla niyang pagbibigay order sa paghahanda ng mga sandata laban sa masasamang kampon ng kadiliman. 

"Pa, ba't bigla-bigla ka na lang naging ganyan?" ang puna din ni Jane sa kanya. Nakaupo siya sa sala na nakatutok sa telebisyon ngunit malalim ang iniisip.

"Hindi ko alam, Ma. Basta ko na lang naramdaman ang ganito nang araw na nakita niyo ang damit na nakasabit sa taas ng sampalok." pagtatapat ni Manong Sakong sa asawa.

Kumunot ang noo ni Jane. Hindi na nila binigyan ng pansin ang pangyayaring iyon ngunit nagdulot pala iyon ng kakaibang pagkabahala sa asawa. 

Lumabas si Jane at tiningnan ang taas ng sampalok, nandun pa rin ang damit. Ni hindi ito tinangay ng hangin o nahulog man lang.

"Ma, anong tinitingnan mo?"

"Yong damit, Pa. Nasa taas pa rin." pagbabalita ni Jane.

Biglang tumayo si Sakong at tiningnan iyon. At may kung anong nag-utos sa kanya na kunin iyon. Naghanap siya ng mahabang panungkit sa likuran ng bahay, dinugtong-dugtong na kawayan upang ang damit ay maabot lamang. Habang si Jane naman ay tahimik lamang na nagmamasid sa kanya. 'Kanino kayang damit 'yan?' ang tahimik na tanong ni Jane.

Halos malusaw si Manong Sakong sa sobrang gulat, pinagpawisan siya ng malamig sa kanyang natuklasan. Hindi siya makapaniwala, "Paano'ng nangyari 'to?" ang pagtataka niya. May kung anong nagtatakbuhan sa kanyang dibdib sa sobrang kaba at takot. 

Pinagmasdan niyang muli ang damit, tinitigan sa pag-aakalang siyang mali sa kanyang kutob. Ngunit, sa kanyang naaalala ay iyon talaga ang damit na iyon.

"Pa! Anong nangyayari?" lumapit na si Jane sa kanya dahil sa pagtataka din.

"Jane. Hindi ko alam kung paano nangyayari ito. Oh, Diyos ko! Anong hiwaga ito?" ang sambit ni Sakong. 

Kitang-kita ni Jane sa mga asawa ng asawa ang sobrang takot. Tahimik niya itong niyakap upang ipadama dito ang kanyang pakikipagsempatiya sa nararamdaman ng asawa. Gusto niyang magtanong ngunit pinili niyang tahimik na nakayakap dito.

"Alam mo ba kung kanino ang damit na ito, Ma." ang humihikbing turan ni Sakong sa asawa. Napabitiw si Jane at kinuha ang damit at pinagmasdan.

"Damit pambabae, Pa." napaupo si Sakong sa lupa at sapo-sapo ang ulo habang humihikbi. "Pa, bakit?" sobra ng nag-aalala si Jane sa asawa. Bakit ganyan na lang ang paghagulgol nito dahil sa damit pambabae?

"Ma! Damit ni Ate Queenie 'yan noong gabing pinatay siya ng mga aswang." katulad ni Sakong kinabahan si Jane.

"Pa, baka nagkataon lang na parehas sa damit ni Ate." pag-iiba ni Jane. Ayaw na ayaw na niyang maalala ang lahat, ang mapait na kaganapan sa nakaraan. Sa panahon ngayon ay wala ng naniniwala sa mga katulad noon. Wala na daw aswang na gumagala sa kapaligiran, ito'y guni-guni lamang, laman ng malilikot na isipan. Katulad sa mga iniisip ng mga tao ngayong panahon, inisip na rin ni Jane na isang bangungot o guni-guni lamang ang mga iyon.

"Hindi nagkataon, Jane! Malaki ang kutob ko na binabalaan tayo ni Ate na may mangyayari." ang pahayag ni Sakong.

"Kung totoo ngang lahat ito pa, malaking hiwaga ang dulot ng damit na'yan."

"Nagpapatunay lang 'yan na di tayo pinapabayaan ni Ate di katulad sa pagpapabaya ko sa kanya noon." ang pagsisisi ni Sakong.

"Tama na, Pa." pag-aalo ni Jane sa asawa at iginayak ito papasok ng kanilang tahanan.

SAMANTALA, kanina pa nagmamasid sa di kalayuan si Thess sa mag-asawa. Laking pasalamat niya na di lumipat ng tahanan ang mga iyon. 

"Nalalapit na ang inyong katapusan! Bwahahahaha! Daddy, matatahimik na ang iyong kaluluwa. Matatahimik na, Daddy." ang mala-demonyong turan ni Thess. 

CASTRO's BOARDING HOUSE:

Pasipol-sipol si Mark nang lumabas sa kanilang tahanan. Tumungo siya sa likuran, tamang-tama may naririnig siyang pagaspas ng tubig mula sa Bathroom sa taas. Malalapad ang kanyang mga ngiti na inakyat ang isang hagdan na kanyang nilagay kagabi sa likod ng Palikurang iyon. Nanginginig ang kanyang kalamnan habang hinahanda ang kanyang sarili sa pagsilip sa butas na kanyang ginawa nang inayos nila ang tahanan nina Angel. 

Sumilip siya at halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita. 'Shit!' tahimik siyang napamura sa biglang pagpalag ng kanyang sandata, 'ang bilis mo naman 'Tol!' sambit pa niya dito. Isang babaeng nakatalikod ang kanyang nakikita, isa-isa nitong hinuhubad ang kanyang mga saplot. Una nitong tinanggal ang kanyang pang-itaas. Naglalaway siya habang hinihintay ang pagtanggal nito ng pang-ibabang saplot. 'Shit!' muli siyang napamura nang tumambad sa kanya ang dalawang matatambok na pisngi ng puwet nito nang yumuko ito at ang pinakagusto niya ay ang suot nitong underwear, na mala-tali na lamang... Wala ng saplot ang babae nang pinulot nito ang isang bagay na nahulog sa sahig at bumugad sa paningin ni Mark ang nakatuwad na view ng pagkababae nito.

Hindi na nakatiis si Mark hawak-hawak na niya ang kanyang sandata at bahagyang pinaglalaruan at tahimik na pinagnanasaan ang babaeng walang kamuwang-muwang sa kanyang pinaggagawa.

Bigla itong humarap sa kanyang kinaroroonan at laking gulat niya nang mapagtantong hindi ito si Angel. 'Bwesit! Bwesit! Bakit matanda?' ang nagngingitngit niyang sambit saka mabilis siyang bumaba sa hagdan. 'Hayop! Hayop! Grrrr!' pasuntok-suntok siya sa hangin sa sobrang inis. 'Nandun na eh! Nandun na! Bwisit!'

"Oh, Mark! Anong nangyari? Bakit para kang kamatis sa pula?" si Angel na kakarating lang. 

Gulat na gulat si Mark hindi siya nakaimik sa salubong sa kanya ni Angel. 'Letse! Wala pala sa bahay 'tong babaeng 'to!' Napahiya siya sa kanyang sarili, hiyang-hiya siya! Isang matanda ang pinagnasaan niya, pero paanong nagkaroon ng matanda doon? Di naman niya ito nakitang kasama ni Angel? Gusto niyang tanungin si Angel ngunit baka mabuking pa siya sa kanyang pinaggagawa.

"Ah, wala. Sa sobrang init lang seguro ito." his alibi, di niya matingnan sa mata ang dalaga. Buong akala niya'y iyon na ang pinagnanasaan niya.

Iniwan niya ang dalaga na di man lang nagpaalam.

Oo, sobra siyang nag-init kanina habang pinagmamasdan ang pagtatanggal ng damit ng matandang iyon at sobra din siyang nag-init sa pagkapahiya. Kung alam lang niya na matanda pala ang nandun ay di na sana siya naninilip pa, bitin pa tuloy ang inabot niya...

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon