Gustong-gustong tapusin ni Thess ang Kapitana dahil na rin sa pananabik nito sa pagkain ngunit pinigilan siya ni Ella.
"Mommy, I'm hungry! Isa pa, 'pag iniwan natin 'to malalaman ng mga taong tayo ang Aswang sa Baranggay na ito." Reklamo ni Thess.
"Thess, remember what your father told you! Kahit tuluyan mo pa 'yang Kapitanang 'yan ngayon ay malalaman at malalaman pa rin ng mga tao ang ating sekreto dahil nasa harap ng tahanan natin nangyari ito. All we have to do now is leave. Faster! Kailangan nating makuha ang ama mo at lisanin ang lugar na'to!" hinila na ni Ella ang anak at mabilisang bumalik sa loob ng kanilang tahanan at mabilisang nagbagong anyo. Isinakay si Thess sa sasakyan na lulan ang bangkay ni Koko. They must leave....
Nakapagdesisyon si Manong Sakong na samahan ang Kapitana pagkatapos nitong makausap ang isang tanod na binilinan ni Jhanel na sundan siya pagkatapos ng isang oras.
Napagtanto niyang he should be responsible enough para sa kanyang mga kabaranggay. Nagkamali na siya minsan at ayaw na niyang maulit iyon...
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana kay Manong Sakong nadatnan nilang pumipiyok-piyok na ang Kapitanang nakabulagta sa damuhan, habol-habol nito ang kanyang paghinga..
"Kapitana!!!!!!" ang malakas na sigaw ni Berto, ang namumuno sa mga tanod.
"Ahhhh... Ahhhh!!!" ang puno ng galit na pagsipa ni Manong Sakong sa hangin at mabilisang binuhat si Jhanel.
"Dalhin natin siya sa hospital! Dali!!!!!" naghati ang grupo ng mga tanod. Ang isang grupo ay siyang naiwan upang hagilapin ang aswang, ang isang grupo naman ay siyang naghanap ng masakyan upang maihatid si Jhanel sa Hospital sa bayan.
Pangko-pangko ni Manong Sakong si Jhanel sa kanyang likod. Hindi naiwasang tumagatak ang mga luha sa mata sa kanyang mga mata habang tumatakbo. Naghalo na ang kanyang sipon at luha sa sobrang pagsisisi.
"Sah-khong..." ang narinig niyang mahinang sambit ni Jhanel.
"Lumaban ka, Kapitana! Lumaban ka! At patawarin mo ako kung di ako naniwala sa'yo!"
"Sah-khong... Ang pah-mhil-yah Ah-mhor-sohloh..." ang pabato-batong sambit ni Jhanel sa pagitan ng kanyang paghabol sa kanyang paghinga.
Napatigil saglit si Manong Sakong. "Ang pamilya Amorsolo ang may gawa nito sa'yo???"
"Ash-whang... sih---lah---" ang huling katagang nabitiwan ni Jhanel.
Dali-daling isinakay ni Manong Sakong sa sasakyang Pambaranggay na nakuha ng mga tanod si Jhanel upang masugod na ito sa pinakamalapit na bahay pagamutan.
"Huwah kayong magsayang ng oras! Bilisan niyo upang mailigtas si Kapitana!" ang buong pag-aalalang utos ni Manong Sakong sa mga tanod. Nagpaiwan siya upang sugurin ang tahanan ng mga Amorsolo. Punong-puno ng galit ang kanyang puso. "Mananagot kayo ngayon sa akin mga demonyo!" nakakuyom ang kanyang mga palad habang tumatakbo patungo sa tahanang iyon.
Nakasalubong niya ang ibang mga tanod...
"Wala kaming nakita, Sakong." ang balita sa kanya ng isang tanod.
"Samahan niyo ako, sinabi sa akin ni Kapitana ang may kagagawan no'n sa kanya. Bilisan na natin!" nagsisunuran naman kay Sakong ang lahat ng tanod. Awang-awa ang mga ito sa sinapit ni Jhanel. Sinisisi din nila ang kanilang mga sarili dahil hinayaan nilang mag-isa ang kanilang Punong Baranggay na matyagan ang pamilyang iyon, kung alam lang nila ay sana'y di nila sinunod ang utos nitong iwanan siyang mag-isang nagbabantay...
SAMANTALA:
Naramdaman ni Thess ang panghihinayang dahil iniwan nila ang Kapitanang di man lang nila natikman. Hinila-hila na kasi siya ni Ella na lisanin ang pook na iyon. Kinuha nila ang Pajero na may lulang bangkay ni Koko ay iyon ay minaneho ni Ella. Hindi sila maaaring lumipad sa kalawakan dahil sa pangyayari sa gabing iyon. Segurado siyang hina-hunting na sila ng taong-bayan upang patayin...
They tried to be normal. Isang normal na traveler napapunta sa ibang bayan.
"Mommy, where are we going?" ang nanghihinang tanong ni Thess sa ina.
"Sa malayong bayan, anak."
"Pero Mommy, we're not yet done with Daddy's killer."
"Thess, babalikan natin sila sa tamang panahon. Papalamigin lang muna natin ang sitwasyon, anak."
She wants to be safe. Oo, gustong-gusto niyang makaganti pero sa nangyari sa Kapitana ay alam niyang pagdududahan na sila ng mga tao dahil nangyari iyon malapit mismo sa bakuran nila, ang pagtakas ay iyon ang tanging paraan na naisip niya sa ngayon. 'Marami pang pagkakataon.' She thought.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Ella sa sasakyan dahil baka sila ay masundan ng mga tanod na sakop ni Kapitana.
Sa pagpaharurot niya ng sasakyan ay sila'y may nalampasan, kilala iyon ni Ella ang sasakyang Pambaranggay na laging naka-Park sa garahe ng Baranggay Hall na di kalayuan sa kanilang tahanan. Napuno ng kaba ang kanyang puso.
"Anak, humawak ka ng mabuti." Utos niya kay Thess. Inipon ni Ella ang kanyang lakas, bumwelo at binilisan ang takbo ng sasakyan. Para siyang nasa isang Car Race na kailangan mauna sa Finishing Line ang kaibahan lang ay nakikipaglaban siya para sa kaligtasan ng kanilang buhay...
SAMANTALA:
Walang nadatnan sina Manong Sakong sa tahanan ng mga Amorsolo maliban sa malansang amoy na sumalubong sa kanila. Hinalughog nila ang buong bahay at laking gulat nila ng matagpuan ang isang itim na kabaong sa isang silid. Kinilabutan silang lahat sa kanilang natuklasan.
"Totoo ngang lahat..." ang panghihinayang ni Manong Sakong.
"Ang alin, Sakong?" Tanong ng isang tanod.
"Ang sabi ni Kapitana, na ang pamilyang ito ang mga salot sa ating Baranggay." Si Manong Sakong.
"Ibig sabihin ba niyan, ang pamilyang ito ang may gawa no'n kay Kapitanan?"
"Oo..."
Hindi nagtagal sa tahanang iyon ang grupo ng mga tanod at si Manong Sakong.
Mabilis na kumalat ang balita at binalot ng takot ang buong Baranggay...
Kanya-kanyang safety measures ang ginagawa ng bawat bahay upang maligtas sa pananalakay ng mga aswang...
Ang pamilya ni Manong Sakong ay sobrang nagluksa sa pamamaalam kay Queenie Albularya. Hindi pa rin matanggap ni Manong Sakong ang dinanas ng kanyang nag-iisang kapatid. Gabi-gabi na siyang nakisama sa pagro-ronda sa buong Baranggay at gaya sa bilin ni Queenie, hindi niya ihiniwalay sa kanyang katawan ang kwintas na iniwan ng kanilang ama. Ganun din si Jane, mas naging maingat ito sa bawat gabing dumaraan...
Mabilis na lumipas ang mga araw at di na natagpuang muli ang pamilya Amorsolo... At nawala na ang pananalakay ng aswang sa kanilang baranggay...