Unti unti kong minulat ang mata ko..nasan ba ako..bakit puti ang paligid..
Nilibot ko ang paningin ko..bakit nandito ako sa ospital..ano bang nangyari
T-teka..naalala ko na ang huling nangyari
*flashback
"Mukhang napahaba na ang pag uusap natin..ang totoo nyan may kailangan kang malaman kaya pumunta ako rito" wika ni lean
Bakit bigla akong kinabahan
"Good or bad news?"tanong ko
"Bad" tanging sambit nya
Ito ba ang dahilan kaya kinabahan bigla ako
"Nabalitaan ko lang to sa kakilala ko" sabi nya
"Sabihin mo na kasi" sabi ko
Bumuntong hininga sya bago sumagot
"Magbabalik na sya"
"A-ano?!"kinakabahang sambit ko..nagsimula na akong makaramdam ng takot..hindi pwede..bakit kailangan pa nyang bumalik..bakit..pilit na bumabalik na naman ang alaalang yun..kung kaylan nakalimutan ko na ang nangyari bakit pilit na bumabalik
Nanginginig na ako sa takot
Napansin nyang hindi na ako makagalaw dahil sa takot
"Ylrish okay ka lang ba??magsalita ka"nagaalalang tanong nya
Tumango lang ako bilang sagot
Pero mukang hindi sya sang ayon sa naging tugon ko kaya nilapitan nya ako para pakalmahin
Unti unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari
"Ylrish!!!"
*End of flashback
Yun ang nangyari kaya nasa ospital ako ngayon
Kasalukuyan pa rin akong nakahiga sa hospital bed
"Gising ka na pala ylrish" pumasok dito si lean
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"tanong nya
"Maayos na ako..anong sabi ng doctor?"tanong ko
"Stress ka daw kaya nahimatay ka..wag mo munang isipin yung mga problema mo atsaka yung sinabi ko sayo...alam mo naman ang kalagayan mo diba..baka kung ano pa ang mangyari sayo"
"Pero hindi ko maiwasang mapaisip dun sa sinabi mo..hanggang ngayon nandito pa rin yung takot at kaba ko"
"Kalimutan mo na muna yung ibinalita ko sayo..kung babalik nga talaga sya hindi pa sa ngayon..baka matagal pa..at nandito kaming lahat para protektahan ka"
Ngumiti ako sa sinabi nya
"Teka lang tatawagan ko lang ang kuya mo para ipaalam ang nangyari" saad nya
"Wag!"pigil ko
Tumingin sya sa akin ng nagtataka
"Wag mo nang ipaalam sa kanya ang nangyari baka mag alala pa yun atsaka baka masama pa ang loob nya sa akin"
"Sinong gusto mong tawagan ko si thunder" sarkastikong saad nya
"Wala din namang saysay kung si thunder ang tatawagan mo...wala naman yung pakialam sa akin" ngumiti ako ng mapait
"Wala talaga syang puso..saan kaya sya nagmana..mababait naman ang mga magulang nya" sambit ni lean
***
Malapit na kami ni lean sa mansyon namin ni thunder..inihatid nya ako para daw masigurado nya na safe ako makauwi..kalalabas ko lang talaga galing ospitalNandito na kami sa tapat ng bahay kaya naman bumaba na ako
"Salamat sa paghatid lean..mag iingat ka pag uwi"
"Sige..lagi mong iingatan ang katawan mo at tawagan mo ako kapag may problema" wika nya
Tumango ako sa kanya kasabay ng pag alis ng kotse nya
Kamusta na kaya si thunder..nandito kaya sya
Binuksan ko na ang pintuan ng mansyon pero laking gulat ko ng bumugad sa akin si thunder na mukhang gailt na galit..anong ikinagagalit nya
"Saan ka galing?!!"
Hindi ako nakaimik dahil nakakatakot ang itsura nya
"Inuulit ko ang tanong saan ka galing?!!"
"S-sa bahay ng kaibigan ko" nauutal kong sambit..hindi ko pwedeng sabihin ang totoo
"Ilang araw kang nawala tapos sa bahay ka lang pala ng kaibigan mo!!sinungaling!!"sambit nya
"Nagtanong ka pero ayaw mong maniwala" sabi ko..
Tiningnan nya ako ng matalim dahil sa sinabi ko..bakit totoo naman ah
"Sagutin mo ako ng maayos!!"
Nag aalala ba sya sa akin kaya sya ganyan
"Eh ano namang pakialam mo kung saan ako galing!!wala ka namang pakialam diba!!maliban na lang kung nag aalala ka sa akin"
Hindi agad sya nakaimik sa sinabi ko pero kalaunan din ay nakabawi sya
"Sa tingin mo nag aalala talaga ako sayo!!tinanong kita kung saan ka galing kasi nagpunta ang mga magulang natin dito!!tinanong nila ako kung nasan ka pero wala akong masagot dahil hindi ko alam kung nasan ka!!hindi ako sayo nag aalala kundi sa yaman na meron ako!!baka isipin nila na wala akong kwentang asawa sayo at pagkatapos kukunin nila ang lahat ng meron ako!!tandaan mo mas mahalaga pa ang mga yaman ko kesa sayo!!lahat ng ginagawa mong pagkakamali apektado ako!!kaya sa susunod na aalis ka kung saan magpaalam ka sa akin o sa kahit sino para naman wala na akong problemahin pa!!"
Kaylan ba lalambot ang puso mo thunder para sa akin
Umasa na naman ako sa wala
Tama nga ang sabi nila wala ka talagang puso
Napakasakit mong magsalita thunder pero bakit mahal pa rin kita kahit ganun ka sa akin
Bakit hindi ba sya walang kwentang asawa sa lagay na yan
"Okay lang sa akin na isipin nilang wala kang kwentang asawa,totoo naman yun eh...at kailangan ko pa bang magpaalam sayo kung saan ako pupunta..bakit nagpapaalam ka ba sakin kapag umaalis ka??hindi naman diba!.."pagkatapos kong sabihin yun sa kanya ay umalis na ako sa harap nya para umakyat sa taas
Naiwan syang nakatayo lang dun..bahala sya dyan
BINABASA MO ANG
A broken Wife
RomanceIm sick of CRYING Tired of TRYING Yeah I'm SMILING But Inside I'm DYING