Chapter 2

3.4K 63 1
                                    

Hating gabi na pero wala pa rin si thunder..nasan na ba sya?..san ba sya nagpunta?..kanina pa ako naghihintay dito sa kanya..baka kung ano na ang nangyari sa kanya

*after a few hours

"Maam nandito na po si sir" tiningnan ko si manang at sa likod nya ay si thunder akay akay ng driver namin..naglasing ba sya..pero bakit?..

Nilapitan ko si thunder at inalalayan

"Maaari na po kayong magpahinga..ako na pong bahala kay thunder" sabi ko sa kanila

"Oh sya sige iha" paalam nila

Inalalayan ko na si thunder paakyat

"Si-shino ka?"ako to si Ylrish Mitch Davis-Shin

"Bi-bitawan mo nga ako..ka-kaya kow to" sabay alis nya sa kamay ko..kaya naman natumba sya..di ko na yun kasalanan

"Oh ano akala ko ba kaya mo..bakit natumba ka" nilapitan ko sya at inalalayang tumayo..nagsimula na ulit kaming maglakad sa hagdan

Parang mas gusto ko na lang na lasing sya palagi para naman di nya ako masigawan at di laging galit

At sa wakas nakarating na rin kami sa kwarto nya

Binitawan ko na sya at agad naman syang dumiretso sa kama

Paano ko sya mapapalitan ng damit..dapat pala nagpatulong muna ako sa driver namin sa pagpapalit ng damit nito..ano ang gagawin ko..

Kinuha ko yung pamalit nya at nilapitan sya..bigla naman syang nagmulat ng mata

"Si-shino k-ka ba ta-talaga?"ulit nya sa tanong nya kanina

Napabuntong hininga na lang ako

"Ako si ylrish..na napangasawa mo..ang asawa mo sa papel..ang nagdadala lagi ng problema sayo..ang dahilan ng pagkainitin mo ng ulo..walang kwenta para sayo..ako si ylrish ang taong kinamumuhian mo.."

"Wa-wala akong kil-kilalang yl-ylrish"bigla na lamang nya akong hinila at pumaibabaw sya sa akin..teka..anong gagawin nya..palapit ng palapit ang mukha nya sa akin..konti na lang ang pagitan naming dalawa naming dalawa pero bigla ko syang tinulak sa tabi ko..

Pumikit ulit ang mata nya para matulog

"Mahal kita" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya..pero nakapikit naman sya..biglang bumilis ang tibok ng puso ko..anong ibig sabihin ng sinabi nya..

"Mahal kita..mahal na mahal kita...alexis" a-ano..sinong alexis..ba-bakit ganito..bakit ang sakit umasa...parang biglang kumirot ang puso ko..nanlumo ako sa narinig ko..kailan ba darating ang panahon na sasaya ako..bakit puro lungkot na lang ang nadarama ko

Ramdam kong may namumuong luha sa mata ko.

"Bakit ganito thunder?bakit ang sakit sakit..pero kahit anong nadarama kong sakit,kahit ilang beses na akong nasasaktan pero hindi pa rin ako sumusuko..sabi ko nga diba kahit ilang beses mo pa akong itaboy ito pa rin ako lapit ng lapit sayo"hinahayaan ko lang tumulo ang luha ko..kailan ba darating ang araw na hindi na ako iiyak pa

"Ginagawa ko Lahat thunder para sayo..hindi ako nakinig sa kuya ko para lang sayo..tinitiis ko lahat ng mga sakit kahit na hirap na hirap na ako..pero kahit kailan hindi ko naramdaman na may pakialam ka sa nararamdaman ko...pero sabagay sino nga ba naman ako para sayo..kasunduan lang naman to ng mga magulang natin..akala ng lahat pareho tayong may ayaw sa gusto ng mga magulang natin..pero thunder ikaw lang ang may ayaw nito..kasi ako gusto ko...kaya ayokong sumuko sayo thunder..ka-kasi mahal kita thunder..mahal na mahal kita pero hindi mo nararamdaman yun"

Siguro kaya hindi mo maramdaman kasi nga may mahal ka..at masakit sa akin yun kasi hindi ako ang taong yun..may iba ng nagmamay ari ng puso mo

***
"Good Morning Thunder"kakababa nya lang galing sa taas

Dire-diretso lang sya at umupo

"Kumain ka na thunder niluto ko yang mga yan para sayo"

Gumising ako ng maaga para ipagluto sya at ipaghanda ng pagkain

"Hindi na lang ako kakain" pagkatapos nyang sabihin yun gamit ang malamig na boses ay agad syang tumayo pero hinawakan ko ang kamay nya para pigilan

"Sige na naman oh..alam kong gutom ka na..wala din naman sina manang para ipagluto ka..kaya kainin mo na to..kahit ngayon lang" pamimilit ko

Bumuntong hininga sya bago sumagot

"Kakain ako pero bitawan mo ang kamay ko" seryoso pa din ang mukha nya..kahit kailan hindi ko sya nakitang ngumiti o tumawa..lagi na lang syang seryoso

Agad ko namang binitawan ang kamay nya..sa wakas pumayag din sya

Himala at napapayag ko sya..dati kasi kahit sa pagsabay ng pagkain sa akin hindi nya magawa..

Umupo ulit sya para kumain

Tinitingnan ko lang sya hanggang sa sumubo na sya ng pagkain

"Okay lang ba ang luto ko?"tanong ko

"....." Hindi sya sumagot bagkus ay ipinagpatuloy ang pagkain

Siguro naman nagustuhan nya ang luto ko hindi naman sya nagreklamo eh

Naisipan kong magtanong sa kanya kahit masakit

"Uhmm..thunder sino nga pala si alexis?"

Bigla syang tumigil sa pagkain at napansin kong kumuyom ang kamao nya..bakit may nasabi ba akong masama

"Nabanggit mo kasi sya kagabi" patuloy ko

"Sino ba s-"

"STOP!!"nagulat ako sa sigaw nya

"May pro-"

"Can you please shut up!!"

Ano ba talagang meron sya at ganyan ang reaksyon mo

"Gus-"

"Tumigil ka na!!wag na wag mo nang babanggitin pa ang pangalan ng babaeng yun!!ayoko nang maririnig pa ang pangalan nun at ang tungkol sa kanya!!dahil sya lang naman ang babaeng sumira sa buhay ko at dahilan kung bakit ako ganito!!!kaya kapag inulit mo pa ang tungkol sa kanya baka masaktan na kita!!"galit na sigaw nya at padabog na umalis..nabunggo pa nya ang balikat ko

Bakit thunder ano ba ang meron sya?ano bang ginawa nya sayo para magkaganyan ka?sya ba ang dahilan kaya wala akong makitang kasiyahan sa mukha mo?..

Pero mas masakit sa akin na magagawa mo akong saktan dahil lang sa kanya

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon