Chapter 21

3K 47 1
                                    


"Oh..pagkain nyo" sabay abot sa amin ng tauhan ni tyler ng pagkain

"Hindi namin kakakainin ang pagkain ng mga hayop!"madiing sabi ni lean

"Bahala kayo kung ayaw nyo!bahala kayo dyang magutom"aalis na sana ito ng pigilan ko sya

"Wait lang kuya!kakain po namin yan..pero paano namin yan makakain kung nakatali ang mga kamay namin?"

Tiningnan ako ni lean ng 'seryoso ka ba dyan look'..nginitian ko na lamang sya

Napakamot na lang ng ulo ang tauhan ni tyler

At maya maya pa ay lumapit sa akin upang tanggalin ang tali sa mga kamay ko..sumunod naman ay kay lean

"Salamat po" pagpapasalamat ko at pekeng ngumiti..hindi kumilos itong lalaki at nanatili lamang nakatayo

"Pwede po bang lumabas muna kayo dito..hindi po kasi kami makakakain ng maayos kung may nakatingin sa amin"pakiusap ko

"Basta bilisan nyong kumain dyan"sabi nito at lumabas na

"Kakainin ba talaga natin ito?ayokong kumain ng pagkain na galing kay tyler"nakasimangot na sambit ni lean

"Bahala ka kung kakainin mo o hindi..may kailangan lang akong gawin"

Sana nadala ko ang cellphone ko..dali dali kong kinapa ang bulsa ko kung may cellphone nga

At buti naman at nadala ko..swerte ko at hindi pa lowbat

Pero sino ang pwede kong tawagan..nakitako sa contact numbers ko ang pangalan ni thunder..nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ko ba sya o hindi

Bahala na..kailangan namin ng tulong ngayon

Mga ilang beses nagring bago sya makasagot

["Whos this?"]sabi ni thunder sa kabilang linya

["T-thunder si ylrish ito..gusto ko sanang humingi ng tulong sa iyo-"]mahinang sabi ko baka kasi marinig ng nagbabantay sa amin sa labas...pero pinutol lang ni thunder ang sasabihin ko

"Wala akong panahon para makapag usap sa isang katulad mo..napakarami kong ginagawa"

"Alam kong marami kang ginagawa pero kailangan na kailangan namin ng tulong ngayon..nanganganib ang buhay namin ni lean thunder"

"I dont care kung nanganganib ang buhay nyo..maghanap na lang kayo ng taong makatutulong sa inyo"mukhang wala na talagang pag asa..kahit anong pagpapakiusap ko kay thunder wala pa ring napapala

Bigla na lang inagaw ni lean ang cellphone ko

"Hoy thunder!wala ka ba talagang awa sa amin?..kapag namatay ako habang buhay kang makokonsensya at hindi lang yun mumultuhin pa kita..kaya kung magbago ang isip mo na tulungan kami..nandito kami sa isang abandonadong gusali malapit lang sa tinitirahan-" bigla na lang may umagaw ng cellphone mula kay lean at hinagis ito sa kung saan

"Hihingi kayo ng tulong?!kanino sa isang pipitsuging tao?!sinasabi ko sa inyo walang makakaligtas sa inyo mula sa akin!"madiing sabi ni tyler sabay tulak sa noo ni lean gamit ang daliri

"Pakawalan mo na kami tyler..maawa ka na sa amin" pagmamakaawa ko

"Hindi uso sa akin ang salitang awa"

***
*bang*bang

Nakarinig kami ni lean ng putok mula sa labas

"Anong nangyayari?"tila natataranta kong tanong

"Napasok tayo ng mga pulis!"rinig naming sigaw mula sa labas

Pulis?maliligtas na ba kami

Sunod sunod na putukan ang naririnig namin sa labas

Maya maya pa may ilang pulis na pumasok dito kung saan kami nila kinulong..pinosasan nila ang mga tauhan ni tyler na nasa loob ng kwartong ito at pagkatapos ay kinalagan na kami

"Maraming salamat po"pagpapasalamat ko sa mga ito

Dinala kami ng isang pulis palabas..medyo nakakalayo na rin kami sa pinagkulungan sa amin..napasigaw na lang ako ng biglang nabaril ang kasama naming pulis

Si tyler ang bumaril..

"Akala nyo ba makakatakas na kayo sa akin huh?!hinding hindi kayo makakatakas!hindi ko hahayaan na makatakas kayo!"mabilis syang lumapit sa amin

"Ikaw na ang bahala sa isang ito"utos ni tyler sa kasama nyang tauhan sabay turo kay lean

"Bitawan mo ako!"sigaw ni lean sa may hawak sa kanya

"Bitawan mo ako tyler!"hawak nya ako ngayon sa leeg gamit ang kanyang braso

"Ibaba nyo ang mga baril nyo!kung hindi papasabugin ko ang ulo ng babaeng ito!"sigaw nya sa mga kapulisan..habang nakatutok sa ulo ko ang hawak nyang baril

Napatigil naman ang ilang kapulisan at tila hindi nila alam kung ibababa ba nila o hindi

"Sige!iputok mo yan sa ulo nya!"nagulat ako sa kung sino ang dumating..thunder dumating ka..pero mas ikinabigla ko ang sinabi nya..hahayaan nya talaga akong mamatay..wala talaga syang pakialam

At mukhang pati si tyler ay nagulat sa sinabi ni thunder

"Bakit hindi mo magawa?alam mo dahil sa ginagawa mong yan!ipinapakita mo lang sa lahat na duwag ka!napakalaki mong duwag!"sigaw ni thunder kay tyler

Ano bang ginagawa ni thunder?baka mapahamak sya sa mga sinasabi nya

"Pwede bang tumahimik ka!baka gusto mong ikaw ang unahin kong patayin!"sigaw din ni tyler

Nakatuon ang atensyon ni tyler kay thunder kaya naman tinadyakan ko sya sabay kagat sa braso nya..napabitaw sa akin si tyler dahil sa sakit..doon ako kumawala sa kanya

Mabilis akong napatakbo sa kinaroroonan nila thunder..salamat at ligtas si lean

Pagkarating ko sa kanila kasabay naman noon ang isang nakakabinging putok ng baril..ang tinuring ko ng kaibigan ko noon ay nakikita ko na lamang ngayon na nakahandusay na sa lapag habang punong puno ng dugo..tyler..

Gustuhin ko mang lumapit sa kinaroroonan ni tyler pero hindi nila ako pinapalapit kasi delikado pa daw..

Akala ko tapos na ang kaguluhan..akala ko hindi na makakalaban pa si tyler dahil nabaril na sya ng mga kapulisan pero nanigas na lamang ako sa aking kinatatayuan..at napaluhod na lamang ako sa aking nasaksihan habang tulala sa nangyari..kasabay nito ang muling pagtulo ng mga luha ko

Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakayakap sa katawan ni thunder na naliligo sa sarili nyang mga dugo..sana panaginip lang ang lahat ng ito..kasi gusto ko ng magising sa isang napakalaking bangongot..

"T-thunder"tila nanghihina kong sambit 

Bakit si thunder pa?bakit hindi na lang ako?sana ako na lang ang nasa posisyon mo thunder..sana ako na lang ang binaril ni tyler at hindi ikaw..

Nararamdaman kong sumasakit na naman ang dibdib ko..hanggang sa unti unti na lamang pumipikit ang aking mga mata at hindi ko na alam ang nangyari..

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon