Chapter 18

2.7K 43 0
                                        

Nagmadali na agad akong pumasok sa loob ng building dahil late na ako..tinanghali kasi ako ng gising

"Nalate ka ata ylrish?"tanong ni carlos

"Tinanghali lang ng gising"sagot ko

Dumating bigla si sir chavez

"Nakahanda ka na ba ylrish?"tanong nya sa akin

"Saan po sir?"balik na tanong ko rin

"Ngayon ang simula ng photoshoot mo..kaya ayusin mo na ang sarili mo"

Ngayon ba yun?akala ko mamaya pa

Mabilis ko namang inayos ang mga gamit ko

Sa 5th floor lang naman ang set namin kaya mabilis kaming nakarating

"Ang init ng ulo nya kanina dahil wala ka pa..kanina pa sya naghihintay dito" sabi ni sir chavez

When we arrived at the studio..lahat nagkakagulo at hindi alam ang gagawin..may iba pang nagpapanic

"Siya na po ba yung aayusan namin?"tanong ng isa sa mga make up artists

"Oo..pakiayusan na sya..baka lalo pang magalit si thunder pag hindi pa kayo nagmadali"sambit ni sir chavez

Lumapit naman sila sa akin upang ayusan na ako

Nilagyan lang nila ako ng kaunting make up sa mukha..kinulot nila ang ilang bahagi ng magkabilang buhok ko atsaka nakapony tail

Nilabas na nila ang imomodel kong gown..napanganga na lang ako sa hanga sa gown na ito..

"Bagay na bagay talaga yan sayo ylrish..isuot mo na"

Nagulat ako sa taong nagsalita..si sir chavez lang pala..

"Thank you po"pumasok na ako sa isa sa mga dresseng room doon

***
Lumabas na ako sa dressing room habang suot na ang wedding gown

Pagkalabas ko lang ay nakaset na lahat..at nakaayos na din..pero bakit parang nagkakagulo pa rin sila

Nakita ko si thunder na parang sinapian na naman ng pagkademonyohan nya

"Gumawa kayo ng paraan!hindi pwedeng ganito na lang!"bulyaw ni thunder sa mga nandito sa loob

"Ni-contact na po namin lahat ng mga model sir..pero wala po talaga..may mga schedule din po sila ngayon" paliwanag ng staff

Model?marami ba ang kailangang model?

"Shit naman oh!bakit ngayon pa sya nagkasakit kung kailan naman kailangan sya!"nagaalburutong sigaw ni thunder

"Relax ka lang dyan thunder..magagawan natin yan ng paraan" pagpapakalma ni sir chavez..kakapasok nya lang sa loob

"Paano ako kakalma kung puro problema na lang ang meron sa araw na ito huh?!"sigaw ni thunder habang hinihilot ang sintido nya

"Bakit mainit na naman po ang ulo ni thunder sir chavez?"tanong ko kay sir 

"Ohh..i forgot to tell you na its a pair photoshoot..syempre pag may bride dapat may groom din"oo nga noh..hindi ko agad naisip yun..wedding gown nga pala ang imomodel ko..kaya dapat may kapartner ako sa photoshoot na ito

"At kaya mainit ang ulo ni thunder kasi yung magiging partner mo sa photoshoot ay nagkasakit at nasa ospital ngayon kaya hindi makakapunta..at hindi namin alam kung saan kami hahanap ng papalit sa kanya"paliwanag ni sir chavez

Tiningnan ko si thunder at halatang problemado sya

Nagulat ako ng bigla na lang hinawakan ni sir chavez ang magkabila kong balikat habang nakangiti

"Isa na lang ang paraan para matapos na ito"nakangiti nyang sambit

"Ano po iyon sir?"tanong ko

"Tutal mag asawa naman kayo ni thunder..hindi ka naman siguro maiilang kung si thunder na lang ang kapair mo diba?"nanlaki ang mata ko sa sinabi ni sir chavez..akala ko pa naman maayos yung naisip nyang paraan..mukhang hindi yun magandang paraan..pero may parte sa akin na sumang ayon na lamang sa sinabi ni sir chavez..ewan ko..naguguluhan ako

"Ikaw lang ang makakasagot sa problema mo thunder" biglang sambit ni sir chavez kay thunder

"What do you mean?!"nakakunot noong tanong ni thunder

"Kung ikaw na lang kaya ang pumalit kay mark..wala namang problema diba? asawa mo naman sya.."

"What?!no!"sigaw ni thunder sabay tayo

Sumang ayon naman ang iba sa naging idea ni sir chavez

Magsasalita pa sana ulit si thunder ng inunahan sya ni sir chavez

"Pakiayusan na sya..bilisan nyo"utos ni sir chavez sa mga nag aayos

Magrereklamo pa sana si thunder pero nilapitan na sya ng mga mag aayos sa kanya

***
"Lets start this" dinala na kami ni sir chavez sa isang plain white set

"Bagay na bagay po kayong dalawa"sambit ng photographer

"Pwede bang umpisahan na natin toh" maawtoridad na sabi ni thunder

"Ylrish sit down on thunder's lap and just keep on posing" utos ng photographer

Hindi ko alam kung gagawin ko ba o hindi..pero kailangan ko itong gawin para sa trabaho

Huminga ako malalim at unti unting umupo sa lap ni thunder

"Just look at each other at ipakita nyong mahal na mahal nyo ang isat isa" wika ng photoshoot director

Dahan dahan akong tumingin sa mga mata ni thunder..nararamdaman ko na ang malakas na tibok ng puso ko

Sobrang lapit na ng mga mukha namin

I stiffened when he move closer at halos mapaatras ako..pigil na pigil ang paghinga ko..napapikit na lamang ako dahil ayoko syang tingnan sa mukha

Patuloy pa rin sa pagta-take ng shot ang photographer

"One last shot"sambit ng photographer

"Pati ba naman boss mo nilandi mo na din..tsk..ibang klase ka din noh" napadilat ako dahil sa binulong ni thunder sa akin at iniwan nya na lamang akong nakatulala sa sinabi nya

"Perfect"nakangiting sigaw ng photoshoot director habang pumapalakpak pa..pero hindi ko na yun inintindi dahil lutang pa rin ako sa sinabi ni thunder

Ano ang ibig nyang sabihin?

Malandi ba talaga ang tingin nya sa akin?..

Kahit kailan hindi ako naging malandi at wala akong nilalandi..gusto kong ipamukha sa kanya yun

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon