Chapter 17

2.8K 43 0
                                    


["Hello ash?napatawag ka?"]tumawag sa akin si ash..may kailangan kaya to?

["Gusto sana kitang ayain kumain sa labas kung pwede lang naman sana"]wala namang masama kung papayag ako diba..lunch time na naman namin

["Oh sige"]pagpayag ko

["Talaga?hintayin mo ako dyan sa office nyo..susunduin kita..bye"]inayos ko na ang sarili ko

"Maam sabay ka na po sa aming kumain" aya sa akin ng mga kaofficemate ko

"Naku pasensya na..may kasabay na kasi akong kumain..pwede bang next time na lang?at huwag nyo na akong tawaging maam..ylrish na lang"

"Ganun po ba..sige po asahan ka po namin next time maa-..este ylrish"hindi pa sila sanay na tawagin akong ylrish

"Sige mauuna na ako sa inyo" paalam ko at mabilis na bumaba

Malayo pa lang nakita ko na si ash..teka ang bilis naman nya ata..

Lumapit sya dito sa pwesto ko

"Lets go"pag aya nya and he flashed a smile..tumango naman ako

Sabay na kaming pumunta sa kotse nya at tumunog na ito..pumasok naman kami agad

"Kamusta naman ang unang araw mo sa kompanya ni thunder?"tanong nya

"Maayos naman pero pagdating kay thunder hindi..mainit kasi ang ulo nya kanina kaya medyo nagkagulo sa opisina"

"Kaylan pa ba yun hindi uminit ang ulo..wag kang mag alala bibisita ako sa office nyo"

Mabilis kaming nakarating dahil wala namang traffic

"Bakit dito mo pa ako dinala?dun na lang tayo sa ibang reataurant..mamahalin pa naman ang mga pagkain dito"

"Wala sa akin yun..kaya tara na"

Pumili na kami ng mauupuan namin

Pumili na kami ng aming kakainin at sinabi ito sa waiter

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang order

Tahimik lamang kaming kumakain ni ash ng mapansin kong bigla syang napatigil sa pagkain at tinitigan ako..at inaamin kong nakakailang

"M-may problema ba ash?"naiilang kong sambit

"May ketchup ka sa gilid ng labi mo" turo nya sa gilid ng labi ko

Aalisin ko na sana ng bigla na lamang syang lumapit sa akin at inilapit ang daliri nya sa gilid ng labi ko

"Ayan wala na" sambit nya

"Salamat" pagsalamat ko

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko hanggang sa matapos kami

***
"Ang pogi ng naghatid sa iyo ylrish ha..pero parang namumukhaan ko sya"

"Boyfriend mo ba iyon?"

"Hindi nya yun boyfriend..baka kaibigan nya lang yun..kita nyo namang may asawa na si maam ylrish diba..si sir thunder"

"Eh ano naman kung may asawa na si maam ylrish at si sir pa..walang kaso yun..nambababae din naman si sir thunder kaya dapat magkaboyfriend din si maam ylrish" sambit ng mga kaempleyado ko

Nakita kasi nila akong hinatid ni ash dito sa office kaya ganyan ang mga reakaiyon nila

At hindi pa rin talaga sanay ang iba na tawagin akong ylrish..may iba pa ring tumatawag ng maam

"Hindi ko boyfriend yung kasama ko kanina okay..si ash yun kaibigan ko at bestfriend ni thunder..at hindi porket nambababae si thunder ay ganun rin ang gagawin ko..hindi ko naman igagaya ang sarili ko sa kanya"paliwanag ko sa kanila

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon