*Kring *kring(ringtone kunyare sa cp)"Hi anak" bungad agad sa akin ni mommy sa tawag
"I miss you na mom"
"Ohh..miss na rin kita anak..dont worry magkikita na tayo bukas"wika ni mommy sa kabilang linya
Actually mga ilang days na rin ng makauwi sila dito galing sa u.s pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita
"Saan ka ba nagpunta kanina at wala ka dyan sa bahay nyo ni thunder?"
Kailangan ko na namang magsinungaing
"Nasa bahay po ako nina lean nun"pagsisinungaling ko
"Ahh..ganun ba akala namin kung ano na ang nangyari sayo hindi din kasi alam ni thunder kung nasan ka"
Naguguilty tuloy ako sa pagsisinungaling ko
"Bakit nga po pala pumunta kayo dito kanina?"
"Actually plano talaga namin ng mga magulang ni thunder na pumunta dyan kasi may sasabihin kami sa inyo pero wala ka naman dun kaya umalis din kami agad"
"Ano po ba yung sasabihin nyo mommy?"
"Bukas na lang namin sasabihin tutal babalik din naman kami bukas dyan"
"Sige po"
"Nga pala anak kumusta kayo ni thunder?"
"Ganun pa rin po..wala pa ring pinagbago"
"Wag kang magalala anak darating ang panahon na baka magbago ang pakikitungo nya sayo"
"Sana nga po"
"Anak tinatandaan mo ba ang bilin ko sayo?
"Oo naman po"
"Dapat lang anak..alagaan mong mabuti ang sarili mo dahil alam mo naman ang kondisyon mo diba?..hindi mo pwedeng pabayaan ang sarili mo"
"Alam ko po yun..nag iingat naman po ako"
"Oh sya ibababa ko na tong tawag"
"Okay po..bye mom i love you"
"I love you too anak"
Call ended
Someone's Pov:
Akala nyo tapos na ako sa inyo..nagkakamali kayo..uubusin ko kayong lahat,wala akong ititira kahit isa sa inyo..pasalamat kayo at binuhay ko pa kayo noon pero sa pagbabalik ko wala na kayong takas sa akin..lalong lalo ka na..naging miserable ang buhay ko ng dahil sa inyo..kaya magbabayad kayo sa ginawa nyo
Humanda ka dahil ipapadama ko ulit sayo ang kalupitan ko..gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang..maghintay ka lang..gusto muna kitang bigyan ng panahon para magsaya
Tandaan nyo malapit na ang pagbabalik ko
"Bakit kailangan mo pang bumalik sa pilipinas?"sabi ng taong kaharap ko
"Para pagbayarin sila..wala na silang takas ngayon"
"Walang magagawa ang paghihiganti mo..dahil simula pa lang kayo ng pamilya mo ang may kasalanan ng lahat..wag mo na silang guluhin pa..tahimik na ang buhay nila"
"Wala ka ng pakialam sa gusto ko!!kakampi ba talaga kita?!!"ayoko sa lahat ang tinatraydor ako
"Kakampihan lang kita kapag tama ang ginagawa mo...ang masasabi ko lang sayo napakababaw mo"sabay alis nya
Hinagis ko ang hawak kong wine glass dahil sa inis ko
***
Ylrish Pov:
BINABASA MO ANG
A broken Wife
RomanceIm sick of CRYING Tired of TRYING Yeah I'm SMILING But Inside I'm DYING