Chapter 7

2.7K 44 0
                                    


"Ang gwapo naman nya te"

"Ano kayang pangalan nya"

"Makalaglag panty te"

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyan ka gwapo"

"Kagwapo naman!"

Yan ang ilan sa mga bulungan ng mga kababaihan..o kung bulungan pa bang maitatawag..itong katabi ko lang naman ang pinag uusapan nila..kanina pa yan naiirita sa mga naririnig nya

Nandito kami ngayon sa bayan para dumalo sa kaarawan ng kumpare ng lolo ko

Parang isang buong barangay na ang imbitado dito..bongga daw eh..may sayawan daw mamaya..parang piyesta na rin ang ganap dito

"Sino kaya yung kasama nya?"

"Baka naman girlfriend nya yun..bagay din naman sila" asawa nya na po ako

"Hindi nya yan girlfriend..baka katulong nya lang yan"aba nga naman si ate..anong karapatan nyang sabihan akong katulong..mas mukha pa syang katulong

"Lapitan kaya natin si kuyang gwapo"

Habang palapit sila dito sa pwesto namin ay para na silang kiti-kiti dahil sa kilig

"Hi kuya" pacute na sabi ng isa kay thunder

Hindi ito pinansin ni thunder

"Kuya ano pong pangalan nyo?"tanong ng isa

Binalingan nya ng tingin ang mga babaeng nasa harap namin..tapos tiningnan ang mga ito mula ulo hanggang paa kaya mas lalo silang kinilig dahil sa ginawa ni thunder

"Tsk..bitches" tapos ay inalis ang tingin sa mga ito..edi nalaman nyo kung ano ang ugali nitong lalaking ito

"Ano daw bes ang sabi ni kuyang gwapo?"

"Beach ang parinig ko eh..baka naghahanap sya ng dagat..diba meron naman dito sa ating lugar malapit lang naman"

Napakunot ang noo ko sa sinasabi nila..ano ang sinasabi nila?..

"Ahh..baka nga..pero ingles pala si kuyang gwapo..kayo na ang kumausap sa kanya..hindi pa ako handa para magingles..baka bumaha ng dugo dito" kahit nagbubulungan sila naririnig ko pa rin ang sinasabi nila

"Ako na ang kakausap top 1 naman ako sa school"pagmamayabang ng isa

May sapi ba itong mga to?..

"Top 1 ka nga..top 1 sa pinakamababa"

"Tse..uhmm..handsome who is you are name?"ano daw?wala akong naintindihan sa tinanong nya

Hindi ito pinansin ni thunder

"Hindi ka naman sinagot ni kuyang gwapo eh..hindi ka naman kasi magaling magingles..ako na nga lang..ku-"

"Ako na lang"

"Hindi ako na..pinakamagaling akong mag english"

"Wag na kayong mag away pa..ako na lang..alam nyo namang best in english ako"

"Final na ito..ako na ang kakausap kay kuyang gwapo..kuya wh-"

"Stop!!youre so irritating!!"dahil sa sigaw na iyon ni thunder mukhang natakot ang mga babaeng ito at dali daling tumakbo..may iba pang napatingin sa banda namin dahil sa nangyari

"Dapat hindi mo na sila sinigawan pa thunder mukhang natakot tuloy" wika ko sa kanya

"Bakit ka ba nakikialam?!sila naman ang may kasalanan kung bakit ko ginawa yun!kaya tama lang yun sa kanila!"naiiritang qsigaw nya

"Pero dapat hindi mo na sila sinigawan pa..mukhang mga bata pa yung mga yun"

"Bata pa ba sila sa ginagawa nilang yun!.."

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya..problema na naman nya yun..bakit pa nga ba ako nangingialam..

"May problema po ba dito?"isang babaeng kasing edad lang namin ang lumapit sa amin at tinanong yun

"Wala naman..bakit?"tanong ko

"Nakita ko po kasi kayo na parang nagsisigawan kaya naman lumapit po ako dito" paliwanag ng babae

"Ahh ganun ba" tumango tango kong sabi

"Tagadito po ba kayo sa bayan?"

"Hindi..nagbabakasyon lang kami dito" wika ko

"Kaya po pala parang ngayon ko lang kayo nakita dito..ano nga po pala ang pangalan nyo?"

"Ako si ylrish" pakilala ko..mukhang ang katabi ko ay wala namang balak magpakilala kaya ako na lang ang nagpakilala

"At ito naman si thunder..ikaw anong pangalan mo?"

"Ako nga po pala si alexis" teka alexis?..diba yun yung binanggit na pangalan ni thunder nung nalasing sya

Tiningnan ko ang reaksiyon ni thunder..at mukhang nabigla sya sa narinig nya

"What?!"gulat na tanong ni thunder

"Ako po si alexis..bakit po ganyan ang reaksiyon nyo?"

Hindi ko rin alam kung bakit ganyan ang reaksiyon ni thunder..ito bang nasa harap namin ngayon na si alexis ay si alexis na binanggit ni thunder nung sya ay nalasing?

"Umalis ka na sa harapan namin..baka kung ano pa ang magawa ko sayo!"

Bakit ka ganyan thunder?..nalaman mo lang na alexis ang pangalan nya nag iba ang reaksiyon mo

"Huh?may nasabi po ba akong masama?"naguguluhang tanong ni alexis

"Pasensya ka na sa kasama ko alexis ha..sandali lang at kakausapin ko lang sya"

Tumango naman si alexis at pagkatapos ay hinila ko si thunder sa kung saan

"Ano bang meron sa kanya thunder at ganun ang asta mo sa kanya?"

"Wala ka ng pakialam dun!"aalis na dapat sya pero pinigilan ko sya

"Sya ba yung tinutukoy mo na mahal mo nung nalasing ka?"may bahagi sa akin na gustong malaman ang totoo pero may parte din na parang ayaw ko..pero kahit masakit gusto kong malaman kung sino si alexis sa buhay nya

"Hindi sya yun!!at diba sinabi ko na sayo na na huwag mo nang babanggitin pa ang pangalan nya!!ayoko ng marinig pa yun!!"

"Kaya ba ganun ang reaksiyon mo nung nalaman mong alexis ang pangalan nung babae kanina kasi ayaw mong marinig pa ang pangalan na alexis?"

Hindi sya nakaimik sa sinabi ko..so ibig sabihin totoo nga..

"Sana hindi mo na ginanun pa si alexis..wala naman syang kasalanan sayo..at hindi naman nya kasalanan na alexis ang naibigay sa kanyang pangalan"

"Wag mo akong turuan sa dapat na gawin ko!bakit sino ka ba?!ano ba kita?!hindi naman kita magulang para turuan ako!"

"Oo..hindi ako ang mga magulang mo para turuan ka sa dapat mong gawin pero thunder asawa mo ako"

"Oo!asawa kita!!pero tandaan mo na arranged marriage lang ito!!yun lang ang papel mo sa akin!kaya wala kang karapatan sa akin!!"dinuro pa nya ako habang sinasabi yun..hindi mo alam thunder pero ang sakit ng ginagawa mo sa akin..

"Alam ko thunder"tanging sambit ko

Gusto ko lang malaman kong sino si alexis?

"Pero sino ba talaga si alexis?"tanong ko

"Bakit ba napakapakialamera mo!?sinabi ko na diba na wag mo ng babanggitin pa ang pangalang yun!marunong ka naman sanang umintindi!"dahil sa galit nya kaya naman pagkaalis nya ay nadali nya ako kaya naman unti unti akong natumba sa lupa..pero pinabayaan nya lang ako..

Kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan ng ganito..walang ibang may kasalanan kundi ako..

"Ate ylrish okay ka lang ba?"dumating si alexis at nag aalalang tiningnan ako..tinulungan nya akong makatayo

"Ano bang nangyari sayo ate ylrish?"tanong sa akin ni alexis

"Wala to..nadapa lang ako"

"Ahh..ganun ba nasan nga pala si kuya thunder?"

"Nauna na syang umalis..pasensya na nga pala sa ginawa ni thunder kanina"

"Okay lang po iyon" bakit parang nadismaya sya ng nalaman nyang wala na dito si thunder..

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon