Chapter 14

2.6K 43 0
                                    

Naninikip ang dibdib ko..ang sakit..umaatake na naman ang sakit ko

Hindi ako makahinga..i need an air

"Tu-tulong" nanghihina kong sambit..hirap na hirap na akong huminga

"Iha!ylrish!okay ka lang ba?dadalhin na kita sa ospital"natatarantang tanong ni manang

"Hi-hindi na!wag m-mo na po akong dalhin sa ospital manang..ku-kunin mo na lang po a-ang gamot ko s-sa kwarto" nahihirapang sambit ko

Mabilis namang tumungo si manang papunta sa kwarto

Ayoko nang bumalik sa ospital..nung bata ako pabalik balik na lang ako dun..nakakasawa na

"Ito na ang gamot mo iha" dali dali ko iyong ininom

Medyo nakaginhawa na ako ng maluwag

"Dadalhin na kita sa kwarto mo iha" inalalayan nya akong makatayo para pumunta na sa kwarto

"Gusto mo bang tawagan ko si lean upang ipaalam ang kalagayan mo?"tanong sa akin ni manang..tumango na lamang ako

Matapos nyang tawagan ay umupo si manang sa kama

"Maayos na ba ang kalagayan mo iha?"tanong ni manang

"Opo..salamat po" ngumiti na lamang si manang bilang sagot

"Diba sinabi na sayo ng doctor iha na bawal sayo ang makaramdam ng sobra sobrang emosyon..makakasama yun sayo iha..alam mo namang may sakit ka sa puso diba?..kaya dapat iwasan mo yung mga ipinagbabawal sayo.."wika ni manang

Too much pain will kill me..

"Pero hanggang kailan po ba ako magtitiis?..hanggang kailan po ba mawawala ang sakit kong ito?"nawawalan na ako ng pag asa na gumaling pa ako

"Wag kang mawalan ng pag asa iha..darating ang araw na gagaling ka..may awa ang diyos..magtiwala ka lang sa diyos" sambit ni manang

Ngumiti na lamang ako kay manang bilang tugon

"Ano nga palang nangyari kanina iha bakit nang madatnan kita parang takot na takot ka?"

"Wala pong nangyari..bigla na lang po talagang sumakit ang dibdib ko at natatakot po ako nun na baka ano po ang mangyari sa akin" paliwanag ko..kailangan ko na munang magsinungaling kay manang..baka sumama pa ang loob nya kay thunder

Napalingon kami sa may pinto ng bumukas ito..nandito na pala si lean

"Anong nangyari sayo bes?"mabilis nya akong nilapitan at tinanong

"Umatake na naman kasi ang sakit nya lean" si manang na ang sumagot para sa akin

"Oh sya bababa na muna ako..tawagin nyo lang ako pag may kailangan kayo" paalam ni manang

"Sige po"

Nang makaalis na si manang ay nagsimula ng magsalita si lean

"Bakit hindi ka pa pumayag na dalhin ka na lang sa ospital ni manang?"tanong ni lean

"Babalik na naman ako sa ospital ganun?"

"Babalik ka talaga kung hindi ka makikinig sa amin..mas mabuti sigurong umiwas ka na muna kay thunder..puro sakit na ang naidulot nya sayo..kaya umaatake ang sakit mo eh"

"Isipin mo rin naman sana ylrish na may iniinda kang sakit"patuloy pa nya

Siguro tama nga sila..

Baka dahil sa pagmamahal ko kay thunder ito mismong nararamdaman ko ang makapatay sa akin

"Naging makasarili na ba ako lean?dahil sa pagmamahal ko kay thunder nakalimutan ko na lahat" mahinang sambit ko

"Malaki talaga ang nagagawa ng pagmamahal" tanging sambit nya

Thunder Pov:

Bakit ganito?parang kakaiba ang naramdaman ko kanina

Nakokonsensya ba ako sa ginawa ko sa kanya?..

Hindi..hindi ito konsensya..nararapat lang yun sa kanya..siguro naman nagtanda na sya sa ginawa ko

Pinark ko na ang sasakyan ko at pumasok sa isang bar..naging tambayan ko na rin to

Sinalubong na agad ako ni bianca at pumulupot sa mga braso ko..she's one of my flings

Hinalikan nya ako ng mariin so i just go with the flow..i didn't mind the people around us..may sarili din naman silang mundo

"Thunder"napatigil kami at napalingon ako sa tumawag sa akin

"Ash?"what is he doing here?

"Miss me bro?"

Binalingan ko na muna ang babaeng to

"You can go now" sambit ko kay bianca..sumunod naman sya sa sinabi ko

"Doon tayo sa labas mag usap" sambit ko kay ash at nauna ng lumabas

"Hindi ko akalain na ganung eksena ang madadatnan ko kanina" seryoso nyang sambit

"Ano namang pakialam mo dun?"

"I care for ylrish bro..you know how much i care for her"

"Tell me ash..are you inlove with ylrish?"ngayon ko lang ito tinanong sa kanya

Mukhang hindi na sya nabigla sa tanong ko..tsk..

"Yes..im inlove with her..but sadly hindi ako ang mahal nya"one sided love..at sino naman yung tinutukoy nya na ibang mahal ni ylrish..and why am i thinking this..

"Anyway..what are you doing here?i thought you will stay there in france for good?"i asked

"I changed my mind bro..bumalik ako para sa kanya..para protektahan sya laban sayo"masama ba akong tao para kailangan pa nyang protektahan si ylrish laban sa akin

Ano kayang pinakain ni ylrish kay ash at nagkaganito na lang sya?..mas inaalala pa nya si ylrish kaysa sa bestfriend nya..tsk..magsama sila

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon