Lumipas ang ilang mga araw at nanatiling comatose pa rin si thunder..hanggat hindi pa sya nagigising ay mananatiling delikado ang lagay nito
Sa mga araw na iyon walang ibang inisip si ylrish kundi si thunder lamang..halos araw araw na itong nasa tabi ni thunder..nagdadasal na sana magising na ito
Kasalukuyang nakahawak ang kamay ni ylrish sa kamay ni thunder..umaasa na naman syang magigising na ito
"Fight thunder..please fight..lumaban ka kahit para na lang sa pamilya mo..marami kaming naghihintay na magising ka"maluha luhang sambit ni ylrish
"Im sorry thunder..im sorry kung nalagay ka sa sitwasyong ito..dahil sa akin nadamay ka pa..dahil sa akin nanganganib ang buhay mo ngayon..sana hindi na lang kita pinapunta sa lugar na iyon edi sana wala ka dito sa ospital..dapat ako yung nakahiga dyan at hindi ikaw..ako na lang sana ang naghihirap ngayon.."
"Ang hirap thunder..napakahirap na makita ka sa ganyang sitwasyon..lalo na ang mga magulang mo nahihirapan din sila sa kalagayan mo..yung mommy mo halos araw araw na lang nahihimatay at umiiyak..gumising ka naman thunder oh.."
***
Dahan dahang nagmulat ng mata si thunder..matagal nyang tinitigan ang puting kisame..nasaan sya ngayon?buhay pa ba sya?inikot nya ang kanyang paningin sa paligid..nasa isang silid sya..unti unti syang nakakakita ng liwanag ngunit may nakikita syang mga bagay..nasa isang ospital syaBumaba ang tingin nya sa kanyang kamay ng maramdaman nyang may nakahawak sa kanyang palad..nangunot ang noo nya ng makita si ylrish na nakasubsob ang mukha sa kama at natutulog..napatigil sandali si thunder at napatitig sa maamong mukha ni ylrish..tinitigan nyang mabuti ang mukha nito at tila kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha nito..napababa ang tingin ni thunder sa mapupulang labi ni ylrish..pero biglang ipinikit ni thunder ang kanyang mga mata at inilig-ilig ang kanyang ulo na tila mali ang ginawa nyang pagtitig sa mukha nito
Sinubukan nyang igalaw ang kanyang daliri sa kamay at naigagalaw naman nya ito kaya't umamba syang aalisin ang kamay ni ylrish na nakahawak sa kanyang palad ngunit napatigil din sya ng iminulat ni ylrish ang mga mata nito at unti unting umangat ang mukha..pansin sa mukha ni ylrish ang gulat sa kanyang mukha at kinurap kurap ang kanyang mata upang alamin kung panaginip lang ba ito
"Thunder,you're awake!"
Dahil sa saya na nararamdaman ni ylrish kaya naman napayakap sya kay thunder
"A-aray"daing ni thunder dahil napahigpit ang yakap ni ylrish dito
"S-sorry..sandali tatawagin ko lang ang pamilya mo"natataranta nyang tinawagan ang mga pamilya ni thunder
Isa isa nang dumating ang mga malalapit na pamilya ni thunder kasama na dito ang pamilya din ni ylrish..unang una na pumasok sa loob ng kwarto ang ina ni thunder at mabilisan na nilapitan si thunder habang umiiyak dahil sa saya
"Salamat sa Diyos at gising ka na anak..hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong nagising ka na" maluha luhang sambit ng ina ni thunder
Tahimik na tinitigan ni thunder ang kanyang ina..pinagmasdan nya ang mga taong nasa loob at naglaan ng oras para bisitahin sya..batid nya ang kalungkutan sa pagaakalang maiiwan na nya ang pamilya nya
"Dont worry mom hindi na ulit manganganib ang buhay ko..nakikita nyo naman diba na im still alive..who said that im going to die?mahaba pa ang buhay ko mom"napangiti ang ina nito sa sinambit ng anak
***
Habang lumilipas ang mga araw..napapansin ni thunder ang halos araw araw na pamamalagi ni ylrish sa hospital..Naabutan ni ylrish si thunder na nahihirapang isubo ang pagkain habang papasok sya sa kwarto ng ospital
"Susubuan na lang kita thunder..mukhang nahihirapan ka dyan eh"
Napatigil si thunder sa pagsubo ng mapansin nya si ylrish at napaangat ang tingin
"Kaya ko na ito" maikling sambit ni thunder
"Kaya mo?pero base sa nakikita ko mukhang hindi mo kaya thunder"
"Magaling na ako..kaya ko na ang sarili ko"
Sumuko na lamang si ylrish sa pagpilit dito at umupo sa isang tabi
"Sorry nga pala thunder" panimula ni ylrish
Kunot noo ang ibinigay ni thunder kay ylrish
"For what?"
"Kasi ako ang may kasalanan kung bakit nandito ka ngayon sa hospital..kung bakit nanganib ang buhay mo"
"Okay" walang emosyong sambit ni thunder
Nag expect pa si ylrish na may idudugtong pa ito ngunit nagpatuloy lamang ito sa pagkain..kaya napayuko na lamang sya..namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto
"I have a question for you"napaangat ang tingin ni ylrish kay thunder dahil sa biglaang pagsasalita nito
"Ano iyon?"
"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito?why i have this feeling that you cared for me?sa kabila ng hindi magandang pagtrato ko sayo..why??"
Tila naestatwa si ylrish sa kanyang kinauupuan dahil sa tanong ni thunder..hindi nya aakalaing ito ang itatanong sa kanya..para kay thunder isa lamang itong simpleng tanong ngunit para sa kanya isa itong nakakakabang tanong
Lumipas na ang isang minuto ngunit wala pa ring lumalabas na sagot mula sa bibig ni ylrish
"Kasi..."mahal kita..yan ang nasa isip ni ylrish
Hindi nya maituloy tuloy ang sasabihin nya..hindi pa sya handang sabihin ang salitang mahal kita kay thunder dahil hindi pa sya handa sa anumang mangyayari..at lalong wala syang lakas ng loob para sabihin ito..natatakot sya sa maaaring isagot ni thunder kapag sinabi nya agad ang nararamdaman nya
"Nevermind that question"
BINABASA MO ANG
A broken Wife
RomanceIm sick of CRYING Tired of TRYING Yeah I'm SMILING But Inside I'm DYING