Chapter 9

2.4K 44 0
                                    


*Present Day

Ylrish Pov:

Umalis ka nun thunder ng walang paalam tapos ngayong nakita na kita parang wala lang sayo ang lahat..ibang iba ka na ngayon..ibang iba sa nakilala kong thunder noon..bakit nakalimutan mo na ang mga alaalang yun..

Hindi pa rin ako umaalis dito sa casa paraiso..bago kami umalis gusto ko muna itong masilayan kahit sa huling sandali

Dumidilim na ang kalangitan,hudyat na ito ng malakas na pag ulan

May tumulo ng tubig sa mukha ko pero kahit na ganun hindi pa rin ako kumikilos pauwi

Napapaisip rin ako minsan,naisip kaya nyang bumalik dito sa lugar na ito para lang balikan ako?..pero parang napakaimposibledahil parang hindi na sya yung kababata ko noon..

Lumalakas na ang ulan at heto pa rin ako hindi kumikilos

"Ineng sumilong ka munasa banda dun..baka magkasakit ka nyan"lumapit sa akin ang isang matanda at may dalang payong

"Hindi na po..dito lang po ako" pagtanggi ko

"Baka ano pa ang mangyari sayo dyan..tara na dun"

Pero umiling iling lamang ako kaya wala na syang nagawa pa

*****
"Thunder"banggit ko..natatanaw ko syang palapit dito sa pwesto ko

Anong ginagawa nya dito?..paano nya nalaman na nandito ako?..

"Ylrish!"nakalapit na ito sa akin

Basang basa na ako ngayon sa ulan..hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong umalis sa pwesto ko

"Bakit ka ba nagpapakabasa?!"

"A-anong ginagawa mo dito?"tanong ko

"Edi para sunduin ka!ano pa ba!?hindi mo ba alam na nag aalala na ang lolo mo sayo!!kanina ka pa nya hinahanap!!"malakas na sigaw nya dahil lumalakas na ang ulan

Lolo ko lang pala ang nag aalala sa akin..akala ko pa naman nag aalala ka rin sa akin kaya nandito ka..hindi pala..umasa na naman ako..

"Bakit alam mong nandito ako?"tanong ko..baka naman naaalala na nya yung dati

"May nakakita daw sayo na nagpunta ka dito kaya naman dito ako pumunta!ano ba wag ka ng magtanong pa!!lumalakas na ang ulan!!pati ako nababasa na rin ng dahil sayo!"

"Akala ko ba hindi ka pa nakakapunta dito pero bakit alam mo ang lugar na ito?!nagsinungaling ka lang ba sa akin?!"akala ko pa naman totoo na nakalimutan na nya talaga na magkababata kami

"Umuwi na nga tayo!" yaya nya tapos ay hinila nya ako..parang kinakaladkad nya na rin ako..ang higpit ng pagkakahawak nya

"Ano ba thunder nasasaktan ako!"hindi ko mabawi ang kamay ko mula sa kanya

Parang wala syang naririnig dahil patuloy pa rin sya sa paghila

"Thunder ano ba!bakit hindi mo masagot ang tanong ko huh?!bakit kasi totoo?!pero ano ang dahilan thunder!?ganun mo ba ako kaayaw kaya itinatanggi mo ako!"bakit ganyan ka thunder..

Tumigil sya sa paghila at hinarap ako

"Bakit ba ipinagpipilitan mo yang sinasabi mo?!hindi ko nga alam yang mga pinagsasabi mo!"

Nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko..

"Sinungaling ka!nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka nagsasabi ng totoo!"

"Kung ayaw mong maniwala huwag!ano ba talaga uuwi ka o hindi!?kasi sa totoo lang pwede na naman akong umuwi at maiwan ka na lang dyan!kaya lang ako ang inasahan ng lolo mo na hanapin ka!!kaya pwede ba umuwi na tayo!"ang sama sama mo thunder..makakaya mo talaga akong iwanan

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi ang totoo thunder!simple lang naman yun.."tumulo na ang mga luha ko..hindi naman ito mahahalata ni thunder dahil umuulan naman

"Yan ba talaga ang gusto mong malaman!!oh edi sige!natatandaan ko pa na magkababata tayo!nung bata ako nakapunta na ako dito!pero napakatagal na nun ylrish kaya dapat na iyong kalimutan!!ngayong nalaman mo na umuwi na tayo!"ang sakit..parang hindi na kakayanin pa ng katawan ko..

"Bakit ba ang dali lang sayo na kalimutan yun thunder?bakit?"

"Diba sinabi ko na nga na ang mga walang kwentang bagay para sa akin ay kinakalimutan ko na!!bakit ba napakaimportante sayo yun?!"kaya pala kinalimutan mo na lang kasi wala akong kwenta..wala talaga akong kwenta para sayo thunder..napakat*nga ko talaga..ngayon alam ko na

"Dahil kaibigan kita noon eh..tapos umalis ka lang ng walang paalam.." at mahal din kita..gusto ko sanang idugtong pero hindi pa ito ang tamang panahon

"Pinilit mo lang naman ako na maging kaibigan diba?!ikaw lang naman ang nagiisip na magkaibigan tayo!kaya bakit pa ako magpapaalam sayo..sayang lang ang oras" malinaw na sa akin ngayon thunder..ayoko nang makarinig pa ng mga masasakit na salita mula sayo

Nauna na akong maglakad sa kanya dahil hindi ko na kaya..patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko..pinapahirapan ko lang ang sarili ko..baka dahil sa ginagawa kong ito bumigay ang katawan ko

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon