Chapter 12

2.4K 47 1
                                    

Nandito ako ngayon sa labas ng kompanya nila thunder

Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito

At kung tinatanong nyo kung anong ginagawa ko dito ay hindi ko rin alam

Pagkatapos ng nangyari kahapon naisip ko na lang na parang gusto kong pumunta dito sa kompanya

Parang may gusto akong malaman..pero ano naman yun?

Pumasok na ako sa elevator papunta sa floor kung saan ang opisina ni thunder

*after a few minutes

*ting*

Tumungo na ako sa opisina nya

Bumabati sa akin ang lahat ng mga empleyado tuwing dumadaan ako sa tapat nila..ginagantihan ko na lamang sila ng ngiti..alam nila na asawa ako ni thunder kaya ganun na lamang ang trato nila sa akin

"Maam" bati sa akin ng secretary ni thunder sabay yuko

"Ano pong ginagawa nyo dito?"tanong nya sa akin

"Bakit bawal na ba ako dito?"biro ko

"Hindi po!"mabilis na sagot nya

"Ngayon na lang po kasi kayo nakabisita dito sa kompanya kaya nagtaka po ako"dugtong nya

"Pinuntahan ko lang talaga dito si thunder..nandyan ba sya sa loob?"tanong ko

"Ah opo nasa loob po sya" sagot nya

Bubuksan ko na sana ang pinto pero pinigilan nya ako

"Teka lang po!"pigil nya sa kamay ko dahil nga nakahawak na ako sa pinto

Nagtaka naman ako sa kanya

"Bakit anong problema?diba nandyan naman sya sa loob"

"Bilin po kasi ni sir thunder na wag daw po akong magpapasok..hindi rin po nya ako pinapapasok..wag daw po syang istorbohin eh" paliwanag nya

"Sandali lang din naman ako dito"

"Pero baka po mapagalitan ako ni sir pag nagpapasok ako"

"Promise sandali lang talaga ako..hindi ko naman sya iistorbohin sa kung ano man ang ginagawa nya" pagpilit ko

Mukhang wala na syang magagawa pa kaya naman binuksan na nya ang pinto para sa akin

"Salamat" pasasalamat ko

Nagtungo na ako sa loob kaya lang laking gulat ko sa nadatnan ko

Bakit ganito?araw araw na lang ba akong masasaktan ng ganito

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano maghalikan ang dalawa..nakakandong pa sa hita ni thunder ang babae..

Akala ko yun na ang huling beses na makikita kong may kasamang babae si thunder pero mali ako..maling mali..mas malala pa pala ang nakikita ko ngayon kaysa sa kahapon

Hindi nila ako napapansin..paano nga ba nila ako mapapansin kung busy nga sila..

Kaya bago pa nila ako makita tumalikod na ako para umalis

Kusa na lamang tumulo ang mga luha ko..iiyak na naman ako ng dahil sa kanya..

"Maam ano pong nangyari sa inyo?bakit po kayo umiiyak?"tanong sa akin ng secretary..hindi na ako nakasagot pa at tumakbo na lamang..parang any time bibigay na ang katawan ko

Alam kong hindi pa ito ang huling beses na iiyak ako ng dahil sa kanya..may karapatan naman ako na umiyak ng dahil sa kanya diba?..

Ganito ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal..nasasaktan ka na nga ayaw mo pang bumitaw..t*nga nga talaga ako

Napapatingin na ang ibang mga empleyado sa akin..

Nakalabas na ako ng building pero dahil sa pagmamadali ko may nabunggo ako

"Sorry"hinging paumanhin ko..nanatili lamang akong nakatayo dito at nakayuko..habang umiiyak pa rin..

"Ylrish?"nagsalita yung lalaking nabunggo ko..at bakit alam nya ang pangalan ko?..

Tumunghay na ako para makita ang mukha nitong lalaki

"A-ashter?"

"Okay ka lang ba ylrish?Bakit ganyan ang itsura mo ylrish?bakit ka umiiyak?"sunod sunod na tanong nya..kita ko ang pag aalala sa mukha nya

"S-sinungaling na b-ba ako ash k-kung sasabihin kung o-okay lang ako*sob*"

"Dahil ba ito kay thunder kaya ka nagkakaganyan?umiiyak ka na naman ng dahil sa kanya.."

"Masama na b-bang umiyak*sob*ng dahil sa kanya?..m-masam na bang u-umiyak ang t-taong*sob*nasasaktan?..masama na ba yun?.."

"Oo..masama ylrish..masama ang umiyak ng dahil lang kay thunder..wag mong sayangin ang mga luha mo ng dahil lang sa kanya..ayokong umiyak ka dahil nasasaktan ka..masakit din para sa akin yun"

Mas lumapit pa sya sa akin at pinunasan ang mga luha ko..

"S-salamat ash at d-dumating ka..kailangan na kailangan ko n-ng masasandalan ngayon"sambit ko at pagkatapos ay niyakap nya ako

"Tahan ka na..alam mo namang ayokong nakikita kitang umiiyak.."

Salamat ash at bumalik ka..ikaw lang ang tanging masasandalan ko..kahit na bestfriend mo si thunder ako pa rin ang inaalala mo..

"Ano bang mali sa akin ash?bakit ayaw na ayaw sa akin ni thunder?bakit lagi n-na lang a-akong n-nasasaktan ng ganito n-ng dahil sa kanya?.."hindi ko mapigilan ang pag iyak tuwing naaalala ko yung kanina

"Walang mali sayo..sadyang t*nga lang talaga si thunder para hindi makita ang halaga mo" nanatili pa rin syang nakayakap sa akin para icomfort ako

Hindi lang si thunder dito ang t*nga..kasi ako din naman..t*nga ako kasi nagmahal ako ng taong hindi ako kayang mahalin

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon