Chapter 13

2.5K 47 0
                                    


"Ayos ka na ba?"tanong sa akin ni ash

"Ayos na ako ash..salamat" matipid akong ngumiti

Dinala ako ni ash dito sa isang park

At kung tinatanong nyo kung sino ba talaga si ash..sya lang naman si ashter dale curter..ang bestfriend ni thunder

"Bakit nga pala umuwi ka dito sa pililinas ash?diba nandoon ang pamilya mo?"pagtatanong ko

Nasa france naninirahan ang pamilya ni ash pero dito sya nag aral noon..hindi ko nga alam kung bakit biglaan ang pag alis nya matapos ang kasal namin ni thunder..at ngayon na lang ulit sya bumalik dito matapos yun

Naging malapit na kaibigan ko na rin si ash dahil nga bestfriend sya ni thunder

"Bakit ayaw mo na ba akong makita?"

"Hindi naman..pero.."

"Bumalik talaga ako dito para sa isang business at syempre para makita ka ulit..namiss rin naman kita..alam ko namang kailangan mo ako ngayon" nakangiti nyang sambit

Napangiti naman ako sa sinabi nya

"Bakit ka ba ganyan sa akin ash?palagay ko mas mahalaga pa ata ako sayo kesa kay thunder.."paano ko ba sya masusuklian sa mabubuting ginagawa nya sa akin

Tanging ngiti na lamang ang sagot nya

"Kumusta naman ang buhay mo sa france?"tanong ko

"Okay lang naman ako dun..eh ikaw?kamusta naman kayo ni thunder?"

"Uhmm..alam mo naman ang sagot ash.."

"Ahh..hmm..ayos lang ba kung ikwento mo ang nangyari kanina kung bakit ka umiiyak.."sambit nya

Siguro mas maganda kung may mapagsasabihan ako ng nangyari

***
Naikwento ko na sa kanya ang nangyari at sa itsura nya ay mukhang handa na syang manuntok

"He's an asshole!..napakagago nya para paiyakin ka!"

"Wag na muna nating isipin pa yun" tanging sambit ko

Siguro kailangan ko talagang tanggapin ang katotohanan..na ganun nga si thunder..pero hanggang kailan sya ganun

"May gusto sana akong malaman ash.."paninimula ko

Tanging si ash na lang ang pag asa ko para malaman ang totoo..pero sana alam nya

"Ano naman yun?mukhang seryoso ka ah"sambit nya

"Sino si alexis sa buhay ni thunder?"seryoso kong tanong

Mukhang nagulat sya sa tanong ko..maaari ngang may alam sya

"H-huh?hindi ko alam..hindi ko naman yun kilala"hindi ako naniniwala..base pa lang sa reaksiyon nya mukhang nagsisinungaling sya

"Alam kong may alam ka ash..kaya sabihin mo na sa akin"pamimilit ko

"Pero kasi ylrish.."hindi nya matapos tapos na salita

"Ano bang dahilan bakit ayaw mong sabihin sa akin?tinatanong ko lang naman kung sino sya.."

Bumuntong hininga sya

"Pero hindi dapat ako ang tinatanong mo nyan ylrish..dapat si thunder mismo"

"Sinubukan ko na yun..pero wala..walang nangyari"sambit ko

"Gustuhin ko mang sabihin sayo pero wala ako sa pwesto para sabihin yun sayo" sambit nya

"Naiintindihan ko..mabuti pa umuwi na lang tayo"nanlulumong sambit ko

*****
Matapos akong maihatid ni ash ay dumiretso na ako sa loob

Papunta na sana ako sa may kusina ng may narinig akong kumalabog..mas binilisan ko pa ang paglalakad papuntang kusina..dahil mukhang nasa kusina nanggaling ang kalabog na yun

Wag naman sanang magnanakaw..

"Ma-" naputol ang pagsasalita ko ng iba ang nadatnan ko

Pati ba naman dito?..hindi pa ba tapos ang nangyari kanina..may part 2 pa ba talaga..

Nabitin ba sila sa ginawa nila kanina sa opisina kaya dito naman nila ipinagpatuloy

Hindi pa sila nahiya dito pa talaga sa kusina..

Aaminin ko masakit..parang matutumba na ako dito sa kinatatayuan ko..pero pilit kong tinatatagan ang loob ko..at kahit hindi ko kaya kailangan kong tanggapin ang katotohanan

Kailangan kong maging malakas sa harap nila..ayokong magmukhang kawawa

"Napasarap ata kayo at hindi nyo ako napapansin..nice.."pagputol ko sa ginagawa nila

Napatigil naman ang dalawa sa ginagawa nila at napatingin sa akin

Kaya ko itong panindigan..

"What are you doing here ylrish?!can't you see that we are busy?!"bulyaw nya sa akin

Masama naman ang tingin nitong babae sa akin

"Wala na ba akong karapatan na pumunta dito..bahay ko rin naman to ah..wag mong sabihin na pati ito ipinagdadamot mo pa.."seryoso kong sabi

"Lumayas ka na nga dito!istorbo ka eh!katulong ka lang naman buti pa maglinis ka na lang dyan!"mataray na sabi ng babae

Nakakainit ng ulo tong babaeng to ah..sarap sapakin..anong karapatan nyang sabihan akong katulong ni thunder

"Sa ating dalawa ikaw ang dapat na umalis!fyi baka hindi mo alam dito ako nakatira!eh ikaw ano ka?isang pokpok?!"madiing sabi ko

Anong akala nya magpapatalo na lang ako sa isang kagaya nya

Mukhang nainis naman itong babae at handa na nya akong sugurin pero pinigilan sya ni thunder at hinarap ang babae

"Umalis ka na" maowtoridad na sabi ni thunder

Mukhang nagulat naman ang babae

"What?!but-"

"Alis!!"sigaw nya sa babae at mukhang natakot ang babae sa sigaw ni thunder kaya naman dali dali na itong umalis..pagdaannya sa harap ko ay tinarayan nya ako

Bumaling naman ang tingin sa akin ni thunder

Mabilis nya akong hinablot at kinaladkad pataas..at masakit yung pagkakahawak nya sa akin

"T-teka thunder..nasasaktan ako"pigil ko

"Masasaktan ka talaga dahil dyan sa ginawa mo!"

"Thunder ano ba!!"pilit kong binabawi ang braso ko mula sa kanya

Parang anytime maiiyak na ako dahil sa sakit ng pagkakahila nya sa akin

"Please thunder"pagmamakaawa ko

"Pag hindi ka pa tumahimik mas lalo ka pang masasaktan!"banta nya

Tinulak nya ako sa isang pader at hinarang ang dalawang kamay dahilan para hindi ako makawala mula sa kanya

Pilit nyang inilalapit ang sarili nya sa akin..hanggang sa unti unti nya akong hinahalikan ng marahas..pilit akong lumalaban mula sa kanya

"Please thunder..maawa ka" pakiusap ko..doon na kusang tumulo ang mga luha ko..nawawalan na ako ng lakas na lumaban

Please..wag..

Napatigil naman si thunder sa ginagawa nya sa akin at dali daling umalis habang ako naman ay naiwang umiiyak

Bakit nagawa mo sa akin yun thunder?..

Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang nangyari..dahil sa ginawa sa akin ni thunder bumabalik sa alaala ko ang masalimuot kong nakaraan..ang nakaraan na pilit ko ng kinalimutan

Pilit kong kinakalma ang sarili ko..

Nanginginig na ako sa takot ngayon habang nakaupo sa isang sulok

"Ahhhh!!!!"napasigaw na lang ako sa takot..ayoko na..ayoko ng maalala pa yun..ka ugali mo lang pala sya thunder..wala kayong pinagkaiba..

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon