"Bakit?bakit bumalik ka pa?"sambit ni leanNatulala na lamang ako dito..hindi kayang maproseso ng utak ko ang mga pangyayari..ang pagbalik ni tyler
"Akala ko pa naman namiss nyo ako..pero di bale na lang kasi ako..namiss ko kayo..miss ko nang ipatikim sa inyo kung gaano ako kalupit"
"At tinatanong nyo kung bakit ako bumalik?simple lang naman..para maghigante sa inyo!naisip ko na mas mabuting kayo na lang dalawa ang patayin ko kaysa sa isama ko pa ang pamilya nyo..dalawang buhay ang nawala sa akin kaya dalawang buhay din ang kapalit"madiin nyang sambit
Baliw ka na tyler..
"Hindi namin kasalanan ang lahat tyler!sadyang makitid lang talaga ang utak mo at binibintang sa amin ang lahat!"sigaw ni lean dito
"Tumahimik ka!"galit na bumaling si tyler kay lean at mabilis na tinutukan ng baril
"Please tyler..ibaba mo ang baril" pakiusap ko kay tyler
"Mas maganda siguro kung magkekwento na lang ako sa inyo..diba mas maganda yun?"
Kumuha sya ng upuan at umupo doon
"Once upon a time..may tatlong magkaibigan..sina lean,ylrish,at tyler..magkakaibigan din ang mga magulang nila..at hindi lang yun..magbusiness partner pa sila..ang saya diba?"
Totoo yung sinasabi nya..kaibigan talaga namin sya noo..pati ang mga magulang nya..pero nagbago din yun
"Pero may nangyaring gulo..may nagnanakaw pala sa kompanya ng mga magulang ni ylrish..at alam nyo kung sino ang pinagbintangan?ang tatay lang naman ni tyler..pinagbintangan nila itong sya ang kumuha ng pera sa kompanya kahit na wala silang ebidensya..ang sama nila diba?wala silang kasing sama"dugtong pa nya
Kasinungalingan ang mga sinasabi nya..alam na alam ng lahat na yung tatay nya mismo ang nagnanakaw sa kompanya ng magulang ko..ang tatay nya mismo ang umamin sa lahat na sya nga ang kumukuha ng pera sa kompanya..at ang matindi sinabi nyang nakipagkaibigan lang daw sya sa mga magulang namin para makuha ang loob ng mga ito..para mapasakanya ang kompanya..pero kahit na ganun hindi nila pinakulong ang tatay ni tyler..kasi kahit na ni-traydor sila nito hindi pa rin mawala sa isipan nila na naging kaibigan nila ang tatay ni tyler..sakim ang tatay nya sa pera..traydor..pareho lang silang masama
"Dumating ang araw na nalulugi na ang kompanya ng mga magulang ni tyler..humingi ng tulong ang tatay ni tyler sa mga magulang ni lean at ylrish..pero wala man lang silang ginawa..pinabayaan lang nilang bumagsak ang kompanya nito..pero hindi pa pala dun nagtatapos ang problema ng pamilya nina tyler..dahil sa hindi matanggap ng nanay ni tyler ang pagbagsak ng kompanya kaya't inatake sya sa puso..yun ang naging resulta ng pagkamatay ng nanay ni tyler.."halata sa boses ni tyler ang sakit,lungkot at galit..
Nabuhay sya sa isang kasinungalingan..sa kasinungalingan ng tatay nya
Nung humingi ng tulong ang pamilya ni tyler sa pamilya namin ni lean..hindi sila nagdalawang isip na tulungan ang mga ito..binigyan nila ng malaking halaga ang pamilya nina tyler para makabangon muli ang kanilang kompanya..pero pinangsugal lang ito ng tatay nya..kaya tuluyan ng bumagsak ang kompanya nila..sa amin nila sinisisi ang pagkamatay ng nanay ni tyler..pilit naming ipinapaintindi ni lean kay tyler ang katotohanan..pero ayaw nyang makinig sa amin noon
"Dahil sa nangyari kaya gumawa sila ng plano..ang maghigante..pero hindi sa mga magulang nito..kundi sa mga anak nila"patuloy pa nya
Kinidnap nila kami noon..kasama ko sina lean at kuya tristan..at dinala sa isang abandonadong pabrika..gumawa kami ng paraan para makatakas sa kanila pero nahuhuli pa rin kami
Hanggang isang araw nagising na lang ako na pinagtatangkaan na nila akong gahasain..ang tatay ni tyler at mismong si tyler..hindi ko akalain na kayang gawin yun sa akin ni tyler..at hindi ko alam kung saan nila dinala ang kuya ko at si lean noon..pinagpupunit nila ang suot ko..takot na takot ako nun..walang tigil na ako sa kakaiyak nun..sigaw na ako ng sigaw..hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakbo..kaya hindi na ako nagaksaya pa ng panahon at tumakbo na nun..wala na akong pakialam noon kahit pa punit punit na yung suot ko
Pero hindi ako nagtagumpay..kasi nahuli rin nila ulit ako..
"Pero nabalewala ang paghihigante namin kasi namatay ang tatay ko!at alam mo ba kung sino ang pumatay?!ikaw!ikaw ang pumatay sa tatay ko!"galit na sigaw nya sa akin habang dinuduro ako gamit ang baril
Napahagulhol na lamang ako dahil sa sinabi nya..
Oo..napatay ko nga ang tatay nya..pero hindi ko naman yun sinasadya..
Nag aagawan ang tatay ni tyler at si kuya ng baril nun..hanggang sa may narinig na lang kaming putok ng baril..at nakita ko na lamang ang kuya ko na nakahandusay na sa lapag..pinangunahan ako ng galit nun kaya naman hindi ko na alam ang ginagawa ko nun..tumakbo na lamang ako sa isang tauhan nila at inagaw ang baril nya..at itinutok ko ito sa tatay ni tyler sabay ipinutok ang baril..huli na nang mapagtanto ko ang nagawa ko noon..nakita ko na lamang ang tatay nya na nababalot na ng dugo
Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari noon..
"Hindi kasalanan ni ylrish kaya namatay ang tatay mo tyler!kayo!kayo lang ang may kasalanan ng lahat!kung hindi sana nagtraydor ang tatay mo sa mga magulang namin hindi sana mangyayari ang lahat ng yun!kayo ng tatay mo ang masama!"sigaw ni lean kay tyler
"Walang kasalanan ang tatay ko!wala!"madiin nyang sambit at mabilis na lumabas ng pinto
"Wala kang kasalanan ylrish..wag mong isipin yung sinabi ni tyler.."pagpapakalma sa akin ni lean kahit na nakatali sya sa upuan
Naiintindihan ko si tyler..masakit ang mawalan ng mga magulang..pero hindi mawala sa isip ko na pinagtangkaan nya akong gahasain noon..tinuring ko syang kaibigan pero bakit nya ako pinagtangkaang gahasain noon..bumabaliklahat ng sakit sa akin..hindi lang naman si tyler ang nasaktan noon..ako din naman..
BINABASA MO ANG
A broken Wife
RomanceIm sick of CRYING Tired of TRYING Yeah I'm SMILING But Inside I'm DYING