Chapter 3

3.2K 58 2
                                    

"Good Morning Thunder"kakababa nya lang galing sa taas

Dire-diretso lang sya at umupo

"Kumain ka na thunder niluto ko yang mga yan para sayo"

Gumising ako ng maaga para ipagluto sya at ipaghanda ng pagkain

"Hindi na lang ako kakain" pagkatapos nyang sabihin yun gamit ang malamig na boses ay agad syang tumayo pero hinawakan ko ang kamay nya para pigilan

"Sige na naman oh..alam kong gutom ka na..wala din naman sina manang para ipagluto ka..kaya kainin mo na to..kahit ngayon lang" pamimilit ko

Bumuntong hininga sya bago sumagot

"Kakain ako pero bitawan mo ang kamay ko" seryoso pa din ang mukha nya..kahit kailan hindi ko sya nakitang ngumiti o tumawa..lagi na lang syang seryoso

Agad ko namang binitawan ang kamay nya..sa wakas pumayag din sya

Himala at napapayag ko sya..dati kasi kahit sa pagsabay ng pagkain sa akin hindi nya magawa..

Umupo ulit sya para kumain

Tinitingnan ko lang sya hanggang sa sumubo na sya ng pagkain

"Okay lang ba ang luto ko?"tanong ko

"....." Hindi sya sumagot bagkus ay ipinagpatuloy ang pagkain

Siguro naman nagustuhan nya ang luto ko hindi naman sya nagreklamo eh

Naisipan kong magtanong sa kanya kahit masakit

"Uhmm..thunder sino nga pala si alexis?"

Bigla syang tumigil sa pagkain at napansin kong kumuyom ang kamao nya..bakit may nasabi ba akong masama

"Nabanggit mo kasi sya kagabi" patuloy ko

"Sino ba s-"

"STOP!!"nagulat ako sa sigaw nya

"May pro-"

"Can you please shut up!!"

Ano ba talagang meron sya at ganyan ang reaksyon mo

"Gus-"

"Tumigil ka na!!wag na wag mo nang babanggitin pa ang pangalan ng babaeng yun!!ayoko nang maririnig pa ang pangalan nun at ang tungkol sa kanya!!dahil sya lang naman ang babaeng sumira sa buhay ko at dahilan kung bakit ako ganito!!!kaya kapag inulit mo pa ang tungkol sa kanya baka masaktan na kita!!"galit na sigaw nya at padabog na umalis..nabunggo pa nya ang balikat ko

Bakit thunder ano ba ang meron sya?ano bang ginawa nya sayo para magkaganyan ka?sya ba ang dahilan kaya wala akong makitang kasiyahan sa mukha mo?..

Pero mas masakit sa akin na magagawa mo akong saktan dahil lang sa kanya

***

"May bisita po kayo ma'am..nasa baba po sya"

"Sino daw sya?"

"Lean daw po"

"Ahh sige po..pakisabi susunod ako"

Tumango sya at bumaba na

Si Leana Kylie Santos ang bestfriend ko since elementary

Bumaba na ako para puntahan sya..may kailangan na naman siguro ito

Sinalubong nya ako ng yakap at nakipagbeso-beso

"Hi mitchy" bati nya sa akin

"Tsk..maupo nga muna tayo"

"Ano namang ginagawa mo dito?"tanong ko

"Ayaw mo ba akong makita..aalis na lang ako" kunwaring nagtatampong wika nya at tumayo

"Wag ka ngang magdrama" sabi ko sa kanya at hinila sya para umupo

"Kinakamusta ang kalagayan mo"

"Ayos lang naman"

"At kailan ka pa naging maayos" nakapamewang na saad nya

"Alam mo naman pala bakit mo pa tinanong" pagtataray ko sa kanya

"Nandyan ba ang asawa mong demonyo?"tanong nya..si thunder ba ang pinunta nya dito o ako..demonyo daw si thunder

"Kaaalis lang nya"bigla akong nalungkot ng maalala ko yung nangyari kanina

Sumeryoso naman ang mukha ni lean

"Ylrish kung nahihirapan ka na sa kanya sumuko ka na lang...makipaghiwalay ka na lang sa kanya"

Umiling ako sa sinabi nya

"Ang alam ng pamilya ni thunder na wala kaming problema sa isat isa..at akala nila nagkakamabutihan na kami..kaya hindi ko pwedeng gawin yun"

"Sila ba talaga ang dahilan o ikaw ang may ayaw?"

Hindi ako sumagot sa tanong nya

"Okay lang sa akin kahit ilang beses akong masaktan ng dahil sa kanya..ang importante sa akin ay kasama ko sya kahit na ayaw nya sa akin..ganun ko sya kamahal"

"Mahal mo sya pero mahal ka ba nya.."alam kong hindi nya ako mahal dahil may iba syang mahal

Hindi agad ako nakaimik

"Wag na kayong mag alala pa dahil.."wika ko

"Dahil ano?"nagtataka nyang tanong

"Dahil baka darating din ang araw na kailangan ko nang sumuko sa kanya.."wika ko

Hindi ko kasi masisigurado na habang buhay na habang buhay na lang akong ganito

"Alam mo ylrish nalulungkot din ako tuwing nakikita kitang malungkot..kaibigan kita eh..dadamayan ka sa lahat ng problema..kung ano ang problema mo problema ko na rin...matagal na rin simula ng makita kitang naging masaya"

"Sana bumalik na yung dating ylrish" dugtong nya

"Hindi naman nawala ang dating ylrish..ako pa rin naman ito lean.."

"Hindi ikaw ang dating ylrish..ang dating ylrish yung walang pinoproblema..walang iniindang sakit..yung normal lang ang buhay..namimiss ko na rin ang masayahin nyang mukha" nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya

"Pakiusap..wag nyo na akong alalahanin pa..kaya ko ang sarili ko"

Dahil hindi ko kakayanin na nakikita kayong nahihirapan ng dahil sa akin

Ayokong nakikita kayong malungkot dahil masakit para sa akin yun

Pero salamat dahil nandyan lang kayo sa tabi ko para damayan ako 

"Hindi namin magagawang hindi magalala sayo..kahit anong mangyari nandito lang kami palagi..ang kuya mo,ako,at ang mga pamilya mo.."

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon