Chapter 19

2.7K 38 0
                                        


"Nagtext na po ba o tumawag sa inyo si lean?"tanong ko sa mga kasambahay nina lean

"Hindi pa nga po eh..kanina pa po namin sya kino-contact pero wala pa rin po"paliwanag ng katulong

Hating gabi na pero wala pa rin si lean..hindi rin namin sya macontact

Nasan ka na ba lean?

Sumasakit na naman..unti unti akong napapaupo

"Okay lang po ba kayo maam?"nagsilapitan sila sa akin

"Okay lang ako..pagod lang siguro ito"

"Magpahinga na lang po kayo maam..kami na pong bahala dito"sambit ng katulong

Inalalayan ako ng isang katulong patungo sa itaas

Humiga na muna ako sa kama para magpahinga

Sinusubukan ko mang makatulog pero hindi ko kaya..parang may pumipigil

Pinikit ko ulit ang mga mata ko

Bigla na lamang akong napadilat ng tumunog ang aking cellphone sa tabi ng kama..

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag..bahagya namang napakunot ang noo ko

Sino naman kaya ito?hindi naman nakarehistro ang number ng tumatawag sa aking contact number..

["Hello?"]sambit ko..pero wala namang sumasagot

Nakailang segundo na ang nakalipas pero wala pa ring nagsasalita..inulit ko ulit ang pagbati pero wala pa ring tumutugon sa kabilang linya..

Napagdesisyunan ko na lamang na ibaba ang tawag..baka naman nagkamali lang yun ng tinawagan

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga

Mga ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng may tumawag na naman..tiningnan ko ang tumatawag at ito pa rin yung numero na tumawag kanina

["Hello?sino ito?"]

Hanggang ngayon hindi pa rin ito sumasagot..ibababa ko na sana ang tawag ng may sumagot sa kabilang linya

["Kung gusto mo pang makitang buhay ang kaibigan mo makipagkita ka sa akin"]sabi sa kabilang linya

Huh?si lean ba ang tinutukoy nya?..pero hindi ko dapat sya basta bastang paniwalaan..paano pag ginogood time lang ako nito

["Kung nangtitrip ka lang naman pwede bang wag mo na akong idamay pa"]sabi ko

["Kung ayaw mong maniwala sa akin wala na akong magagawa pa..buhay ng kaibigan mo ang nakasalalay dito ylrish"]sa tono ng pananalita nya parang may pagbabanta na..at yun ang ikinabahala ko

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi..at bakit nya ako kilala..wala naman akong naaalalang tao na may galit sa amin ni lean..

Sino ka ba talaga?

Posible kayang hawak nya si lean..

["Paano ka nakakasigurado na nasa iyo nga ang kaibigan ko?"]paninigurado kong tanong

["Wala akong sapat na dahilan para masiguradong hawak ko nga ang kaibigan mo..pero maniwala ka sa akin nagsasabi ako ng totoo..kung ayaw mong maniwala magsisisi ka"]sabi sa kabilang linya

["Kung gusto mo pang makita ang kaibigan mo makipagkita ka sa akin bukas sa********* at gusto ko mag isa ka lang na pupunta sa sinabi kong lugar"]dagdag pa nya at ibinaba ang tawag

Malapit lang dito yung lugar na sinabi nya

Nagsimula na akong mangamba dahil sa sinabi nung lalaki..

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon