Third Person Pov:
Nagkakagulo ang lahat..napapaligiran ng ingay ang abandonadong gusali hanggang sa unti unti na lamang tumahimik ang buong paligid
Dinaluhan ng ilang mga kapulisan si thunder na nakahandusay sa lupa habang nababalot ng dugo ang kanyang katawan at wala silang tigil sa pagtawag sa kanyang pangalan..habang ang iba naman ay dinaluhan si ylrish na wala nang malay at tila nawawalan na ng kulay ang buong katawan
"TUMAWAG NA KAYO NG AMBULASYA!"sigaw ni lean na tila natataranta habang nakahawak kay ylrish
Maya maya pa nilapitan nya si thunder
"Ngayon lang ako hihiling sayo thunder..nakikiusap ako lumaban ka para sa kaibigan ko.."sambit ni lean kay thunder..nagbabasakali syang baka marinig sya nito..kahit na ayaw ni lean kay thunder para kay ylrish dahil sa ugali nito ginawa nya pa rin ang makabubuti para sa kaibigan nya..dahil alam ni lean na kapag may mangyaring masama kay thunder baka mapalagay din sa panganib ang buhay ni ylrish..alam ni lean na dahil kay thunder kaya't lumalaban si ylrish sa kanyang sakit..
***
Kasalukuyang nakatutok sa laptop si ash habang inaasikaso ang tungkol sa kompanyaHinawakan nya ang tasa na may lamang kape at iinumin na nya sana ito ng bigla na lamang nya itong nabitawan dahil nagulat sya sa pagpasok ng katulong nya sa kanyang kwarto
"Shit"tanging sambit nya at nakatingin sa basag na tasa..hindi nya alam kung bakit sya kinabahan..na tila ba may masamang nangyari
"Naku sorry po sir..lilinisin ko na lang po yan mamaya" nakayukong paumanhin ng kanyang katulong
"Bakit ka ba pumasok ng hindi man lang kumatok?"tanong ni ash
"Ilang beses na po akong kumatok pero hindi naman po kayo sumasagot baka busy din po kayo kaya pumasok na po ako" paliwanag ng katulong
"Ano ba ang kailangan mo?"
"May tumatawag po kasi sa phone nyo" sagot nito sabay abot ng cellphone kay ash
Matapos lumabas ng katulong ay nag ring ang kanyang phone at bahagyang napakunot ang noo nya sa taong tumatawag
"Hello lean?"
"Nabaril si thunder..masama ang lagay nya habang inatake naman si ylrish ng sakit nya..nasa ambulansya sila ngayon at ililipat sa Gregory Hospital " tila nabingi si ash sa kanyang narinig mula kay lean at bahagyang namutla..naguumapaw ang kaba sa kanyang dibdib at tila nanginig
Mabilis syang nagtungo sa kanyang kotse at kinabig ang manibela..ubod ng bilis na pinatakbo nya ang kanyang sasakyan
Natatakot sya para sa dalawa..at oo..nag aalala din sya kay thunder..dahil kahit kailan naman bestfriend pa rin ang turing nya dito..kahit na malaki ang galit nya dahil sa ginagawa nito kay ylrish hindi pa rin naman nawawala sa isipan nya ang pagkakaibigan nilang dalawa..bakas sa mukha nito ang pag aalala at takot
Pagdating nya sa nasabing hospital ay wala pa rin ang ambulansya..sa entrance na sya naghintay..pabalik balik sya sa kanyang pwesto at hindi mawala wala ang kaba sa kanyang dibdib..lalo na at hindi nya alam ang nangyari kung bakit nahantong sa ganung kalagayan ang dalawa
"Nasan ang anak ko??"napalingon si ash sa pinanggalingan ng boses..at ito ay ang ina ni thunder na tila nanghihina na dahil sa pag iyak..kasama nito ang asawa nya at ang pamilya ni ylrish..nilapitan ni ash ang mga ito
"N-nasan sila ash?"tanong ng ina ni ylrish
"Papunta na po ang ambulansya dito..maghintay na lang po tayo"sambit ni ash
"Bakit nagawa ni tyler iyon?wala namang ginawang masama ang anak natin..sana ako na lang ang pinaghigantihan ni tyler tutal kasalanan ko naman kung bakit namatay ang kanyang magulang"sambit ng ama ni ylrish
"Wag mo nang isipin yun dad..wala kang kasalanan..walang may gusto nito"sambit ni tristan..kuya ni ylrish
Nagsitayuan silang lahat dahil dumating na ang ambulasya at ibinaba doon ang hinihigaang stretcher ni ylrish kasunod naman nito si thunder..agad na nagsilapitan ang mga doktor dito
Nilapitan ito ni ash at tumambad ang maputla nilang mukha..may nakatakip na oxygen sa bibig..habang kitang kita naman ang mga mantsa ng dugo ni thunder
"A-anak.."lumuluhang lumapit ang ina ni thunder habang tinitingnan ang kaawa awang mukha nito
"Ylrish" sambit ng kuya ni thunder habang nakatingin lamang sa walang malay na si ylrish
Patakbong tinulak ng mga nurse ang stretcher kaya sumunod naman ang mga ito
Kaba ang nararamdaman nila sa mga oras na iyon..nangangamba sila sa maaaring mangyari..at ang tangi lang nilang makakapitan ay ang panginoon..nagtitiwala sila sa diyos
***
Tila nakaginhawa sila ng maluwag dahil ayon sa doctor stable na daw ang kondisyon ni ylrish..pero hindi pa rin sila kampante dahil hanggang ngayon hindi pa rin ligtas si thunder..nanganganib pa rin ang buhay nya..pero may awa ang diyos..alam nilang hindi nito papabayaan si thunder..may tiwala din sila kay thunder..alam nilang patuloy itong lalaban..at pilit silang nagpapakatatagNasa hospital room ni ylrish ang pamilya nya..at nagbabasakali sila na sana ito na ang araw ng paggising nya
Natuon ang atensyon nilang lahat..agad na lumapit si ash para hawakan ang isang kamay nito habang magaan naman na niyakap ni lean si ylrish
Iginala ni ylrish ang kanyang paningin sa buong kwarto..bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata
"W-where's thunder?"tila nanghihinang tanong nito
Nilinga nya ang kanyang mga magulang,kuya nya,si ash at lean na tila naghahanap ng sagot sa katanungan nya..pero pare-pareho silang mga walang imik at tila mga nakayuko at hindi alam ang isasagot sa tanong ni ylrish
BINABASA MO ANG
A broken Wife
RomanceIm sick of CRYING Tired of TRYING Yeah I'm SMILING But Inside I'm DYING