Chapter 10

2.7K 51 0
                                    


"Kumusta ang bakasyon mo bes?"tanong sa akin ni lean..at oo nakauwi na kami galing probinsya..napaaga ang uwi namin dahil nga sa nangyari..

"Sa tingin ko hindi maganda ang nangyari..kwento mo naman" at dahil sa kakulitan nya napilitan akong ikwento ang buong pangyayari

Pagkatapos kong ikwento halos sumabog na sya dahil sa galit

"Walang hiya talaga ang hayop na yun!..balang araw kakarmahin din sya!..at pag nangyari na yun araw araw akong magpapa party.."nanggagalaiti nyang wika

"At ikaw din naman kasi..hindi ka nakikinig sa amin kaya yan..nasasaktan ka..oh ano laban ka pa ba?"

"Hanggang kaya ko pa"

Napabuntong hininga na lamang sya sa sagot ko

"Mabuti pa mag mall na lang tayo para naman makapagrelax ka..tutal wala naman ang asawa mo dito" sabay tayo nya at hinila ako

"Teka lang..hindi pa nga ako nakakapag ayos" pigil ko

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa

"Ano ka ba..okay na yang ayos mo..kahit ano pang isuot mo bagay naman sayo" tapos ay hinila nya ulit ako..grabe naman to makahila

*****
Naglalakad lakad kami ni lean sa mall at maya maya nagpaalam syang mag ccr lang sandali

*after a few minutes

Nakita ko si lean na tila nagmamadali papunta dito

"Anong nangyari sayo?"tanong ko..mukhang hindi sya mapalagay..ano bang nangyayari dito

"S-si" hindi nya matapos tapos ang sasabihin nya

"Umayos ka nga muna bago ka magsalita" unti unti nyang ikinakalma ang sarili

"Hindi ko alam kung dapat mo ba tong malaman"bakit napadamay ako?at ano ang dapat kong malaman?..

Tiningnan ko sya ng nagtataka

"Si thunder kasi"paano napunta sa usapan si thunder

"Oh anong meron kay thunder?"

"Kanina habang papalabas na ako ng banyo narinig ko kasi ang pangalan ni thunder akala ko wala lang yun kaya binalewala ko lang pero hindi ko inaasahan na maririnig ko mismo ang boses ni thunder pero mas nagulat ako na tinawag nyang babe ang kausap nyang babae..dun na ako umalis"ano daw?..nandito si thunder at may kasamang babae..sana hindi totoo ang sinasabi ni lean

"Baka nagiilusyon ka lang"wika ko..pilit akong hindi naniniwala

"Totoo yung sinasabi ko..sigurado ako na sya yun..pero ikaw na ang bahala kung maniniwala ka man o hindi" dapat ba akong maniwala sa sinasabi ni lean..alam kong sa mga oras na ito hindi sya nagsisinungaling pero may parte sa akin na hindi naniniwala

"Alam mo baka gutom lang yan..kumain na nga lang tayo"pag iiba ko ng usapan

***
Umupo na kami ni lean matapos naming mag order

Habang kumakain kami napabaling ang tingin ko sa isang tao

Si thunder ang nakita ko pero hindi sya nag iisa..may kasama syang babae at papasok sila dito sa kinakainan naming restaurant

Ibig sabihin totoo nga ang sinasabi ni lean kanina..so anong ibig sabihin nito?..na may girlfriend sya habang may asawa na sya..pero sana kamag anak nya lang yun na hindi ko pa nakikilala..sana nga

Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko ngayon

Pero buti naman at malayo ang table nila sa amin

"Okay ka lang ba ylrish?bakit parang hindi ka mapakali?"nagtataka nyang tanong

"Nandito si thunder"

Nanlaki naman ang mata ni lean

Nilibot nya ang paningin nya sa loob ng restaurant at ng makita nya kung nasaan si thunder ay biglang sumama ang tingin nya sa kinaroroonan ni thunder

"Oh anong gagawin mo ngayon ylrish?uupo ka na lang ba dyan?wala kang gagawin?hahayaan mo na lang sya dyan na may kasamang ibang babae" tila naiinis nyang sambit

Gustuhin ko mang lapitan si thunder at marinig mismo sa bibig nya kung ano tong nakikita ko..pero bakit ko nga ba gagawin yun kung sa bibig nya mismo nanggaling na wala akong karapatan na pakialamanan sya kahit asawa nya pa ako..arranged marriage lang naman kasi ang lahat

"Tatahimik ka na lang dyan ylrish!?kung hindi mo kayang gawin pwes ako ang gagawa para sayo!asawa ka nya tapos may ibang babae syang kasama!mahiya naman sya!kahit pa arranged marriage lang ang nangyari sa inyo dapat hindi nya ginagawa yun!!napakawalang hiya naman nya!"tatayo na dapat sya pero pinigilan ko sya

"Ano ka ba lean!nakakahiya sa mga tao dito oh..kanina pa sila napapatingin dito..atsaka malay mo kamag anak nya lang yon" pagpapakalma ko sa kanya

"Kamag anak?magkamag anak ba ang maitatawag dun sa naglalandian?!wag mo na akong pigilan pa ylrish!susugudin ko talaga ang lalaking yan"kanina pa napapatingin yung ibang tao sa amin

Hindi ko na sya napigilan pa dahil mabilis ang kanyang pagkilos papunta sa table ni thunder..sinundan ko na lamang sya

Nang makalapit sya kay thunder ay bigla nyang hinampas ang table ng mga ito ng pagkalakas lakas..napatingin naman ang lahat ng taong nandito..nakakagawa na kami ng eksena dito

Umangat ang tingin ni thunder kay lean at sumunod ay sa akin..padabog syang tumayo at tila nainis sya sa ginawa ni lean

"Ano bang problema nyo?!at bakit nandito ka ylrish!?"sigaw nya sa amin

"Ako nga dapat ang magtanong nyan eh..diba dapat nasa kompanya ka ngayon" mahinahon kong sambit..pilit ko lang kinakalma ang sarili ko at pilit tinatago ang halo halong emosyon

"Ikaw ang problema namin thunder!!napakawalang hiya mo talaga!may asawa ka na nga nakikipaglandian ka pa rin sa mukhang hipon na babaeng ito!!"turo ni lean sa babaeng kasama ni thunder

Tumaas naman ang kilay ng babaeng katabi ni thunder at tiningnan ng masama si lean

"My god!napakawalang hiya pala ng lalaking yan!may asawa na nga kumakarengkeng pa sa iba"

"Kaya nga"

"Dapat dyan hinahiwalayan"

"Ang gwapo pa naman tapos ganun pala sya"

"Buti sana kung maganda ang ipinalit nya sa asawa nya..tingnan nyo nga yung itsura mukhang hipon naman"

Bulungan ng mga nasa ibang table

Bigla na lamang akong hinigit ni thunder palabas ng restaurant..at naiwan doon ang kasama nyang babae

A broken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon