◾ O N E ◾

278 46 30
                                    

Anikka

"Psst, wake up."

I got tired of whispering on Liam's ear kaya naman hinila ko na lang ang nakatalukbong na kumot sa kanya at lumantad ang katawan niya na boxers lang ang suot. "Wake up!" sigaw ko at hinambalos sa kanya ang kumot niya. Napa-ubo pa ako dahil sa alikabok na nawasiwas din. I fanned away some dusk as I hardly cough which I think made Liam awake.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kagandahang tulad ko na nakatayo sa harapan niya. "Anikka, bakit nandito ka?"

"Do you wanna build a snow man?" I asked while mimicking that little Ana's voice.

"Seriously, akin na 'yong kumot, ano ngang ginagawa mo rito?" pag-uulit niya at inagaw mula sa kamay ko ang kumot niya. He covered his whole body with it. Parang babae naman 'to.

"Sabi ko 'di ba samahan mo ako? May audition akong pupuntahan, anong oras na nakahilata ka pa rin dyan?! Ano, ako pa ba magpapalit ng damit mo?" Pumamewang ako habang nakatitig sa kanya. I michievously smile nang mapansin ko ang pagiging uneasy niya.

Liam cleared his throat as he looked away. "Sige na, lumabas ka na. Magbibihis na 'ko."

"Bilisan mo ha," palala ko sa kanya at lumabas na ng kuwarto niya. Pagkalabas ay naabutan ko naman na may kumakatok sa pintuan, pagbukas ko, si Aling Esmi, ang Landlady ng apartment na tinitirhan namin ni Liam, dala ang isang papel. At sigurado ako na iyon ang listahan ng bayarin ni Liam para sa renta.

"Nasa'n si Liam?" masungit na tanong niya at inilibot ang paningin sa loob ng unit ni Liam. Bakit ba halos lahat ng Landlord eh masungit? Pwede naman silang maging mabait ah, baka nga mas ganahan pa kaming magbayad kapag maayos sila maningil.

"Nasa kwarto po nagbibihis pa," sagot ko nang nakangiti.

"Paki-bigay na lang 'to sa kanya, at pakisabi, pakiusap lang magbayad na siya!" mariing anito na tila ba nagpaparinig din kay Liam na nasa kwarto pa rin niya. "Mauna na 'ko."

"Ingat po," sabi ko na lang at binigyan pa rin siya ng matamis na ngiti.

Pagkaalis ni Aling Esmi ay bigla namang lumabas si Liam suot ang printed sky blue long-sleeve shirt at pantalon. Medyo magulo pa rin ang basa niyang buhok na hula ko ay winisikan niya lang. Ang bilis niyang maligo eh. Lumapit siya sa'kin at kinuha ang papel na hawak ko. Binuklat niya iyon at napa-iling sa nakita. Lumakad siya papunta sa drafting table niya at pinatong doon ang papel. Nacurious naman ako kaya lumapit din ako doon at nakita ang ilan pang mga bayarin niya na nakakalat sa mesa. Tuition fee at bills ng electricity, post-paid load, water, rent at ng motor niya.

"Ang yaman mo naman sa bills," biro ko at tiningnan siya na nakatitig pa rin sa mga bills niya. "Bakit galit na galit 'yong matanda? 'Di ba may 2 months advance tayo dito?"

"Eh bukas na 'yong last day ng two months advance ko." Napatigil siya sa pagsasalita nang mamatay ang ilaw at electricfan niya. In short, naputulan na siya ng kuryente. "Nakakapagtaka na ngayon lang 'yan, kagabi nawalan na ko ng tubig eh, kaya ito, nagbasa lang ako ng buhok para mukhang bagong ligo," paliwanag niya at napa buntong-hininga.

"Kawawa ka naman, hayaan mo. Kapag nanalo ako sa contest na 'to, bibigyan kita ng pera. Pero, ano ng plano mo ngayon? Wala ka bang mahihingan ng tulong?"

Katulad ko, mag-isa lang din sa apartment si Liam. Kwento niya sa'kin noon, mayaman daw talaga siya, pero hindi ako naniwala dahil lasing kami noon. Tapos sabi pa niya, may Kuya siya, kaso magkaaway daw sila dahil sinabihan siya nitong walang alam sa buhay at umaasa lang sa pera ng magulang nila. Dahil doon, naging independent si Liam at tumira mag-isa dito sa apartment habang nag-aaral. At kahit kailan ay hindi raw siya hihingi ng tulong sa Kuya niya. Ewan ko talaga kung totoo 'yon dahil nang mahimasmasan siya ay hindi niya raw matandaan na nagkwento siya ng gano'n. Pero pakiramdam ko, alibi niya lang 'yon dahil baka galit nga talaga siya sa Kuya niya.

Sun, Flower, and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon