◾ S I X ◾

87 34 6
                                    

Anikka

"I hope that I see the world as you did cause I know
A life with love is a life that's been lived

So I'll sing Hallelujah
You were an angel in the shape of my mum
When I fell down you'd be there holding me up
Spread your wings as you go
And when God takes you back we'll say Hallelujah
You're home."

Nang nasa kalagitnaan ako ng pagkanta ay nakaramdam ako ng kakaiba. Biglang humapdi ang mga mata ko at nanikip ang dibdib ko. Habang pinagmamasdan ang mga lumuluhang mga mata ay hindi ko maiwasang lumuha na rin. Nadadala ako lalo't ako mismo ang kumakanta. Nang mag-instrumental ay agad kong pinunasan ang luha na umagos mula sa mga mata ko. This was very hard dahil gusto kong humagulgol ng iyak pero kailangan ko ring kumanta. Imagine the feeling of doing something else as to what you are supposed to do.

"Hallelujah
You were an angel in the shape of my mum
You got to see the person that I have become
Spread your wing
And I know that when God took you back he said Hallelujah
You're home."

Hanggang sa hindi ko na namalayang sobra na ang pag-iyak ko. Little did I know, I was already breaking the first rule of being a funeral singer. Do not be too emotional, it will ruin the song. Now I was ruining the song. I tried to compose myself and set my tears back. Hindi ako pwedeng umiyak! I was bitting my lips para lang mapigilan ang luha ko. But my voice suddenly became shaky because of it.

Pagkatapos ng pagkanta ko ng ilang pang kanta ay agad akong nagtungo sa banyo para ilabas ang lahat luha ko. Grabe, it was really hard! Naghilamos lang ako sandali at pagkalabas ko ay naabutan ko si Mr. Dee na mukhang nag-aabang sa'kin.

"What did just happened?" tanong niya at hindi ko mawari kung nag-aalala ba siya o galit dahil sa nangyari.

"Hindi ko po alam, sorry. It was my first time kaya hindi ko po napigilan ang emosyon ko. I'm sorry po, it will never happened again," paghingi ko ng depensa at muling pinunasan ang luha.

"Isa 'yan sa dapat mong bantayan kung gusto mong maging funeral singer. Control you emotion. Hindi 'yong parang ikaw ang namatayan," sermon niya at napabuntong hininga. "Let's go."

I didn't have a right to complain. Tama lang na sinabihan niya ako. I failed at my first attempt. I should learn from this. Tumango ako sa kanya at bumalik na rin sa burol. Habang naglalakad ay naabutan namin isang medyo matabang babae na nagbibigay ng eulogy. Naupo ako sa isa sa mga mono blocks at nakinig sa nagsasalita while an emotional background music was playing.

"Hinding hindi ko makakalimutan si Lola Koring. Napaka-kulit niya sobra. Alam mo 'yong sobra ang pagiging matakaw niya, maya't maya gusto laging kumakain. Tapos kapag nakakakita ng pagkain laging nakasunod 'yong mga mata niya at nakaabang na 'yong kamay. Ang nakakatawa pa, sa tuwing magkwekwento siya, lagi daw siyang gutom, hindi raw siya pinapakain sa bahay, pero... lagi siyang kumakain" Napatawa 'yong nagsasalita kaya napatawa na rin kami. She was laughing but despite of that, hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya. It was very evident, idagdag pa ang pagiging shaky ng kamay at boses niya. Listening to her made me miss my Lola.

"Napaka-in-denial pa niyan, minsan kapag, ay excuse po sa mga kumakain muna. Ayan, minsan po kapag nagpopoo siya, ikakaila niya na siya 'yon. Kapag nakaka-ihi siya sa bistida niya, idadahilan niyang natapunan daw siya ng tubig. Ang dami pa, para ngang bumalik sa pagkaba si Lola. Sayang nga lang na natira siya dito sa bahay na sobrang tanda niya na. Hindi na naming siya naipasyal, hindi niya na ako naipitan na hindi niya nagawa noon, at ang masakit pa ron, gumigising siya araw-araw na hindi niya kami kilalang lahat. May alzimers po kasi si Lola, tapos ang naaalala niya lang eh 'yong mga masasakit na pagkakaton ng buhay niya. 'Yong mga panahong hindi siya nakakakain, mahina siya. Inisip ko minsan, paano kung ako 'yong nasa kalagayan niya? Hindi ko kilala 'yong nasa paligid ko, hindi ko alam kung nasaan ako, pakiramdam ko lagi akong kinakawawa, hindi pa nakakakita 'yong isa kong mata.

Sun, Flower, and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon