◾ F O R T Y S E V E N ◾

14 1 0
                                    

Anikka

Hindi pa rin natatanggap ng sistema ko ang mga naganap kahapon. I just can't let that pass. Naiinis pa rin ako sa kanya. Sa hindi niya pagkausap sa'kin. Parang hangin lang ako na dinadaan-daanan niya. O multo na kelangan pa niya ng espiritista para lang makausap. Dumadagdag pa siya sa mga iniisip ko.

Tinanghali na ako nang gising. Magdamag kong sinubukang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Pero hindi ko nagawa. At dahil do'n, sumakit nang todo ang ulo ko. Halos hindi rin ako makahinga dahil nabara ang ilong ko. Nadehydrate din ako. Kaya naman inom ako nang inom ng tubig, tapos maiiyak na naman, tapos iinom na naman. Hanggang sa sobrang sakit na ng ulo. Pakiramdam ko ikamamatay ko kapag biglaan akong matulog.

Pagkatapos kong maghilamos ay agad akong nagtungo sa kusina. Napakunot ang noo nang wala akong makitang pagkain. Hindi naman sa nag-eexpect ako--- oo na. Umasa ako na may pagkain do'n galing kay Liam. 'Yon naman kasi 'yong ginagawa niya mula no'ng isang linggo eh. I mean, it's not just about the food. There's morethan that. Ano, sumuko na ba siya agad?

Oo pinaalis ko nga siya. Pero kahapon lang 'yon. Sinabi ko bang 'wag na siyang bumalik? Ni-hindi nga ako nagsasalita eh. Pero... Hayst!

Ginulo ko ang buhok dahil sa inis. Baka baliw na 'ko. Resulta ba 'to ng pagkaka-aksidente 'ko? Baka hindi lang 'yong leeg ko ang naapektuhan. Baka pati 'yong utak ko... malamang pati puso ko. Puro nagma-malfunction. Napakagat ako sa labi ko dahil sa inis. Napatitig ako sa basurahan kung nasa'n ang mga basag na pinggan. Baka binibigyan lang talaga ako ni Liam ng space.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay may biglang kumatok sa pintuan. Dali-dali naman akong lumakad papunta roon. Pagkabukas ko ng pinto ay mabilis ko rin iyong sinara. Si Liam! Hala. Nandito nga siya. Anong ginagawa niya rito? Bakit pa siya pumunta? Ang kulit talaga. Napatikhim ako at muling binuksan ang pinto.

Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Anong ginagawa mo rito? I gave him that stare which I hoped he understands.

"Good morning," bati niya at napangiti. Aba, good mood ang isang 'to.

Bigla namang bumaba ang nagmamataas kong kilay. Papangiti na sana ako pero pinilit kong manatiling nakasimangot.

"Pwede bang pumasok?" tanong niya. "Medyo mabigat na kasi eh."

Napatingin naman ako pababa sa bitbit niyang mga plastik. Mukhang namili pa yata ang isang 'to. Halata ring bigat na bigat na siya sa dala niya. Sa unang tingin ay parang nasa anim na malalaking plastik ang bitbit niya. Medyo nakiliti ang batok ko dahil sa effort niya. I never expected this. Ang akala ko nga sumuko na siya nang tuluyan dahil sa kadramahan ko kahapon.

I tried my best to keep my poker face while I have those hidden giggles on the back of my head. Tapos bigla kong sinara ang pinto. I locked it. Tapos naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng malamig na tubig sa ref. Habang nagsasalin ng tubig ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. I knew it. Nasa kanya pa rin ang spare key na bigay ko sa kanya. Bakit kaya hindi niya pa ibalik sa'kin? Did he knew this could happened?

"Nag-almusal ka na?" tanong niya nang makalapit sa lamesa, sa tabi ko. I heard him made that lifting-heavy-things-up sound as he rise up those plastic on the table.

Sa sandaling 'yon ay nalanghap ko nang mas maayos ang amoy niya. Gamit niya pa rin ang brand ng pabango na niregalo ko sa kanya noong birthday niya 4 years ago. That made me smile, mentally.

"Bakit ka umiinom ng malamig, bawal sa'yo 'yan 'di ba?" tanong niya.

I never took a sip from the glass that I was holding. Ayan na naman ang walang kupas niyang paalala sa'kin. I missed those, actually. Kaya naman nilapag ko sa harapan niya ang basong may laman na malamig na tubig. Alam kong pagod siya at uhaw. Kaya sa kanya na 'yon. It wasn't for me afterall.

Sun, Flower, and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon