◾ T H I R T Y S E V E N ◾

36 8 1
                                    

Anikka

Later that day, nagpasama ako kay Sabeth para puntahan si Mr. Dee. Gusto ko lang ding itama ang nagawa ko dahil isa siya sa mga bigla ko na lang iniwan sa ere. Both of us were battling a week ago but I just left him just like what I did to Madam Claire. At nakokonsensya ako sa ginawa ko. May pasok pa si Sabeth pero dahil may atraso siya sa biglaang pagdala niya kay Madam Claire ay sinamahan niya na lang ako.

Bumaba kami ni Sabeth sa tapat ng opisina ni Mr. Dee. Inalis ko naman ang shades na suot ko at nilagay iyon sa bag. "Sige na. Okay na 'ko dito. Salamat ah," sabi ko sa kanya.

"Sana one of these days bumalik ka nasa Harmony Hills." At ito na naman siya sa pangungumbinsi sa'kin. "Or just sing a song. Make sure na maririnig ko. Dahil ako mismo nalulungkot dahil hindi na kita naririnig na kumakanta. Hindi mo na ginagawa 'yong gusto mo. Hindi ka na nagiging ikaw," aniya at napabuntong hininga.

"Pag-iisipan ko. But thanks for always reminding me," sagot ko at niyakap siya nang mahigpit.

Pagkapasok ko sa loob ay nabigla ako nang makita ang isang papel na may nakasulat na "office for lease". Teka, tama naman ako ng room na pinunthan ah?

"Miss, interesado ka?"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita mula sa likuran ko. Nakasuot siya ng light blue na long sleeves at itim na kurbata.

"Po?" tanong ko naman

"Sa opisinang 'yan. Perfect po 'yan for any business office. Gusto po ninyong icheck ang loob?"

Mabilis naman akong umiling. Akala niya yata eh naghahanap ako ng mauupahang space. "Ahh, nasa'n na po 'yong dating nangungupahan dito?"

"Si Mr. Dee?" paglilinaw niya kaya naman tumango ako. "Wala na siya."

"Po?" gulat na tanong ko. "Kelan pa?"

"Nakaraang linggo pa," sagot niya naman. "May naiwan po ba kayong business matter na kanya?"

"Nakaraang linggo pa po?"

Tumikhim naman si Kuya na para bang iritable na. Siguro ay napagtanto niya nang wala akong balak na umupa sa inaalok niyang espasyo. "Miss, kung may business kayo sa kanya sana tinawagan ninyo na lang siya. Hindi ko naman tinanggap ang trabahong 'to para sagutin lahat ng tanong ninyo. At tsaka, personal na ang mga hinihingi ninyong impormasyon sa'kin. Kung talagang kilala n'yo siya, kontakin n'yo na lang po."

Hindi pa rin ako lubos na makapaniwalang umalis na si Mr. Dee doon. Lumipat ba siya ng pwesto? Bakit hindi ko alam? Tsk! Pa'no ko nga pala malalaman eh pinutol ko nga pala lahat ng komunikasyon ko sa kanila. Baka tinawagan niya ako tapos hindi ko sinagot? Hala!

Agad kong hinagilap ang cellphone ko pagkauwi ko sa bahay. Nang buksan ko iyon ay iilang pursyento na lang ang baterya kaya nag-charge muna 'ko. Nang magkaroon nang tatlumpung porsyento ay mabilis kong tinanggal ang chord at agad na tinawagan si Mr. Dee.

"Sorry, you have zero load---"

Wala nga pala 'kong load! Aish.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at patakbo akong pumunta sa tindahan ni aling Esmi para magpaload. Pagkatapos ay muli kong tinawagan ang numero niya ngunit iisang sagot lang ang natatanggap ko.

"The number your are calling is currently not in use."

Kahit ilang beses ay iisang response lang. Nagpalit ba siya ng number? Naku naman oh! Pa'no ko siya hahagilapin? Hindi naman siya active sa social media accounts at wala rin akong balak ba buksan ang kahit na anong accounts ko.

Naku naman. Lalo tuloy akong nakukunsensya sa nagawa ko. Dapat kasi pinuntahan ko agad siya eh. Napaka selfish ko talaga. Sarili ko lang ang insip ko ng panahon na 'yon. Hindi ko man lang naisip na malamang ay nasaktan din siya dahil sa nangyari. Alam kong naapektuhan din siya.

Sun, Flower, and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon