Liam
The loudest wake-up call echoed inside my head. Pakiramdam ko nakatanggap ako ng kamehame-wave nang sandaling 'yon. That was just a typical scene between me and Anikka. But that day, everything started to change. She didn't just woke up my sleeping body, she also made my sleeping heart to feel marvelously in love with her.
Matagal na 'kong may gusto sa kanya. Sabi niya madalas ko raw 'yong sinasabi sa kanya tuwing nalalasing ako. Pero hindi ko naman natatandaan. Kaya naman nang ipag-sigawan niyang boyfriend niya ako ay talagang natameme ko. Hindi ko 'yon inaasahan mula sa kanya, pero heaven ang pakiramdam na kahit hindi ako nanligaw ay naging kami.
Naki-luksa ako sa kanya nang hindi siya matanggap sa audition. She was the best singer that I've ever known. Kumakanta siya mula sa puso at talagang sobrang galing niya, tagos sa kaluluwa. Kahit na hindi ko alam kung anong nagyari sa audition, alam ko namang ginawa niya ang best niya. Hindi nakalagpas sa obserbasyon ko ang malungkot niyang mga mata sa kabila ng mga ngiti niya. Kaya alam kong nasasaktan siya.
Nag-aya siyang mag-inuman nang gabing iyon. Kahit na pinagsigawan niyang kami na ay pakiramdam ko kailangan ko pa ring sabihin sa kanya ang mga tunay kong nararamdaman. Ayaw ko na biruan lang. Ayoko na maging kami dahil kailangan lang namin ng label para hindi mag-isip ng masama 'yong ibang tao. Gusto ko maging totoo na 'to. Dahil totoo namang mahal ko siya.
Kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon. Alam kong hindi kami malalasing sa binili niyang alak. Pero wala nang ibang paraan kaya nagkunwari akong lasing. Wala rin naman talaga kong balak maglasing talaga. Dahil gusto kong maalala lahat ng mangyayari sa oras na 'yon. Gusto kong matandaan ang reaksyon niya sa aaminin ko, maging ang sasabihin niya ay ayaw kong makalimutan.
Masaktan man ako o hindi, batsa, hindi pwedeng makalimutan ko ang gabing ito.
"Oo na, tayo na. Boyfriend na kita at girlfriend mo na ako. Okay ka na ba Mahal?"
Buti na lang at kunwaring lasing ako. Dahil sobra akong kinikilig habang sinasabi niya 'yan at hawak pa niya ang magkabila kong pisngi. Alam kong nag-init at namumula na ang pisngi ko dahil sa galak. Pero ayos lang, kunwari nga lasing ako eh, kaya normal lang ang pamumula. Pero grabe, sobrang sarap sa pakiramdam ng ginawa niya! Yahoo!
Mission accomplishmed. Nasabi kong mahal ko siya at naging official na kami na nga. Salamat sa alak at sa acting skills ko na natutunan ko sa theater arts subject ko. Naks naman!
Pero agad din akong nagsisi kinabukasan no'n. Bigla kasing naging tahimik ang Mahal ko habang nag-lilipat kami ng gamit sa unit niya. Madalas agad niyang kinukwento lahat ng kalokohan ko kapag nakarecover na 'ko mula sa pagkakalasing. Kaya lang, iba 'yong nangyari kagabi. Medyo nakonsensya tuloy ako kasi baka akalain niyang isa sa mga kalokohan ko lang ang pag-amin kong mahal ko siya. Dapat, sabihin ko na sa kanya ang totoo.
"Hindi ako nalasing kagabi. I meant every word that I said last night. At sana, ikaw rin."
Napansin ko ang pamumula ng mukha niya nang nauutal niyang sabihin na seryoso din siya. Napangiti ako nang sandaling 'yong at mas lalong nainspire na maglinis ng bahay. Barubal talaga 'kong tao. Pero dahil sa nangyari ay nagawa kong malinis ang unit namin ng Mahal ko. Ayiieee!
Kahit na officially kami na. Minabuti ko pa rin na ligawan siya. Every girl deserves na maligawan. And she's no ordinary girl. Kaya hanggang maaari ay liligawan ko siya hanggang kaya 'ko. Kahit na medyo wirdo ang Mahal ko dahil walang bukambibig kundi ang mga gusto niyang gawin sa lamay niya. Kinikilabutan talaga ako kapag iyon ang usapan. Kung pwede nga lang hindi na mamatay 'yong mga taong mahal ko eh. Ayaw ko kasing naiiwan akong mag-isa.
I was traumatized when both my parenty died with just 5 months in between. My Dad passed away because of liver cancer. Nalaman naming matagal na palang may gano'ng sakit si Papa. Then si Mama naman, namatay because of heart attack dahil sobra siyang nadepressed sa pagkamatay ni Papa. Sobrang sa'kit no'n kaya binalak ko na ring magpakamatay. Sumabay pa 'yong masasakit na salita ng Kuya ko tungkol sa pagiging dependent ko sa mga magulang 'ko. I want to prove him wrong. Kaya nagbukod ako mg tirahan at pinutol ang komunikasyon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
ChickLitWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)