◾ T H I R T Y E I G H T ◾

26 7 0
                                    

Anikka

Huminto ang mundo ko nang marinig ko ang salitang lumabas mula sa bibig ni Gio. Para bang bumaba ang temperatura at binalot ng yelo ang paligid. Dama ko ang papaakyat ng lamig mula sa paa ko patungo sa binti at buong katawan ko. At sa paghinto ng oras, paulit-ulit namang naglalaro sa isip ko ang mga salitang hindi ko lubos maisip na maririnig ko ngayon.

"Ayos ka lang hija?"

"Anikka?"

Napakurap-kurap ako. "O-po, ayos lang po." Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Condolence po."

"Salamat." Bahagya siyang ngumiti at pinagmasdan ang mukha ko kaya naman medyo nailang ako.

Teka, nakikilala niya na ba kung sino 'ko?

"Parang pamilyar ka," aniya at mas inusisa pa ang bawat parte ng mukha ko. Kaya naman nagkaro'n din ako ng pagkakataon para pagmasdan siya. Tama nga si Lola, nakuha ko ang hugis ng mukha ko sa kanya.

My hands were shaking. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Alam kong siya ang nanay ko. Siya ang babae sa picture na dala ko. May kakaibang pakiramdam ako sa tuwing nakikita ko siya. Sigurado akong siya ang hinahanap ko.

"Ah, oo, ikaw nga," aniya at napangiti. Nilingon niya si Gio at hinaplos ang braso ng anak nito. "Gio, siya 'yong babaeng kinuwento ko sa inyo na nagligtas kay Gilbert. Natatandaan mo?"

"Seryoso?" gulat na tanong ni Gio na halos hindi rin makapaniwala sa binalita ng Mommy niya. "Wow, small world."

I awkwardly smile. It felt weird. Everything felt odd.

"Kaya nga eh. Tapos nagkakilala pa kayo. Ano kayang ibig-sabihin no'n?" she playfully teased.

"Mom," suway ni Gio at tinitigan ang Mommy niya nang seryoso.

"Bakit?" She turned her gaze to me which made me shiver. Her eyes, they looked so warm and comforting. "Anikka, tell me, kelan mo ba sasagutin 'tong Anak ko?"

"P-po?" She definitely have no idea what was she implying. Lalo tuloy akong nakaramdam ng awkwardness. Nakakakilabot. Imagine, we almost had a relationship even though were siblings.

"Mom, sila Tita dumating na. They need your company," singit ni Gio na mukhang aware na sa pagiging uncomfortable ko.

"Then why don't you give them yours?"

Gio rolled his eyeball. "Ma."

Pumamewang ang Mommy niya. "Don't roll your eyes infront of Anikka. Baka ma-turn off siya."

"No, I didn't---"

"Okay." Tumango na lang ito at iwinagayway ang kamay. Lumingon siya sa'kin at ngumiti. "I should go. Si Gio na muna'ng bahala sa'yo. Sana makapag-usap tayo after ng service."

I remained standing for seconds after she left. Pinagmasdan ko siya hanggang sa maka-usap niya ang iba pang mga nakikiramay. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Not that I can't, neither I don't. Pero hindi ito ang tamang oras. Maybe after service, I'll tell her who really I am to her.

"Pasensya ka na kay Mommy ah? Gano'n talaga 'yon eh. Pero alam mo, pareho nga kayo eh. Mahilig mang-asar, hindi kayo titigil hangga't hindi ako napipikon. For sure, magkakasundo kayong dalawa... But I don't think that's a good idea. Baka pagtulungan n'yo na 'ko." Napatigil siya sa pagsasalita kaya naman napatingin ako sa kanya. "Ayos ka lang?" tanong niya.

Tumango ako.

"Gusto mong umupo muna?"

Tumango ulit ako.

Sun, Flower, and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon