Anikka
I meant every word that I texted. I want him to leave for good. Kung hindi lang din naman niya ipapaliwanag kung bakit siya nawala. Halos makabuo siya ng isang buong nobela kung isasapapel ang mga kwento niya. May sequel pa. Pero sa lahat ng iyon, hindi ko man lang narinig kung anong dahilan niya kung bakit siya umalis. O kahit ang rason niya kung bakit siya bumalik. If he won't tell it, then he better leave.
Hindi ko nga lang alam kung bakit hinahanap-hanap ko si Liam ngayon. Here's the thing. Hindi magkasundo ang isip at puso ko. My mind told me to let him go, that he's not worth it, and he's a jerk. But my heart said the opposite. Like, who would I follow? Sabi dapat balance daw. Eh nakakabaliw naman kung babalansihin ko. Ano, kapag nagpunta ulit siya rito matutuwa ako tapos paglipas ng ilang oras papaalisin ko na siya?
Lumipas ang tanghali nang walang Liam na dumalaw. Well I guess sumuko na siya. Or he just get affected to my words. I know it was compromising. Rude. Pero binuod ng mga salitang 'yon ang nararamdaman ko. And if he's smart enough, he should decipher my code himself. Bahala siya sa buhay niya.
May nadiskubre din akong tupperware sa nag-uumapaw kong ref pagkabukas ko. Kinuha ko iyon at tinanggal ang takip. Napangiti ako sa nakita ko. Adobong pusit. Nagtira pala siya para sa'kin. Kahapon pa 'ko nagkecrave dito kung alam niya lang. Well, I guess he knew that's why he left some. Hindi ko na sinayang pa ang oras at ininit ko na 'yong masarap na ulam. Amoy pa lang, nakakatakam na. Pero sa kamalas-malasan nga naman, na-overcook ko 'yong pusit. Naging makunat tuloy. Hindi ko 'yon pwedeng kainin kaya naman nagtiis na lang ako sa kapirasong sabaw na natira. Hayst.
Sinamahan ako ni Sabeth sa pagpunta sa ospital para sa voice therapy ko. It went well. Sabi ng duktor ayos na raw ang kalagayan ko. I was completely healed. Thank God for that. Kahit isang session na lang daw ay okay na. At final na raw iyon. Pinaalalahanan niya rin ako na, bagamat magaling na, i-modulate pa rin ang paggamit ng boses ko, at piliin pa rin ang mga kinakain ko.
"Nagpunta si Liam sa bahay," mahinang sabi ko kay Sabeth nang makasakay kami sa jeep na iilang tao lang din ang pasahero. Oh, namiss kong magsalita ng morethan one word.
"Oh my God! You finally talked!" sigaw niya at napayakap sa'kin. Nang kumalas siya ay nagkunwari pa siyang naiiyak. "Namiss ko 'yan."
"Ang OA mo," sagot ko. "So a'yon nga, si Liam."
"What's with him?" Nakangiting tanong niya. "Okay, nakangiti ako dahil masaya akong nakakapagsalita ka na. Hindi dahil kay Liam. At kung siya ang una mong sinabi, tsk, I can't believe you cuss on you first word," paliwanag niya at umirap. "So ano nga, hindi ko kasi nagets 'yong sinabi mo dahil na-overwhelm ako sa pagsasalita mo."
"Nagpunta siya sa bahay."
"Weh?" gulat na tanong niya. "Anong nangyari, bakit daw siya nagpunta? Nakikipagbalikan ba?" sunod-sunod na tanong niya. "You don't have to answer those questions. Magtipid ka ng boses mo," natatawa niyang paalala.
Napairap ako.
"So anong naramdaman mo?" seryosong tanong niya.
"Ewan." Nagkibit-balikat ako. "Galit na hindi. Tsaka alam mo ba siya pala 'yong nagdadala ng almusal ko araw-araw?"
"No way," sagot niya at humalukipkip. "Why would he do that?"
"I know," pagsang-ayon ko.
"Baka nakikipagbalikan. Kasi, bakit ba nag-eeffort ang isang ex-boyfriend? Trip lang nila? O nagpapabango ulit ng pangalan?" Napatingin siya sa'kin nang seryoso. "Pero pa'no kapag gano'n. Pa'no kapag one day tinanong ka niya kung pwede siyang makipagbalikan sa'yo? Anong sasabihin mo?"
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
ChickLitWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)