◾ F O R T Y T W O ◾

22 1 0
                                    

Anikka

"Nagpunta ako sa hospital, wala ka do'n. Go fix yourself, sasamahan kita sa voice therapy mo."

Ayaw ko mang pumunta ay wala rin akong nagawa. Napaka-mapilit kasi ni Sabeth. Talagang nagpunta dito sa bahay para lang samahan ako sa hospital. Lalo tuloy akong nahiya. At kung tatanggi pa 'ko, mas magiging sayang ang oras niya. Kaya heto, kahit napipilitan lang ako, nagbihis pa rin ako.

"Mayke-kwento 'ko sa'yo."

"Ano?" tanong niya nang mabasa niya ang text ko.

"May weird na nangyayari sa'kin lately. Tuwing umaga. Kapag nagigising ako, may nakahaing almusal sa mesa ko."

"Ahhh, talaga?" tanong niya. Aba, hindi man lang siya nagulat? Bakit hindi siya nag-aalala para sa'kin? Akala ko pa naman kagimbal-gimbal na 'yong balita ko sa kanya.

"Hindi ka nagulat?"

"Ahh, nagulat syempre!" biglang tumaas ang boses niya. She now sounded shocked and overly concerend "Hindi mo ba nilalock 'yong pinto mo? Baka may kung sino-sino nang nakakapasok sa bahay mo. Hala ka!"

Medyo OA na. Tiningnan ko naman siya na para bang sinasabi kong, "tanga ba 'ko para hindi i-lock 'yong pinto?" Which I hoped she understand.

"Eh, pa'nong nangyari 'yon? Magic?"

Napakibit-balikat na lang ako.

"Kinakain mo?" tanong niya.

Umiling ako.

Mukhang nanghinayang siya. Bakit, dapat bang kainin ko 'yon? "Eh 'yong mga gamit mo? Nanakawan ka ba?" tanong niya pa.

Umiling ulit ako. Kaya hindi na rin ako nagreport pa sa pulis. Wala namang nanakaw sa'kin. Tsaka hindi naman ako nasaktan. Baka makaabala pa 'ko sa kanila tapos mapikon sila dahil irereklamo ko na may taong nagbibigay sa'kin ng pagkain. Naisip ko na tresspassing 'yon. Pero pa'no? Ako lang naman ang may susi ng bahay ko. Tsaka si Aling Esmi, siguro. Pero, bat naman siya magbibigay ng pagkain sa'kin? Eh nuknukan ng kuripot no'n!

"Hay, ang hirap makipag-usap nang ganito. Kaya dapat lang talaga na araw-araw kang magpunta sa sessions mo eh, para makapagdal-dalan na tayo nang maayos. I just miss your voice so much," sabi niya at humalukipkip. "Araw-araw na kitang susunduin."

Agad naman akong umiling nang umiling. "No need. Seriously, kaya ko na."

"Make sure of that," seryosong sagot niya at tinitigan ako nang masama.

Pagkatapos ng isang oras na session ay nagpasya na kaming umuwi, may pasok pa kasi si Sabeth. Pakiramdam ko ay bahagyang nawala ang pangangati ng lalamunan ko maging ang pagsakit ng leeg ko dahil sa therapy. Nakabuti rin pala. Medyo nakakapag-salita na rin ako pero maximum na ang 3 words. Pero kabilin-bilinan pa rin sa'kin ng duktor na huwag pa rin akong magsalita nang sobra. Tinuruan niya rin ako ng ilang tip at homemadr remedy para kahit nasa bahay ako eh mahilom ko ang sarili ko. As if naman gagawin ko 'yon.

Eating gave a hard time these days. Kaya naman puro malalambot at masabaw na pagkain. Mahirap kasing lumunok dahil sa lalamunan ko. Kaya palagay ko papayat na rin ako dahil sa sitwasyon 'ko. Naks, diet!

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa isang convinient store para bumili ng oatmeal. Medyo kakarecover ko pa lang kasi sa maayos na paglunok kaya bawal pa ring biglain. Habang nagbabayad ay napalingon ako sa ice cream chiller. Aalisin ko na sana ang tingin ko do'n nang mapukaw ang mata ko ng poster ng vanilla ice cream. Bawal ko do'n... pero, once lang naman eh.

Ilang araw din akong nagke-crave do'n eh!

Hindi ko alam. Pero kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa chiller. I just want to make it clear, wala akong kinalaman dito. Kusang kumikilos ang paa ay kamay ko. Hindi ko na nakontrol pa ang mga kamay ko at nabuksan ko na ang chiller. At lalong nangningning ang mga mata ko nang tuluyan ko nang mahawakan ang drumstick ice cream na matagal ko nang inaasam-asam.

Sun, Flower, and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon