Anikka
My heart was pounding tons of blood as I was looking at him fixing his helmet and jacket. But wait, how did he know I was here? First of all hindi naman ako nagsend ng message sa kanya dahil ako nga rin mismo ay hindi inalam kung saan kami tutungo ni Mr. Dee. At kung alam ko man, bakit ko siya itetext? If this was coincidence, why was he looking specifically for me?
Nanlamig ang buong katawan ko nang papaharap na siya at ikinabigla nang si Gio pala ang lalaking nakatalikod mula sa'kin. My eyes widen for two reasons: first was because he's not Liam which I was expecting, second was because he's actually Gio whom I wasn't expecting. Heck! Why would I thought that he was Liam? Pero teka, paano niya rin nalaman na nandito ako? Though alam niya na may death anniversary akong pupuntahan pero, kagaya nga ng sabi ko, even I didn't knew where we were going.
"Anikka," he smiling said as he waved his hands. He walked towards me and stopped a foot away from me.
"Seryoso?" lutang na tanong ko at hinawakan siya sa pisngi. Oh he's real, I wasn't dreaming.
"Anong seryoso?" tanong niya at tumawa. Then his laughter, again, lingered on my ears. It's still echoing inside of my head.
I crossed my arms. "Anong ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito ako?"
"Para makita ka," sagot niya. "Medyo mahabang short story kung pa'no ko nalamang nandito ka. I know Kiel. Kapatid siya ng tropa ko, si Paul. Tapos, habang nanunuod ako ng mga my day sa facebook eh nakita ko 'yong kay Paul, nakita kita as photobomber---"
"At inisip mong nandito nga ako?" pagpuputol ko sa paliwanag niya.
"Hmm." He nodded.
Wow. "Gano'n kalinaw ang mata mo? Pa'no kung hindi pala ako 'yon kamukha ko lang?"
"Hindi naman ako pupunta rito kung hindi ako sigurado na ikaw 'yon. Siyempre ginawan ko muna ng paraan. And guess what, tama naman ako. Ikaw 'yon at nandito ka na nga sa harapan ko," he confidently concluded. "Dito lang ba tayo? Hindi tayo papasok sa loob?"
"Baliw ka," sabi ko na lang at nauna nang pumasok sa loob.
Pagkapasok namin sa loob ay napansin kong magkakilala nga si Mrs. Hannah at Gio maging ang panganay nitong anak na si Paul na nakipag-apir pa sa kanya. Pinagmamasdan ko lang sila habang nag-uusap dahil mukhang matagal na panahon ding hindi sila nagkita-kita. Pagkatapos ay dumako na si Gio sa buffet ng mga pagkain habang ako ay patuloy lang siyang pinagmamasdan. Kasalukuyan namang nag-uusap si Mr. Dee, Mrs. Hannah at ang ilang taga-pangalaga ng ampunang ito kaya naman nakakapagsalita lang ako kapag may mga nagpapapicture sa'kin.
Buhay pa rin pala ang vibes ng nagviral kong video at sa'bi nila, mukhang may bago na naman akong video na sisikat. Nginingitian ko lang sila. Ewan, noon gustong-gusto kong sumikat kaya nga sumali ako sa singing contests eh. Pero ngayon, masaya na ako sa pagkanta, kahit walang recognition, basta masaya ako sa ginagawa ko.
Makalipas ang ilang minuto ay napansin kong nakatayo pa rin si Gio sa tapat ng buffet table. Nagtaka naman ako kung bakit kaya nilapitan ko siya. Nang makalapit ako ay naabutan ko siyang nakatitig sa mga pagkain na para bang nag-iisip kung anong kakainin niya.
"Ayaw mo ng pagkain?" tanong ako. Ang arte, siya na nga lang makikikain tapos ang choosy pa.
"Hindi naman, hindi lang ako makapagdecide. Hmmm..." Sandali siyang napatitig sa spaghetti at mabilis na lumingon sa salad. "Magsasalad na lang ako," sagot niya at napabuntong hininga.
"Alam kong gusto mong mag-spaghetti," sagot ko habang nagpipigil ng tawa. Eh, kanina pa siya nakatitig do'n eh.
"Hindi ah, pambata kaya 'yan," pagtanggi niya habang patuloy na nagsasandok ng salad.
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
ChickLitWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)