Anikka
Huminga ako nang malalim at nilanghap ang sariwang ocean breeze. Kay sarap din sa paa ng lambot ng tinatapakan kong bermuda grass. Ang ganda ng umaga dahil papasikat pa lang si haring araw. Nakakarelax.
"Tara na Mahal," aya sa'kin ni Liam at inabot ang kamay ko. Bitbit niya ang travel bag na naglalaman ng damit namin for an overnight stay.
Magkahawak kami ng kamay habang papunta sa kwarto na itinuro sa'min ng organizer. Though may kashare kami sa kwarto, ayos lang naman, medyo may kalakihan naman 'yong room eh. After settling ay nagbreakfast muna kaming lahat na staff, pagkatapos ay nagbihis na kami ni Liam. Nagsuot ako ng Greek inspired na bistida at flower crown sa ulo. Iyon kasi ang tema ng kasal nila. Buti na lang may bistida akong puti at madali lang maghanap ng flower crown.
"Bakit kanina ka pa tahimik?" tanong ko kay Liam nang makalabas ako sa banyo pagtapos magbihis.
"Nothing," maikli niyang sagot at pinagmasdan ako. "Ang ganda mo, Mahal. Parang tayo 'yong ikakasal ah," he joked with that annoying serious face.
"Gusto mo ba?" sagot ko naman at napatawa.
And then he suddenly became more uncomfortable. Tingnan mo 'tong loko na nag-open ng topic pero hindi nakikisakay. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa. Alam kong sa itsura niyang 'yan ay binabalot siya ng kaba. Pero bakit? May nagawa ba siyang ikagagalit ko?
Inalalayan niya ako sa pag-akyat sa nirentahang bangka papunta sa Fortune Island. Natutuwa ako dahil parang nag-a-adventure kami papunta sa kasal. Naka-abriset ako kay Liam at nakahimlay naman ang ulo ko sa balikat niya habang ninanamnam ang fifteen minute boat ride. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na sumasalubong sa mukha ko at ang sarap sa tenga ang alon ng tubig na tumatama sa gilid ng bangka.
Pagkababa namin sa bangka ay namangha agad ako sa nakita ko. Sobrang blue ng paligid dahil sa maaliwalas na kalangitan. Ang ganda ng rock formation at ng Grecian ruins sa tuktok nito na mas nagbigay ng espeyal na itsura ng isla. I also like the vintage Greece inspired na ayos ng lugar. Everything was full of greek designs, ang mga upuan, ang gowns, ang poste na may kurtina at ang lahat decorations. Kahit na hindi kasing puti at kasing pino ng kilalang beach ang buhangin ay bawi naman sa kulay kristal na tubig mula sa dagat. Nagniningning ito dahil sa sikat ng araw, parang may mga nagkalat na bituwin sa dagat. Everything was majestically beautiful as if this day was made especially for the couple.
"Let us all settle down dahil in five minutes ay magsismula na ang ceremony, please silent down your phones. And let us all enjoy this wonderful day," ani ng isang coordinator kaya naman naupo na si Liam sa designated seats para sa kanya. Nagpunta naman ako sa gilid at hinanda ang sarili ko para sa pagkanta.
The music started and everyone got emotional especially the groom, Vincent, na hindi napigilan ang pag-luha out of happiness and joy. Pumikit ako at huminga nang malalim to feel the atmosphere. For a moment, the atmosphere became silent. Little by little, the music started to linger in my ear. I smile. This will become their history, and I’m very honored to sing for them and be part of that history.
Pagkabukas ng mata ko ay eksaktong pagbukas din ng kurtina sa dulo ng isle and appeared infront of everyone's eyes was a very beautiful Samantha in her splendid wedding gown. Nang magsimula siyang lumakad ay nagsimula na rin akong kumanta.
"There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night
I just can't believe that you are mine now."
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
ChickLitWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)