Anikka
"What do you mean?" My voice cracked as I looked directly on his eyes. Nanginig ang kalamnan ko at mabilis na nagsitayuan ang mga balahibo ko. Nanatili siyang tahimik at tanging ang mga ingay mula sa 'di kalayuang burol ang maririnig. Kasabay ng gumagaralgal na makina ng motor ang nanginginig kong mga kamay.
"Nothing," sagot niya at umiwas ng tingin. He bit his lips before wearing his black helmet. Pero bago pa man niya masuot ang helmet niya ay agad ko itong kinuha mula sa kanya. Halatang nabigla siya sa ginawa ko kaya napatingin siya sa'kin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Was it just nothing?" Huminga ako nang malalim at tinitigan siya nang matalim.
It was so sudden. Parang noong nakaraan lang binigyan pa niya ako ng promise ring with his promises tapos ngayon, sinasabi niyang maghiwalay kami? He was a jerk last night, now this is worst. "Tungkol ba 'to sa painting mo? Baliw ka ba? Dahil ba dun kaya ka makikipaghiwalay?" asar na tanong nang hindi inaalis sa kanya ang titig ko.
"Sorry, pag-usapan na lang natin 'to mamaya. Okay?"
May choice ba ako? May trabaho ako ngayon tapos bigla siyang gaganyan. Napapikit ako at bumuntong hininga. Maybe something bad happened to him. Hindi ko dapat 'yon sinasabayan. He's maybe full of something on his mind, that as a girlfriend, I must understand. Pero, iba kasi talaga eh. Ibang pakiramdam ang binigay niya sa'kin sa mga sinabi niya.
Wala ako sa sarili ko nang ibalik ko sa kanya ang helmet niya. Ni-hindi na ako nakapagpaalam sa kanya dahil lutang pa rin ako. Pero pinilit ko pa rin na iayos ang wisyo ko dahil aawit ako sa burol. Oo may pinagdadaanan ako, pero hindi dahilan yun para sirain ko ang gabi ng ibang tao. Kaya naman ginawa ko ang lahat para mairaos nang maayos ang gabing ito.
Pero parang ang bagal ng oras.
I took me forever sa paghihintay kay Liam. Akala ko hindi niya na ako susunduan. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko dahil sa ginagawa niya. Pero konting-konti na lang talaga ay sasabog na ako. Mabibigat ang nilalabas kong hangin habang papasok kami sa apartment. Agad akong nagpunta at naupo sa sofa habang pinagmamasdan siyang isinasabit ang susi ng motor niya sa gilid ng aparador.
"Baka gusto mong magkwento?" Kagat labi kong sabi sa kanya habang pinipigilan ang sarili ko sa pagluha.
Lumakad siya papalapit sa'kin at naupo sa tabi ko. "Anikka, I just need some time for myself."
"Bakit? Nao-occupy ko ba lahat ng spaces mo? Sumusobra na ba ako sa limit ko sa'yo? Napapagod ka na bang ihatid-sundo ako sa trabaho ko? Nabuburyong ka na ba tuwing nagpa-practice akong kumanta? Naiinis ka ba kapag pinapakelaman ko 'yong paintings mo? Am I too dramatic, too irritating? Why do you need some time for yourself? Nasasakal na ba kita?" I don't know, I can't stop myself from asking why. I need and I must know his reasons para kahit papano hindi ako mukhang tanga dito. I can change myself, if that's what he wants.
"No, I like everything you do. I love everything about you..."
"Pero bakit gusto mong makipaghiwalay? Anong ganap? Paliwanag mo naman. Eto," aniko at tinuro ang singsing na bigay niya kagabi. "Anong ibig-sabihin nito? Anong ibig-sabihin ng mga pangako mo kagabi? That was just last night! Ang bilis naman."
Naguguluhan kasi ako. I don't even know what's running on his mind at the moment. Sobrang gulo niya. He said those promises as if we're getting married tapos ngayon he wanted to end everything? That's insane! Ang bilis kasi ng mga pangyayari, we were totally in love with each other then boom! Everything appeared to be messy. Nang hindi ko namamalayan.
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
Literatura FemininaWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)