Liam
Sa ilang bwan na lumipas ay tanging si Anikka ang laman ng isip ko. Tila mababaliw ako sa bawat araw na lumilipas at hindi ko siya nakikita o naririnig. Pero konting tiis na lang. Pauwi na 'ko ng bansa. Thank God the operation was successful. Kaya naman sobrang saya ko habang papalapit nang papalapit ang araw ng flight ko pabalik ng Pilipinas. Kailangan ko na lang maghintay ng isang bwan dahil kinailangan ko pang magpahinga. Iaang bwan na lang. I can't wait to kiss her!
Halos hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko habang bumabyahe pabalik sa Pilipinas. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Parang lumulutang ako sa ere. Kinikilig-kilig pa ko dahil sa wakas, makikita ko na rin siya. Kaya naman nang madala ko sa bahay ang mga gamit ko ay nagtungo agad ako sa apartment namin. Sabik na sabik na 'kong yakapin at halikan siya.
Ang nag-uumapaw sa pag-ibig kong puso ay tila natuyo nang makita kong may kasamang lalaki si Anikka. Nasaktan ako. Sobra. Magkahalong saya at panghihinayang ang nadama ko. Masaya dahil nakakangiti na siya, at panghihinayang dahil hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Ako sana 'yon. Ako sana.
Lagi ko siyang sinusundan. Ilang araw ko ring niligawan si Sabeth dahil halos ipadampot niya ako sa mga bouncer dahil sa galit niya. Iniwan ko raw kasing miserable ang kaibigan niya. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang aminin sa kanya ang totoo. Iyong tungkol sa sakit ko. Una hindi siya naniwala, pero salamat na lang dahil nagbukas ang isip niya sa sitwasyon ko. Kaya naman gabi-gabi, ay hinahayaan niya akong panuorin ko si Anikka nang malaya. Kahit na madalas kong nasasaktan dahil sa lalaking kasama niya, tapos madalas pa silang umaalis nang magkasama. Kainis!
Gusto ko na siyang mapasa'kin. Nasasabik na ako sa kanya. Gusto ko nang ibigay sa kanya ang wedding ring na binili ko pa sa Japan. Gusto ko nang hawakan ang mga kamay niya. Gusto kong marinig ang tinig niya. Gusto kong yakapin siya. Halikan siya. At makasama siya habang-buhay.
Na-enjoy ko na rin ang panunuod sa kanya mula sa malayo. Masaya kong nakikita siyang masaya. Kahit papaano ay unti-unti ko nang tinatanggap ang kung ano mang meron sa kanila ni Gio. Nalaman ko ang pangalan niya kay Sabeth. At hindi ko rin makalimutan ang sinabi nito nang matanong ko ang tungkol kay Gio, "Please Liam, 'wag mo nang guluhin pa ang puso ni Anikka. Alam kong masaya na siya kay Gio. 'Wag ka nang umeksena. That's your consequence. Accept it whether you like it or not."
Naintindihan ko siya. Sino ba naman ako para gambalain pa sila?
I was there when she had her greatest downfall. Naroon ako sa lamay ng bokalista ng sikat na bandang Genesis dahil sinabi sa'kin ni Sabeth ang tungkol doon. Nakangiti ako dahil narinig ko na naman siyang kumanta, masaya ako dahil nakita ko na naman siyang gawin ang gusto niyang gawin. Ang pagkanta sa lamay. Kakaiba 'tong lamay na 'to. Dahil hindi tipikal na kanta ang kinakanta nila. Nakakatuwa dahil ito ang misyon ni Anikka noon, ang saya dahil nagagawa niya ang bagay na 'yon.
Ngunit nabulabog ang lahat nang dumating ang isang babae. Galit na galit siya at nagawa pa niyang palayasin kami. Naaninag kong takot na takot si Anikka sa presensya ng babae. Gusto ko sanang lapitan siya para yakapin at pawiin ang takot niya. Pero pinigilan ako ni Sabeth, "not now, 'wag mo na munang dagdagan ang alalahanin niya."
Unti-unti nang nagsiuwian ang mga nakiramay. Kaming dalawa na lang ni Sabeth at ilang tao ang naiwan dito. Pero lumipas pa ang oras at kinailangan na ring umuwi ni Sabeth. Sabi niya ako na lang daw ang bahala kay Anikka. Pero siguraduhin kong hindi ako magpapakita sa kanya. Nanitili ako hanggang sa matapos na ang pribadong pag-uusap sa loob. Nakita kong lumabas si Anikka na nakayakap sa sarili kasama si Mr. Dee at dumeretso sa loob ng sasakyan. Sinundan ko sila nang palihim gamit ang motor ko.
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
ChickLitWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)